Nakahiga si Faith sa sofa habang nagbabasa ng libro nang marinig niyang may kumakatok sa pinto. Sumulyap siya saglit sa orasan at alas-sais na ng gabi. Wala naman siyang inaasahang bisita na darating sa ganitong oras. Siguradong hindi rin ito si Patricia dahil wala naman itong sinabing pupunta ito.
May kumatok muli kaya tumayo na siya para buksan ang pinto. Wala kasing butas ang pintuan ng unit niya kaya hindi niya masilip kung sino ang nasa labas. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bahagya siyang nagulat nang makita kung sino.
"Raven?! Anong ginagawa mo dito?" taka niyang tanong.
He just simply smiled and planted a kiss on her left cheek. "Hi, babe."
"Bakit ka nandito?" tanong ulit niya.
"I just wanna see you. Hindi mo kasi sinagot ang text ko kanina. Alam mo bang matagal akong naghintay dun sa meeting place natin? But you didn't show up," malungkot nitong paliwanag.
She was suddenly struck with guilt. Ang galit niya kanina ay agad na napalitan ng awa. She looked at his face and he was a bit tired. Sweats glistened on his forehead and his hair's a bit messy. But still, he looked so ruggedly handsome. All she ever wanted to do right now was to kiss that sadness and tiredness away from his face.
"Halika, pasok ka sa loob." hinawakan niya ang kamay nito at sinarado ang pintuan. Pinaupo niya si Raven sa sofa at tinabihan ito.
"I'm sorry, babe, wala lang kasi ako sa mood kanina." saad niya.
"Why? Galit ka ba sakin?" tanong nito.
"No," she lied and faked a smile. "Alam mo namang moody ako minsan."
He slightly chuckled. "It's okay, baby girl."
"Nagpraktis ba kayo ng basketball kanina? You look tired," tanong niya.
"Oo, eh. Kailangan naming mag-double practice ngayon kasi malapit na ang game," sagot ni Raven.
Tumango-tango siya. "May towel ka ba dyan?"
"Yup." Hinugot nito ang towel sa loob ng backpack at iniabot sa kanya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha nito.
"Thanks, baby. You are so sweet."
Ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pagpupunas.
"I'm so lucky to have you, Faith." he stated and she looked at him in the eyes.
"Why?" mahinang tanong niya.
"Coz you are beautiful inside out."
She blushed at what he said. It's a clichéd line pero nakakakilig pakinggan kapag galing ito sa taong mahal mo.
"Nasa 'yo na ang lahat," dagdag pa nito sa tonong kumakanta.
"Don't sing that," pigil niya.
"Bakit?"
"Hindi ko idol ang kumakanta."
"Ako naman ang kumakanta, ah."
"I mean, the one behind that song!" sabi niya sabay palo ng towel sa braso nito.
He bursted out laughing. Pinalo niya ito ulit. Hinila naman siya ni Raven palapit at ipinatong ang mga kamay sa kanyang balikat.
"I love you."
Napalunok siya habang nakatingin sa mga mata nito. Ramdam niya ring mabilis ang pagtibok kanyang puso.
"I love you, too." sagot niya.
His lips tugged into a smile.
Ngayon ay napapaisip siya kung dapat pa ba niya itong pagdudahan. Ramdam naman niyang totoo ang pagmamahal nito, ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita at kilos nito.