(Qia)
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako ng kwarto ko at nagbihis para makapag-pahinga.
Mamayang hapon ko na lang bibisitahin si tatay, sa ngayon matutulog muna ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi eh. Ang dami ko kasing iniisip, siguro mga madaling araw na ako nakatulog dahil lang sa kakaisip ng mga bagay bagay. Syempre ikaw ba naman, madi-digest mo kaya lahat ng mga impormasyong iyon? Sa tingin ko rin hindi eh.
At nadagdagan pa ngayon dahil sa mga sinabi ni kuya Niel tungkol kay Raven.
Totoo bang nagseselos sya kay kuya? Kikiligin na sana ako pero ayaw kong maging assumera. Dahil imposible talaga eh. Kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Rave. Tsaka hindi nya talaga ako magugustuhan!
Malinaw pa sa alaala ko nung mga bata pa kami. Nung dinadala sya ng papa nya sa bahay para magkalaro lang kaming dalawa.
****Flashback
"Queenie! Andito na ako!"
Tapos ay napalingon ako doon kung saan nanggaling ang boses ng bata. At nakita ko sya ang lapad ng mga ngiti. Ngumiti rin ako ng napakalapad at patakbong lumapit sa kanya.
"Andito ka nanaman ulit?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
Umiling naman ako at ngumiti ng malapad. "Hindi! Gusto kong andito ka para may kalaro ako. Ayaw kasing makipaglaro ni yaya at tita sa akin kaya mag-isa na lang ako palaging naglalaro."
"Ako nga rin eh. Kaya ngayon araw-araw na akong andito sa inyo para makipaglaro sa'yo. Huwag ka nang malungkot ha? Dapat palagi ka nang nakangiti!" tapos malapad ang ngiti nya sa akin
Nagla-laro kami hanggang sundoin sya ng papa nya sa bahay. Minsan nga naaabutan pa sya ni daddy dito. Minsan din ay sumasabay sya sa aming maglunch at dinner.
Noong sumunod na mga araw ay ganun pa din, magka-klase din kami sa pre-school kaya halos araw-araw ay magkasama kami. Hinahayaan lang rin sya ng daddy nya dahil magkaibigan ang daddy nya at si lolo.
Palagi kaming magkasama sa lahat ng oras kung nasa-school kami. Walang kahit na isa ang lumalapit sa amin noon dahil takot sila kay lolo. Kami lang dalawa ay sapat na sa amin.
Pero nagbago ang lahat isang araw.
"Daddy *sob* when are you coming back?" habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.
Lumuhod si daddy para magkapantay kami. He used the back of his hand para punasan ang basa kung mukha dahil sa luha na patuloy paring umaagos mula sa mata ko.
"Hush now." pagkatapos ay pinatong nya ang kanyang kanang kamay sa maliliit kong shoulders, "daddy will be back soon. Sandali lang naman ako doon eh."
Umiling-iling naman ako. "No daddy! I don't want you to go!*sob*"
"Baby, please understand daddy ok. May trabaho ako doon. At hindi pwedeng hindi ako pumunta doon. Stop crying na ok?"
Umiling-iling parin ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit pa sya aalis. Nandito naman ang office nya sa philippines bakit pa sya pupunta ng korea para magtrabaho doon. At ang sabi pa ni nanay baka daw matagalan si daddy doon.
He sighs and squeez my little hands nang hinawakan nya ito. "Baby, listen to daddy ok. I'll be back before the weekends at pagkatapos ay ipapasyal kita kahit saan mo gusto pagbalik ko dito.ok? Anong gusto mong pasalubong sa'yo ni daddy?"
Yumuko ako at nilalaro ang mga daliri ko, " I just want you back daddy."
And he hug me. "I think my baby is now grown up." then kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at binigyan ako ng halik sa noo at sa pisnge, "don't cry ok?" habang pinupunasan nya ang mga luha sa pisnge ko gamit ang kamay nya, "daddy will be back, I promise."