Ramdam ni Faith na nakatingin si Raf habang naglalakad siya papunta sa kinaroroonan nito. Kaya tuloy ay naiilang siyang lumakad at napahigpit ang hawak niya sa laptop niya. Nakumpirma niyang si Raf nga ang nag-text sa kanya nang muli itong mag-text pagkatapos ng klase niya at doon ito nagpakilala ng maayos. Pero nang tanungin niya ito kung saan nito kinuha ang number niya, hindi ito umamin. Sasabihin lang daw nito kapag papayag siyang makipagkita sa kanya. Agad naman siyang pumayag. She also wants to see him after all. Pero duda siyang si Patricia ang nagbigay ng number niya kay Raf. Wala naman kasing ibang pwedeng magbigay nun kundi ang best friend niya. Sinubukan niya itong i-text pero hindi naman nag-reply. Alam niyang umiiwas lang si Patricia dahil siguradong masasabunutan niya ito sakaling magkita sila.
"Hi, Faith!" masayang bati nito nang makalapit siya.
"Hello," ngiti din niya.
"Hi." Tumawa siya nang muli nitong inulit ang pagbati. Umupo na siya at sumunod naman si Raf. Magkaharap sila at halos hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Na-conscious tuloy siya. May pimple pa naman siya sa noo.
"So, saan mo nga nakuha?" panimulang tanong niya.
"Sa twenty-peso bill," nakangising sagot nito. Sinamaan niya ito ng tingin. Alam niyang nagbibiro na naman ito. Bakit naman niya ilalagay ang numero niya sa pera?
"Yung totoo?" seryoso niya itong tiningnan.
"Okay. Patricia gave me."
Agad na naningkit ang mga mata niya. So tama nga ang hinala niyang ang best friend nga niya ang nagbigay. Talagang masasabunutan niya ang babaeng yun.
"Please, don't be mad at her. Ako naman ang nanghingi, eh." paliwanag nito.
She looked a bit amused. Ito mismo ang nanghingi ng number niya? What's for? Akala kasi niya kusang in-offer yun ni Patricia kay Raf.
"Sorry," he muttered.
Ngumiti siya ng bahagya. "It's okay."
"Talaga?"
Tumango siya. "Sana lang nagpakilala ka kaagad. Nabulyawan tuloy kita."
"It's alright. I guess I deserved it."
"No, no!"
Ngumiti ito. "Sabi kasi ni Pat, lokohin daw muna ki-" he quickly covered his mouth as if he regretted what he had just said. Pero alam na niya ang ibig sabihin nito.
"Ah,ganun? So, sinunod mo naman?"
"Sorry, Faith." then he smiled sheepishly. He looked so cute pero pinipilit niyang pigilang matawa. She have to act like she's mad.
"Wag ka nang sumimangot. Pumapangit ka tuloy."
Sa sinabi nito ay mas lalo siyang sumimangot.
"Joke lang. Smile ka na," nakangising wika nito.
He also made funny faces that made her smile at the end.
"Hayan, gumaganda ka na ulit."
~~
"So, do you often speak Portuguese?" tanong ni Faith.
"Nope. Only when I talk to my Portuguese friends."
Minsan lang nilang ginagamit ang ganoong lenggwahe sa bahay nila. Although nakakaintindi at nakakapagsalita naman ang Pilipina niyang ina ng Portuges pero ang kapatid niyang si Andreia ay wala pang masyadong alam. Dito na kasi ito ipinganak sa Pilipinas. Tinuturuan na lang nila ito kung minsan.
"Do you have Portuguese friends here?" she mused.
"No. I mean, when I talk to them over skype."