// 37. Confliction

2.6K 32 3
                                    

"Ate, kalat na sa internet 'yung nangyari." Richard said to Coleen after he sent Patricia. Malungkot siya dahil hindi niya nakikita si Cheche.

Huminga ng malalim si Coleen at umiling. She stunned for a minute. Biglang tumayo.

"Hindi naman nakilala si Ate pero lahat ng kapit bahay natin alam na siya 'yun." He once again muttered.

"Nakakainis kasi ang mga tao. Bukod sa mapanghusga, gusto pang may pinag-uusapan." Galit ang tono ni Coleen at umalis na.

Nakita niya ang ilan sa nag-uusap at napatigil ang mga ito nang dumating siya. Lumampas siya pero hindi niya matiis ang lahat kaya huminto siya sa paglalakad. Hinarap niya ang mga tao. Ayaw niyang manahimik habang hinuhusgahan ang kapatid niya.

"Huwag niyong huhusgahan ang kapatid ko," Banayad ang tono niya. Tumingin sa kaniya ang mga nakaupo. "Lahat tayo'y nagkakamali. Hindi lang siya ang may kasalanan dito. Mas dapat sisihin ang lalaking pinatulan niya. May pamilya ito at walang iniisip na masasagasaan niya. Pareho silang mali."

Tahimik sila. Biglang lumapit ang isang binatang lalaki. "Ate Coleen, hindi naman namin siya hinuhusgahan. Pasensya na. Hindi lang talaga namin sukat akalain na magagawa niya 'yun. Hayaan mo Ate, walang magbabago."

"Hindi naman mawawala sa inyo 'yun na mainis sa mga babaeng kabit." Kahit kaharap niya ang lalaki ay nilibot niya ang kaniyang paningin. "Isa lang ang masasabi ko. Mabuting tao ang kapatid ko. Alam niya ang ginagawa niya. Hindi niya parin gustong makasira ng pamilya kahit 'yun naman talaga ang papel ng mga kabit."

Sumingit ang isa. "Coleen, hindi kabit si Yanyan. Naniniwala ako. Biktima lang siya ng kapalaran. Nagkataon lang na pinatulan niya ang may asawa. Siguro hindi siya ganun kalakas pero ang pagkakamali niyang 'yun ang magtutuwid sa buhay niya."

"Oo ate." Singit pa ng isa. "Walang galit kay Yanyan dito sa lugar na ito dahil mabait siya. Kaya galit ang mga tao o kami sa lalaking nanligaw sa kaniya at nambola para lang maging sila. Alam ko na ang hugis ng mga lalaki dito sa mundo. Mula una hanggang sa huli. Ako man ay marami nang pagkakamali. Pero huli na ang lahat, hindi gaya ni Yanyan."

"Joan, naniniwala akong mabuti kang tao. Makikilala mo ang taong magpapasaya sa'yo." Tumingin si Coleen sa lahat. "Ngayon ay panatag na ako. Sana totoo ang mga sinabi niyo."

Lumakad siya papalayo. Tatlong buwan pa ang lumipas buhat ng malaman nilang hindi na magdedemanda si Carla. Maayos na pero may ilan pang dapat ayusin sa pagitan ng pamilya nila at pamilya ni Carla.

Meanwhile. "Malungkot ka ba?" Tanong ni Carla kay Cheche.

"Hindi naman, Ma'am."

Kasalukuyan nilang inaalagaan ang tatlong buwan na sanggol na si KC. Katrina Caroline.

"Next year papasok ka na. Kapatid na ang turing ko sa'yo. Kaya sana sundin mo ako,"

"Ayos lang ako, Ma'am."

"Ate na lang ang itawag mo." Hinimas niya ang buhok nito. "Masakit nga ang mailayo ka sa taong importante sa'yo pero matuto ka. Huwag na huwag mong titignan ang panglabas na anyo ng tao. Kung ang Ate niya ang single parent dahil nagkamali, maging ang ina niya ay walang asawa, at si Marian naman ay mahina din sa tukso, hindi malayong ganun din si Richard. Hindi mo pa siya kilala ng lubos."

Hindi naman hinugusgahan ni Cheche si Richard pero wala siyang karapatan na suwayin si Carla.

"Okay na ako, Ate. Masyadong mahalay naman kung makikipagkita pa ako sa kaniya. Usap-usapan na sa school 'yung nangyari."

"Maigi din 'yun para mabawasan ang mga babaeng pumapatol sa may asawa na. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko."

