Chapter 4
(Qia)
Pagkatapos akong ihatid ni Rave ay napasalamat na ako at pumasok sa loob ng bahay.
Pero nagulat ako ng pag pasok ko ay nasalubong ko ang matagal ko nang na-miss.
"Sino 'yong naghatid sayo? May boyfriend ka na pala di mo man lang sinabi sa akin."
Pero binalewala ko lang ang sinabi nya at tumakbo sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"O. Ganun mo talaga ako na-miss?"
Kumalas ako sa pagka-kaakap sa kanya ta pinalo sya sa braso.
"Aray! Para san yon?"
"Eh ikaw kasi! Bakit di mo man lang sinabi na uuwi ka na pala!"
"Edi di na yon surprise!" tapos hinila nya ako at niyakap ulit. "Namiss talaga ako ng kapatid ko."
Niyakap ko na rin sya, "miss lang. Miss na miss kaya."
Tapos hinalikan nya ako sa sentido ko at pinat ang ulo ko.
"Namiss din kita bunso."
"Teka, asan si nanay at tatay?"
"Ayon, sinurpresa ko rin kasi kaya nagmadaling pumunta ng palengke para bumili ng mga lulutuin."
"Ikaw naman kasi eh. Di mo man lang kami sinabihan na darating ka. Nakapaghanda sana kami ng marami!"
Tapos natawa lang sya at niyakap ako ulit. Namiss ko talaga si Oppa. Matagal kasi syang di umuwi eh. Kahit bakasyon doon sa kanila noon di man lang sya umuuwi dito.
Sa US nag-aaral si Kuya at si lolo lahat ang gumagastos ng pam-paaral nya. Pero, dahil natural na matalino si kuya, ay nakakuha rin sya ng scholarship. June ngayon kaya summer vacation ngayon sa US. Kaya siguro umuwi sya ay dahil magbabakasyon sya dito. Pero bakit ngayon nya lang naisipang magbakasyon. Minsan nakakatampo din tong si kuya eh.
******
Nangdumating sina nanay ay tinulungan na lang namin syang magluto sa kusina. Pero dahil raw para kay Kuya Niel tong niluluto nya, eh pinagpahinga nya na lang si kuya at kaming dalawa na lang ni nanay ang magluluto. Nanood naman ng TV si tatay at kuya. Sa tagal rin ng panahon na di umuwi si kuya ay miss na miss na sya ni nanay at tatay. Nag-iisang anak kasi nila si kuya Niel kaya mahal na mahal nila.
Sa sobrang busy namin ni nanay di na namin naramdamang pumasok si kuya. Kaya nagulat na lang ako ng nagsalita sya sa likuran ko.
"Sino nga pala yong naghatid kanina sayo? Boyfriend mo?"
"Huh?"
"May naghatid sayo dito Qia? May boyprend ka na anak?"
"Naku nay! Wala po. Wag ka magpapaniwala dyan kay kuya." tapos tinignan ko si kuya ng naniningkit ang mga mata ko
"Aba. Hindi kaya ako sinungaling. Totoo kayang may naghatid kanina sa'yo dito. Eh kung di mo yon boyfriend, sino yon."
"Si Raven Hwang." tapos ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong pagslice ng mga sangkap.
Nagulat naman ako ng napaubo si kuya. At napatingin sa akin si nanay ng nanglalaki ang mga mata.
"Nakilala ka nya?" tanong ni kuya
"Yun nga ang masakit eh. Dahil hindi nya ako natatandaan." tapos nagpatuloy parin ako sa ginagawa ko
"You mean. Walang idea si Raven na ikaw si Queenie?"
Umiling lang ako at nabuntong hininga. Yon rin nga pinagtataka ko eh. Di naman masyadong nagbago ang mukha ko simula ng bata pa ako. Pero bakit di nya talaga ako namukaan? Tuluyan na ba talaga akong nakalimutan ni Raven?