Chapter 5
Pagkatapos sumigaw ni Raven ay natahimik ang lahat, kasali na si ateng Rhean na kulang na lang eh magwala sa sobrang galit.
Kahit ako nga eh nagulat din ng nasigaw ai Rave. Nakakatakot pa lang syang magalit. Mukhang makakapatay kasi eh
Tuminging sya kay Rhean na nanlilisik ang mata, napaatras naman si Rhean sa kanya.
"Ano bang paki mo kung sino man ang gusto kong maging kaibigan? Sino ka ba ha para bigyan ako ng choices? You mean nothing to me Rhean kaya lumugar ka!"
Ow! Ang harsh naman non.
"Prince. Anong sinasabi mo? I mean nothing to you? Prince, no, I'm your everything. Prince, ako ang babaeng dapat mahalin mo."
"Ha! Nagpapatawa ka ba?" nag step forward si Rave papunta kay Rhean, "At sino ka para diktahan ang mararamdaman ko? Wag ka ngang magpatawa! Dahil hindi ako natutuwa sayo. Kung iniisip mong tinatanggap kita sa grupo ko. Pwes sasabihin ko na sayo ang totoo. In the first place, I don't f***ing care who the hell you are! At kailan man ay hindi kita gusto! Kaya wag mong sabihin na ikaw lang ang nararapat na maging kaibigan namin! Dahil kahit kailan ay wala kang karapatan!!"
Naiyak na si Rhean, at naguumpisa nanaman ang bulong bulungan ng mga estudyante sa paligid namin.
"At ang sinabihan mong basura? Mas gusto ko pasyang maging kaibigan kesa sa katulad mong Mas mabaho pa sa basura ang ugali! Kaya umalis ka na!"
"How dare you Prince! Tandaan mo ang araw na to! Pagbabayaran nyo ang lahat ng ginawa nyo sa akin! I hate you!!" tapos tumakbo na sya palabas ng caf.
Kung kanina ay medyo naiinis ako kay Rhean, ngayon parang naawa na ako sa kanya. Sumosobra na kasi si Rave eh. may damdamin rin kaya si Rhean kahit masama ugali nya. Siguro kung ako din ang nasakalagayan nya, masasaktan din ako ng grabe.
"Akala mo kung sino. Nakakainis talaga ang babaeng yon! May nalalaman pa syang kadramahan. Hmp!" pagmamaldita ni Sandy
Tapos hinahagod lang sya ni Kent sa likodNilapitan naman ni Rio si Rave at tinap ang kanyang balikat. Kumalma naman kaagad si Rave at umupo ulit sa tabi ko. Hindi parin nawawala ang titig ko sa kanya.
Napatingin naman sya sa akin, "what?"
"Grabe ka. Babae kaya yung pinahiya mo."
"She deserves it. At kung di ko yon gagawin, patuloy lang syang mangugulo."
"Raven is right Qia. If he didn't do that. Rhean would be so destructive." pag sangayon pa ni Anya sa kanya
"Kahit na!" napatingin naman silang pito sa akin, "kahit namang masama ang ugali ni Rhean, eh wala parin tayong karapatan na awayin sya ng ganon. At isa pa, pwede naman natin syang kausapin ng mahinahon kanina. Ayan tuloy mas pinalaki nyo pa ang gulo! Lalo ka na Raven!" binaling ko sa kanya ang ringin ko
"What? Me?"
"Oo ikaw! Grabe ang mga sinabi mo sa kanya ha. Ang harsh masyado. Pinahiya mo sya sa maraming tao Raven. Alam mo bang nakakasira ng self confidence yang ginawa mo! Sana kinausap mo na lang sya in Private para masabi mo ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Hindi yong ganito! Bahala na nga kayo dyan!" tapos umalis na ako
Tuloy tuloy akong naglalakad, dahil ewan ko rin kung saan ako papunta, basta ang gusto ko lang malayo sa kanila. Hindi ko kasi talaga gusto yong nangyari eh. Imbes na mawala ang away, eh parang lumala pa. I'm sure hindi papayag si Rhean ng ganun ganun lang matatapos ang awayan na yon. Tantya ko may gagawin pa syang mas nakakatakot at kung ano iyon ay sya lang nakakaalam.
Natigil naman ako ng biglang may pumigil sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. Kaya nag landing ako sa may dibdib nya. Napa-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko.