"Gaga! Hindi joke 'yon!" bulyaw ni Patricia sa kanya.
She frowned. "Parang joke kasi..."
Pat rolled her eyes. "Bakit? Sinabi ba niyang joke lang?"
Umiling siya. Raf was actually trying to convince her that he's not kidding.
"No, Faith. I'm not kidding you," she remembered him saying.
She was actually puzzled whether it's true or not but in the end, she chose to believe that maybe it was just a joke.
"Hay naku, Faith. Hindi porke mapagbiro ang tao, puro na lang biro ang sinasabi niya. He was trying to confess to you. Hindi mo ba naisip 'yon?" naiinis na wika ni Pat. Feeling tuloy niya ay maha-higblood na ito sa kanya.
She just expelled a heavy breath. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo pa at naguguluhan na rin siya.
"Remember, you are wondering if Raf has feelings for you and now that he confessed that he likes you yet you prefer not to believe him. Hindi kita maintindihan, girl!" dagdag pa ni Pat. She looked really frustated.
"Ayaw ko lang naman mag-assume," mahinang wika niya.
Patricia rolled her eyes once again.
"Hayan ka na naman sa pagiging unassuming mo!"
Napapikit na lamang siya. Ano'ng masama do'n? Mas mabuti na lang iyon kaysa sa mag-assume siya tapos hindi lang naman pala.
"I felt pity for Raf. He might feel rejected."
Tiningnan niya si Pat. "Hindi ko naman siya ni-reject."
Tinaasan siya nito ng kilay. "But you made him feel that way."
She sighed. "So...ano'ng dapat kong gawin?" tanong na lamang niya. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapang ito. Baka tuluyang ma-highblood ang kaibigan niya.
"Ewan ko sa 'yo! Ang tanga mo!" bulyaw nito sa kanya.
Umiwas na lamang siya ng tingin. Talagang galit na sa kanya ang kaibigan.
"Pat, please...'wag ka namang magalit sa 'kin."
Nakanguso ito at magkasalubong ang mga kilay na tiningnan siya.
"Huwag ka kasing tanga next time!" inis nitong sabi.
Napatango na lamang siya. Katangahan ba iyong ginawa niya?
~~
Since then, Faith has been contemplating on what Raf had said. Dagdag pa ang ginawang pangsesermon at pagpapakonsensya ni Pat sa kanya. Parang nagi-guilty na tuloy siya na hindi siya naniwala rito. What if totoo ngang may gusto nga si Raf sa kanya? Iyon naman ang matagal niyang gustong malaman, 'di ba? Pero binalewala lamang niya. And worst, she took it as a joke. She might've offended Raf if ever. Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito haharapin. Pagkatapos kasi noong nangyari sa Starbucks ay hindi na ito nagparamdam sa kanya. Tatlong araw na siyang hindi sinusundo ni Raf at hindi rin niya ito gaanong nakikita sa school. He barely texts her. Halatang iniiwasan siya nito. Maybe she had hurted his feelings. Lalo tuloy siyang naging guilty. And she admits, she misses him. Kaya naman hindi siya nakatiis at tinext niya ito.
Hi! :) bati niya sa text.
It took long before he replied hello.
How are you? I missed you. :(
Tinitigan niya muna ang message niya. Was it good to state that she misses him? What if hindi naman siya nito nami-miss? So she ended up deleting the last part. Ayaw na naman niyang mag-assume na na-miss siya nito. Here she goes again for being unassuming.