Chapter 10: I like You

8.6K 133 7
                                    

Chapter 10

Parang Kailan lang at Friday nanaman. Nakauwi na si Tatay sa bahay at nagpa-pahinga muna. May trabaho pa rin naman sya kay lolo, at hindi sya basta-basta bi-bitawan ni lolo dahil trusted man nya si tatay. 20 years na ding nagta-trabaho ito sa kanya, kaya ganun lang ang tiwala nya dito. At hindi lang basta-basta trabahador ang tingin nya kay tatay, kundi isang kaibigan na rin. Kaya nga pinagkatiwalaan nya rin si tatay para alagaan ako.

Bumaba na ako at dumeratso sa kusina para kumain ng breakfast, nakita kong kumakain na si kuya at kasama si tatay na sinusubuan pa ni nanay dahil naka-cast pa ang kanang kamay nito.

Binati ko sila ng good morning at isa-isang bineso at umupo sa tabi ni kuya.

Sa harap ko ay nakahain na ang pancakes na niluto ni nanay sa akin. Monday and Friday ang pancake days ko. Nakasanayan ko na rin dahil simula nung maliit pa ako palagi na akong nilu-lutuan ni nanay nito at ang pancakes nya ang paborito ko.

"Kamusta ang School anak?" tanong sa akin ni tatay

"Ok naman po. Actually nga po, mag e-exam na kami next week. Kaya ngayon po siguro ay ga-gabihan ako ng uwi dahil mag-aaral po ako sa library mamaya."

Tumango naman si tatay. "Dinig ko, nakakalapit raw kayo ng anak ni Mr. Hwang?"

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Napating din ako kay nanay at kay kuya pero patuloy sila sa pagkain at iniwasan ang mga tingin ko sa kanila. Binalik ko naman ang mata ko kay tatay.

"Ah, tay. Huwag po kayong mag-alala hindi nya po ako nakilala pramis."

"Qia, hindi talaga maiwasang hindi kayo magkita dahil sa iisang paaralan lang kayo nag-aaral, pero ang sa akin lang ay kung pwede mag-ingat ka lang. Hindi ko gusto na dahil lang sa pagkakaibigan mo sa kanya ay masisira ang mga plano na matagal naming pinag-isipan ng lolo mo. At ayaw kong mapahamak ka. Ang sa akin lang ay mag-ingat ka lang. Nakuha mo ba?"

Tumango ako kay tatay. Oo naiintindihan ko ang lahat, pero, minsan iniisip kong kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Hanggang kailan ako magsisinungaling sa mga taong mahalaga sa akin?

Pagkatpos kong mag breakfast ay pumasok na ako ng school. Nasalubong ko pa si Rio sa daan papuntang department building pagkarating ko doon. Maaga kasi akong pinatawag ng adviser namin para may ibigay sa akin tungkol doon sa Quiz bee na sasalihan ko. Maga reviewers lang naman iyon para pag-aralan ko. Sa susunod na bwan pa naman yung Quiz Bee, pero gusto lang ni Maam na mag-advance study ako para sigurado raw.

"Bakit andito ka?" tanong ko kay Rio.

"Pinatawag ako ni Maam Flores para ibigay sa akin yung mga reviewers."

"Reviewers? Kasali ka ba sa Quiz Bee?"

"Oo. Ikaw rin ba?"

"Oo. Ikaw pala ang makaksama ko. Mabuti naman kung ganon."

"Bakit naman?"

"Paano kasi, kung hindi ko kilala ang makakasama ko baka di kami magkasundo dahil 'di ako ganun ka-galing makipagkaibigan eh. Mabuti na lang at ikaw, dahil magkaibigan na tayo."

Tuamango naman sya at Napatuloy lang kaming maglakad papuntamg Science and Health Department. On the way nagbibiruan lang kaming dalawa ni Rio. Sa totoo lang masayang kasama si Rio, pero minsan kasi hindi ko rin sya maintindihan eh. Bigla na lang kasing tatahimik at parang invisible. Ewan ko ba dito? Kung wierd ako mas wierd sya! Siguro kaya magaan ang loob ko sa kanya dahil may pagka-kaparehas kami.

Pagkarating namin Sa S&H department agad naman kaming kinausap ni maam at ibinigay ang mga reviewers. Ang sabi nya pa tuwing MWTh ang review namin dito at next week na raw kami magu-umpisa. Mabuti na daw kasi yung maaga kesa daw mag craming kami kung magu-umpisa kami days na bago ang contest. Tama rin naman si maam.

SECRET BILLIONAIRE (Editing&Revising)Where stories live. Discover now