Nakasakay si Marian sa kotse ni Kurt. "Actually it is the very first na sumakay ka sa kotse ko." sabi ni Kurt habang nagmamaneho. Naalala niya ang sinabi ng kaibigan niyang si Kristop.
"Sakyan mo lang siya sa gusto niya at huwag na huwag mong ipapahalata sa asawa mo. Dahil baka tama ang hinala kong papatulan ka niya."
Medyo kinabahan si Kurt dahil ayaw sana niyang gumawa ng dahilan para masira ang pamilya niya. Second chance is enough. Kahit wala siyang kasalanan ay alam niyang hindi parin siya pwedeng gumawa ng kalokohan pero bakit kasama niya ngayon si Marian?
"Gusto mo bang mamasahe pa ako?" sagot ni Marian. Ngumiti si Kurt at tumingin kay Marian sa rear view mirror. Napansin niyang komportable at nakangiti lang din ito na parang isang bata.
"Akala ko kasi maiilang ka but it is nice."
"Hayaan mo na. Iba ang samahan natin sa samahan namin ng asawa mo. Okay lang 'yun kung minsan makasama kita."
Maraming gustong sabihin si Kurt. Pero ayaw man ay gusto niyang matukso basta tuksuhin lang siya. Pwedeng tumanggi at alukin si Marian, para tatlo sila nila Carla ang magbonding pero hindi niya magawa.
"I know." Pag-sang ayon na lang niya para hindi na mag-isip pa ng iba si Marian. Pinili nila sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanila. Isang restaurant sa likod ng malaking mall. May view pa ang dagat. Kumain lang sila at walang halong personalan ang pag-uusap. Matapos ay nagpunta sila sa tabing dagat para langhapin ang sariwang hangin.
"Ang galing no." sabi ni Marian habang kapwa sila nakatingin sa view.
"Bakit?" tanong ni Kurt.
"Ikaw pa ang nagbayad samantalang ako ang nagyaya." Tumawa ng marahan si Marian.
"Hindi naman kasi talaga porke idea mo ito ay ikaw na ang magbabayad. Maybe it's your idea pero gusto ko din ang magandang idea na ito. Ayoko naman na ilibre mo ako porke ikaw ang nagyaya. Actually, parang ako talaga ang nagyaya kasi matagal ko nang gusto ito."
Napatingin si Marian nang seryoso kay Kurt. "Oo na. Pero alam kong hindi naman 'yun ang dahilan. Kayong mga lalaki ay likas na mayayabang."
"Bakit naman?" Halos mapakamot ng ulo si Kurt.
"Ayaw niyong pinagbabayad ang babae. Hindi ba pwedeng maging patas kayo?" tumawa lang si Marian. Umiling iling lang si Kurt. "Pero seryoso, Kurt. Masakit bang pagtaksilan?" Walang dalawang isip na tanong ni Marian.
Ayaw na ayaw nang pag-usapan pa ni Kurt o sariwain ang nakaraan niya pero wala siyang magawa dahil seryosong nakatingin sa malayo si Marian. "Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Naitanong ko lang," Tumingin si Marian kay Kurt. "Sa kagwapuhan at sa sapat na dami ng pera mo ay alam kong kaya mong bumuhay kahit tatlong pamilya. Pero dahil mahal mo ang asawa mo, mas pinili mong patawarin siya."
"Wala naman yatang masama doon dahil sa mga anak namin. Ayokong lumaki silang hiwalay kami ni Carla."
"Pareho lang akong nagtaka sa inyo. Hindi na naman nakakapagtaka para kay Carla na matukso dahil maganda siya at sexy. Tutuksuhin talaga siya ng mga lalaki. Pero bakit ka kaya niya napagtaksilan?"
Gusto nang umangal ni Kurt sa topic pero hindi naman si Marian ang tipong kailangang pagsabihan lalo't parang nothing lang ang topic na tila natural. Sumakay na lang siya. Naalala ang nakaraan pero tiniis lang niya. "Hindi ko rin alam kung bakit pero alam kong pinagsisihan na niya 'yun. Hindi naman tayo lahat ay perpekto. Pinili ko nang patawarin siya para sa mga anak namin. Ayoko nang magulong pamilya. At nakakita na din ako ng pamilya na hindi na nakabangon pa dahil hindi ginawa ang dapat. Siguro pwedeng hindi na lang patawarin dahil mali nga. Pero paano na ang pamilya ko?"