Ngumiti si Carla habang karga si KC. Hanggang mapatingin siya sa bintana na parang tulala. Naalala niya ang pagkakamali na nagawa niya. Muli itong naayos pero nangangamba parin siya kay Kurt. She's not satisfied to his reaction. Kurt is sorry but he hadn't come sincerely. Parang kulang pa ang kilos nito kaya nangangamba pa si Carla. Natatakot siyang makipaghiwalay ito sa kaniya. Naalala niya ang sinabi ni Rony na si Marian ang may kakayahang agawin si Kurt sa kaniya. Nag-iba na ng password si Marian kaya hindi niya alam ngayon ang nangyayari sa likod niya.

Umuwi si Kurt.

"Kurt, I know until now you possibly have a communication with Marian. Malaman ko lang na meron pa, magkakagulo tayo."

"Carla ano ba?!" Tumitig ito sa kaniya. "Wala na kaming naging pag-uusap. Manahimik ka kung masyado kang paranoid." Umiling ito. "Nagsorry na nga ako at hiwalay na kami."

"Masisisi mo ba ako?!"

"Oo na. But if you don't believe in me, I think is not my problem."

Binirahan ng alis ni Kurt. "Kurt bumalik ka dito!!"

"Paano ako matutuwa sa'yo niyan kung sa simpleng pakiusap ko, ni hindi mo pakinggan. Kalimutan na natin ang lahat!" Umalis na ito ng tuluyan.

Sinundan ito ni Carla pababa. "KURT ANO BA?!"

"Carla, hindi ka ba titigil?" Nakatingin lang si Cheche sa kanila kasama ang kambal.

"Gusto kong ayusin ito."

"Maayos na." Napatingin sila sa mga bata. "Mamaya tayo mag-usap okay?"

Nangako si Kurt kay Carla. Pero ang ayaw nito ay 'yung pakitungo ni Kurt. Hindi niya matanggap na hindi na siya nito mahal dahil kay Marian. Dinalaw uli siya ni Rony.

"Panapanahon lang 'yan." Rony said. "Panahon niya ngayon. Pagbigyan mo. Wala ka nang magagawa. Kailangan mong maging mahinahon."

"Kung iiwan ako ni Kurt, ayokong si Marian ang makatuluyan niya."

"Saka ka magdemanda. Be cool okay. Hangga't nasa'yo si Kurt."

"Paano kung nagkikita pa sila."

"Imposible 'yan. Mainit sila sa mata ng mga tao. Just go with the flow. Konting tiis. Magiging maayos din kayo."

Ilang araw pa ang lumipas.

"Cheche, dito ka lang ah." Carla request.

"Saan ka pupunta Ate, bawal ka pang umalis."

"Basta!"

Isang oras na kasing late si Kurt para umuwi. Walang nagawa si Cheche. Nasalubong ni Kurt si Carla sa loob ng building.

"What are you doing here?"

"Sana kasi nagtext ka sa'kin para hindi ako nag-aalala."

Napailing lang si Kurt. Pilit na lang siyang inintindi nito. Sabay naman silang umuwi.

Nang makauwi sila ay napansin nila ang baby na kasama ng kambal at ni Cheche habang nanonood ng tv. Lumapit dito si Kurt.

"Kamusta ang bunso ko?" He kissed her. "Inaway ka ba ng kambal mong kapatid na malilikot?"

"Daddy, hindi naman ah!" Angal ni Karyl.

Masaya naman sila pero hindi si Carla. Nasa mukha pa din nito ang pag-aalala. Nakatingin lang siya sa mag-aama niya. Masayang bonding.

__

"Ate, may pagtatapat ako sa'yo." sabi ni Marian ng magkasarilinan sila sa kusina.

"Ano na naman 'yan? Kinakbahan ko ah."

"Ate kasi ano eh."

"Ano?"

"Hindi ko maitatago ito. 3 months na akong buntis!"

Napaupo si Coleen. Napapikit.

"Yan na nga ba ang kinatatakot ko. Panatag ako't matatapos na pero hindi pa pala."

"I'm sorry, ate." Hinila niya ang buhok nito. "Aray ko ate."

Lumapit agad si Richard sa kanila.

"Ate Coleen tama na." Inawat niya ito. Niyakap niya ang Ate Marian niya. "Bakit ba?"

Nakatingin lang ng masama si Coleen.

"Kasalanan mo 'yan! Palakihin mo ng walang ama ang anak mo!! Kung sana nag-isip ka, hindi ka madadamay. Ngayon, lumala na ang sumpa! Alam mo na ang pwedeng mangyari ha, Yanyan?"

"Ate, andito na eh. Ako na ang bahala sa lahat."

"Hindi 'yun! Tatlo na tayong machichismis. Puro tayo walang asawa!! Bwisit na buhay 'to!"

Pumasok si Coleen sa kwarto. Narinig ng nanay nila ang usapan. Niyakap din nito si Marian. Kahit ano pa ang kasalanan nito ay hindi niya magawang magalit sa anak.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon