// 24. Lying Feeling

1.7K 27 2
                                    

Magkasamang palabas ng school si Richard at Cheche. Medyo tahimik this time si Cheche. Kakahatid lang nila sa mga bata.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" sabi ni Richard kay Cheche na miski sa paglalakad ay hindi ginaganahan.

Hinawi ni Cheche ang buhok niya at tumingin sa ibang bagay. "Wala." Simpleng sagot ni Cheche.

"Hatid na kita. Okay lang ba?"

"May maghahatid na sa'kin."

"Pwede mo siyang kausapin, sabihin mo, mauna na siya."

Tumigil sa paglalakad si Cheche na tila nakulitan na kay Richard. "Hindi nga pwede. Saka na." gusto na talagang niyang ipagtapat na kasambahay lang siya para wala na siyang maging problema kahit masaktan siya. Pero wala pa siyang lakas ng loob.

"Ito nga lang ang oras na nagkikita tayo, ipagdadamot mo pa." Nakapamulsa lang si Richard at nakatingin din sa ibang bagay.

"Richard, wala akong pananagutan o obligasyon sa'yo." Hindi talaga gusto na sabihin 'yun ni Cheche pero kailangan. Ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon. Mas gusto niyang iwasan na lang siya nito ng kusa.

"Nakakatampo ka na naman," Umiling si Cheche sa sinabi ni Richard hanggang nagpatuloy sila sa paglalakad. "Ano ba ang dapat kong gawin? Wala naman yata pa akong pinapakita sa'yo para hindi mo ako magustuhan."

"Hindi 'yun Richard, bata ka pa para magseryoso. Dapat sa'yo hindi na muna nag-eeffort dahil marami pang taon. Marami pang magdadaan na babae sa'yo na baka pagsisihan mo dahil akala mo hindi sila dadating sa buhay mo. Akala ko, ako ang gusto mo pero baka magsisi ka din lang."

Nakalabas na sila. Tumigil muna sila. "Kilala ko ang sarili ko, Cheche. Kilala ko ang mga babae dahil sa araw araw kong nakakasalamuha kayo, hindi pwedeng magkamali ako."

"Parang sinabi mong lahat ng babae kilala mo?"

"Hindi sa ganun. Hindi ako perpekto pero lalong hindi ako mahirap mapredict. Kaya mas madaling mapredict ang babae kung ako na ang huhusga. Pero siguro nga..." Hindi agad nakapagsalita si Richard dahil medyo nalungkot siya pero pinilit niyang ituloy. "Siguro nga.... may babae akong katapat. Siguro ikaw 'yun. Pero hindi ako susuko, Cheche. Hangga't hindi mo sinasabing ayaw mo sa'kin, aasa ako."

Sumakay ng motor si Richard. Tumingin pa siya kay Cheche bago umalis. Gusto nang umiyak ni Cheche dahil sure siyang mahal na niya si Richard. Mabait at magalang. Wala na siyang lalaki pang makikita na katulad niya bukod pa ang kagwapuhan. Pero parang siya na ang huling babae sa mundo kung ligawan siya nito. The only thing that She surely knows is hindi sila bagay sa isa't isa. Nagsisisi na siya ngayon. Umaandar ang kotse pauwi pero hindi mawala sa isip niya si Richard. Lumala pa ang paghanga niya kay Richard kaya kung alam lang niya na ganito pala ang resulta.. sana hindi na lang niya pinilit ang sarili niya para hindi niya mahalin ito. Buo na ang loob niya, para hindi na siya masaktan ng grabe ay ipagtatapat na niya ang lahat sa susunod nilang pagkikita.

"Cheche!" Tawag ni Carla pagkauwi niya. Matamlay siya pero mukhang masaya si Carla. "Pagsundo mo mamaya, pwede ba akong sumama? Yayain natin si Richard. Tutal, kapatid niya si Marian 'di ba? Magiging malapit na kami sa isa't isa tapos nanliligaw pa siya sa--"

"Ma'am! Hindi ko siya magiging boyfriend." Sagot niya na medyo iritado.

Ngumiti na mapakla si Carla. "Ang bitter mo naman. Eh di friend?! Masama ba 'yun? Minsan lang tayong makakatagpo ng katulad niya. Siguro naman magiging close parin kayo."

Hindi na sumagot si Cheche dahil miski si Carla ay hindi naniniwalang magiging sila ni Richard. Imbis na tumutol ay nakaisip ng magandang idea si Cheche.

Dumating ang tanghali. Sabay na bumaba si Carla at Cheche. Sabay silang pumasok sa school. Napansin agad nila si Richard.

"Richard, andiyan ka na pala." Ngumiti si Carla.

"Kamusta po, Ate?"

"Okay lang. Maliit pa naman ang tiyan ko," Kumaway siya sa kambal. "Oo nga pala Richard, alam mo bang nanggaling sa'min ang Ate mo?"

"Nabanggit niya nga sa'kin 'yun." Tinignan ni Richard si Cheche. Umiwas ito ng tingin.

"Bago tayo umuwi mamaya, daan muna tayo sa mall. Isama mo si Patricia, mamasyal tayo saglit. Treat ko, okay lang ba? Friend na kami ng Ate mo."

Ngumiti si Richard. "Okay lang Ate, may oras pa naman."

"Ma'am!" Tawag ni Cheche kay Carla. Nagulat si Carla pero hindi si Richard. She called her 'Ma'am' imbis na 'Ate' kaya akala niya'y nadulas ito. Pasimple niya itong inakbayan at kinurot.

Bumulong. "Bakit Ma'am?" Tapos ngumiti si Carla kay Richard.

"Ma'am," Inulit pa ni Cheche at kumunot ang noo. "Bawal na nga pala ang chocolates sa mga bata sabi ng teacher.." sabi ni Cheche. "Nagiging hyper daw kasi sa sobrang likot."

Nagsalita Richard. "Nakakahyper talaga ang chocolate. Maybe, mas maiging ngang bawasan 'yun. It gives more energy when you drink or eat chocolate." Nakangiti lang si Richard pero nakasimangot si Carla.

"Ah oo, siguro sobrang likot na ng mga bata. Puro kasi chocolate na ang kinakain nila." sabi ni Carla pero tumingin kay Cheche na pinandilatan pa ito.

"Kaya Ma'am, baka magpabili uli sila ng chocolate. Huwag niyo munang pagbigyan." Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang ipasok ang topic pero paraan 'yun para sa pagtatapat.

Nagkakatinginan lang silang tatlo. May alam na si Richard sa plano ni Cheche pero nilawakan pa niya ang ngiti niya this time. Alam niyang ito na ang tamang panahon para iparamdam kay Cheche na totoo siyang manliligaw at hindi nagagandahan lang.

___

A/N: As I've said before sa note ko sa UW2 na hanggang 30 chapters 'to but I'm not sure, baka lumampas pa kasi marami pang mangyayari.

Salamat sa nagbabasa. Pasensya kasi puro short chapter lang.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon