Chapter 7
Pagkatapos naming lumabas para bumuli ng maiinom, bumalik na kaagad kami ni kuya sa hospital. Kaming dalawa lang, dahil umuwi na sila Sandy.
Nasa labas lang kami ng kwarto ni tatay, dahil hindi pwedeng madami ang nasa loob ng kwarto.
Dahil doon ay pinauwi muna kami ni nanay para raw makapag pahinga na kami ni kuya. Kaya ayon umiwi na rin kami.
Alam kong magiging ok na din si tatay. Malakas sya, kaya kakayanin nya ang pagsubok na to.
Pero napapaisip parin ako sa mga sinabi ni kuya. Nakausap ko narin yung nakasama ni tatay sa aksidente. Ganun rin ang kwento nya sa akin. Totoo kaya ang nga pangyayaring ito ay may kinalaman din sa pagkamatay ni daddy? Pero matagal na panahon na ang kasong yon. Sana kung totoo man na ang mga taong yon ay may kinalaman sa pagkawala ng daddy ko, sana mahuli na sila. Para may hustisya na rin sa pagkawala ni daddy. Matagal na kaming naghahanap ng mga ebedensya, at ngayon na sila na ang kusang lumalapit, ay sana mahuli na sila.
Pagkauwi namin ng bahay ay naghanda lang ako para matulog. Wala kasi talaga akong ganang kumain ngayon. Sa lahat ba naman ng mga nangyari ngayong araw eh makaka-apetite ka pa?
Una nung sinugod kami ni Rhean sa caf. Nung nalaman kong naaksidente si tatay at ang huli ang mga imporsyon tungkol sa pagkawala ni daddy. Haaay...
Parang ang hirap i-digest lang to. Mukhang maka-kaempatso ata ako sa sobrang dami nito. Isa pa pala, bakit ba di nagpaalam si Rave na aalis sya? May problema kaya yon? O baka nata-tae lang kaya umalis? Hay! Ano ba tong mga pinag-iisip ko? Pero bakit nga kaya sya umalis?*****Next day
Pumasok ako ngayon sa school dahil yon ang utos ni nanay. At tsaka tatawagan nya na lang raw kami kung may pagbabago na kay tatay. Si kuya Neil, eh ayun tumambay na lang sa bahay. Pupunta rin naman sya ng hospital para sya naman mamaya ang magbantay ka tatay. Sa totoo lang, parang wala talaga akong ganang pumasok ngayon dahil sa nangyari kay tatay, pero dahil sa utos ni nanay eh, gagawin ko na lang.
Nasa second subject na kami ngayong araw at may ipinagawa lang si maam na activity. Kaya heto ang ingay ingay ng mga ka-klase ko. Kasama ko si Sandy sa pagawa ng activity. By partner kasi ang activity namin.
"Qia? Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Sandy. "Kanina ka pa kasing tulala dyan."
Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. "Wla to. Ok lang ako."
"Sigurado ka? Kamusta na pala si tatay Jerry? Nagising na ba sya?"
"Hindi pa nga eh. Nag-aalala na ako. Pati na rin kay nanay, baka kung ano nang nangyari sa kanya."
Tinapik naman ako sa balikat ni Sandy at ngumiti, para iparating sa akin na magiging ok din ang lahat. "Huwag ka na masyadong mag-alala. Magiging ok din ang lahat. Sigurado akong magigising na si tatay Jerry. Sa ngayon, pagtuunan muna natin ng pasin tong activity na pinapagawa ng bruha nating teacher."
Tapos natawa lang kaming dalawa ni Sandy.
Pagkatapos ng klase ay sabay-sabay ulit kaming kumain ng lunch sa caf. Syempre wala naman kaming ibang makainana dito eh. Tsaka wala akong baon ngayon dahil wala si nanay sa bahay, so makakagastos talaga ako ng pera para sa lunch. Sighs.Actually may allowance ako galing kay lolo, pero hindi ko masyadong ginagastos ang perang iyon. Ayaw ko kasing umasa lang sa pera ni lolo. Minsan nga iniisip kong mag part time ang kaso hindi naman ako payagan. Tsaka ang sabi pa ni lolo hindi naman habang buhay ang pagtatago ko. Kung maayos na daw lahat ng mga problema ay ipapakilala nya na ako bilang heir nya. Minsan nga iniisip kong umatras sa pagiging heir, ewan ko, feeling ko kaai di ko kakayanin ang trabahong iyon. Mas gusto ko ang kumanta kesa magpatakbo ng kompanya.