"Ano ba ang dapat?"
"Bigyan ng isa pang pagkakataon ang nagkasala. Ang mismong kasamahan ko sa trabaho ang nagpamukha sa'kin nang hindi sinasadya. Wasak na ang pamilya niya at lalo pa niyang winasak dahil hindi siya sumubok sa pangalawang pagkakataon. Nagsisi siya sa huli dahil huli nang lahat sa kanila. Pinamukha niya sa asawa niyang kaya niya itong palitan pero siya din ang talo. Dahil nang mag-asawang muli ang asawa niya, saka niya naalala ang masasayang karanasan nila bilang pamilya. Dahil huli na ang lahat, umiyak na lang siya ng umiyak. Nagkasala ang asawa niya. Pero hindi niya pinatawad."
Nagkatinginan lang sila. "Kaya pala." Ngumiti si Marian. "Mahabang paliwanag pala ang kailangan. Gets ko na. Siguro bawal na kay Carla ang ikatlong pagkakataon dahil sobra na siya. Mabait si Carla kaya siguro naisip mong patawarin siya."
Lumakas ang hangin. Kita sa mga buhok nila ang galaw ng hangin na nagpasingkit sa mga mata nila. "I don't want to regret what's happened."
"Sabagay, tama ka. Pero sana hindi na makarating kay Carla ang naging pag-uusap natin o ang pagkakataon na ito. Magdududa siya."
Naalala na naman niya si Kristop. Oras na ilihim ang lahat sa asawa niya ay pwedeng pumatol nga ito sa kaniya dahil guilty. "Malamang." Kurt softly said. It seemed it was ordinary that they couldn't suppose to be noticed by Carla. Dedmahan lang at walang tanong tanong kung bakit kailangan 'yun.
"Baka lang kasi magduda siya sa'tin." Marian said. "Natatakot kasi siyang gumanti ka. Kaya inunahan na niya ako."
Alam ni Kurt ang tungkol doon dahil sinabi sa kaniya ni Carla. Pero nanibago talaga siya kay Marian. Umuwi na sila para makauwi ng maaga si Marian. Hindi na siya hinatid pa sa mismong bahay. Sa mas malayo na pwede pang sumakay ng isang sakay sa jeep. "Dito na lang." sabi ni Marian. "Sa uulitin ah."
"Sige."
"Sana mas matagal pa. Pero try kong magpunta sa inyo sa Linggo. Para makabonding uli si Carla. At para hindi siya magduda sa'tin."
"Dahil wala naman dapat pagdudahan."
"Meron parin dahil kung ako ang nasa katayuan niya ay magdududa ako kung malalaman kong may lakad kayong hindi ko alam. Kahit wala kayong ginagawa ay hindi ako maniniwalang wala kayong relasyon."
Hinawakan ni Marian ang kamay ni Kurt na nakahawak sa kambyo. Pinisil at bumitaw. Pero bago siya bumaba ng kotse ay hinila siya ni Kurt. Bumalik siya sa pagkakaupo. Hindi na kinaya ni Kurt ang lahat. "Marian," bulong niya. Nagkatitigan lang sila. Sa itsura ni Marian ay halatang hindi siya galit kaya lalong lumakas ang loob ni Kurt. Nilapit niya ang labi niya sa labi ni Marian. Hinalikan niya ito ng marahan. Gumanti ng halik si Marian. Hindi na nila natiis pa ang lahat hanggang bumitaw sila. "Marian." Muli na naman niyang bulong.
"Kurt, uuwi na ako. Next time na lang. Chat or text mo ako."
Umalis na si Marian at iniwan na si Kurt. Alam nila pareho na mula sa mga oras na ito ay magbabago na ang relasyon nila. Relasyon na meron nang malisya. Napahawak si Marian sa mukha niya habang nakasakay sa jeep. Gusto niya ang nangyari pero hindi niya gusto ang pakiramdam. May asawa si Kurt pero wala siyang magawa dahil gusto niya talaga ang katauhan nito.
