May kamay na marahang tumatapik sa balikat niya.
"We're over, Pat." mahinang wika ni Faith habang patuloy sa paghikbi. She buried her face deeply in between her arms.
Tumikhim ang nasa gilid niya at saka niya lang napansing hindi ito si Patricia. Iniangat niya ang mukha at tumingala. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid niya. She rubbed the blurness away from her eyes and looked at him again. He seemed so familiar.
"Take this," iniabot nito sa kanya ang isang panyo.
Nag-alangan pa siyang tanggapin ito pero kalauna'y kinuha na lang niya.
"T-Thanks," mahinang sambit niya. Pero hindi niya pinunas sa mukha niya ang panyo. Nanatili lang ito sa kanyang kamay.
"Okay ka lang?" tanong ng lalaki.
Tumango lang siya. She suddenly felt so uncomfortable that there's a stranger beside her. No, scratch that. He's not totally a stranger. Parang nakita na niya ito dati.
"I guess you are not," wika nito.
Faith looked away from him. Ayaw niyang makita nito ang luhaan niyang mukha. But it's too late.
Sa huli'y ipinangpahid na rin niya ang panyo nito sa mukha. It smelled so good. Lalaking-lalaki ang amoy. Naalala tuloy niya si Raven. Ganito rin ang amoy nito. Mukhang pareho ang mga ito ng pabangong ginagamit. Pero agad niyang itinaboy ang imahe ni Raven sa isip niya though his last words still lingered inside her head.
Hindi ka kawalan.
Muli siyang napaluha. Pakiramdam niya'y parang wala siyang silbi sa sinabi nito. Napasubsob siyang muli sa mesa at umiyak. Sobrang sakit sa dibdib ang nararamdaman niya. Para rin siyang mauubusan ng hininga. Faith felt the guy sat beside her and brought his hand on her shoulder. She quivered a bit. Why is she letting a stranger touch her? Pero hinayaan na lang din niya ito.
"Sige lang, iiyak mo lang yan." sabi nito na para bang alam nito ang pinagdadaanan niya.
Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-iyak. Naalala niya bigla si Patricia. Hindi pa siya nito binabalikan. Ang best friend niya ang dapat na nagko-comfort sa kanya ngayon, hindi ang lalaking ito na hindi man lang niya kilala kung sino. Pero mukhang hindi naman ito masama. Parang unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng pagiging komportable rito.
"Hoy, sino ka?" nagulat siya sa biglaang paglitaw ng boses ni Patricia.
Umangat ang mukha Faith at seryosong nakatingin si Pat sa lalaking katabi niya. Nang makita naman siya ay agad siya nitong nilapitan.
"Faith, ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Pat.
"Pat..." tanging nasabi niya at napayakap sa kaibigan. Patuloy siya sa pag-iyak.
Hindi niya alam kung bakit ganito siya ka-emosyonal. Alam niyang tama lang ang ginawa niyang pakikipaghiwalay kay Raven pero sadyang masakit lang talaga. Kahit paano'y minahal niya rin ito ng totoo. Nakakalungkot nga lang na mukhang hindi siya nito ganoon kamahal.
"Break na yata sila ng boyfriend niya," saad ng lalaki.
Teka, paano nito nalaman? Nakita kaya nito ang nangyari kanina?
"You shut up there, dude!" bulyaw ni Patricia sa lalaki. Maldita talaga itong best friend niya. She heard him muttered sorry.
"Uuwi na tayo," bulong ni Pat. Tumango lang siya saka kumalas sa pagkakayakap sa kay Pat. Napatingin siya sa lalaking katabi niya. Ngumiti ito. That smile of his made her totally recognise him. Siya iyong half-Portuguese guy na nakita niya sa mall noong nakaraang araw.