Nailang si Kurt kay Marian dahil sa narinig niya. Nahiya kahit pinuri siya nito. Despite that he's loving his family, he doesn't need to accept compliment from the other people lalo pa't feeling niya, tanga siyang lalaki. Gusto lang naman niyang mabuo ang pamilya niya at maging masaya. 'Yun lang pero sa ibang lalaki kasi ay tapos na ang laban. Marami siyang nababalitaan na babae ang nangaliwa pero siya lang ang nag-iisang nakita niyang tumanggap sa babaeng nagmahal ng iba kahit sila pa. Hiya ang naramdaman niya kay Marian.
Kinausap niya agad ang asawa niya. "Hon, why did you mention to Marian about our past? Kalimutan na natin 'yun." Bulong lang nang nasa kwarto sila. Para siyang batang nagalit sa kapwa niya bata dahil sinabi ang sikreto nila sa iba.
"I'm very sorry. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero nagkaroon kasi ako ng tiwala sa kaniya. Hayaan mo na. Nag-aalala lang kasi ako." sagot ni Carla.
"Hindi ka na dapat nag-aalala honey."
"Bakit mo alam 'yan?"
"Sinabi niya sa'kin."
Huminga ng malalim si Carla. "Hindi ko akalain na babanggitin niya sa'yo 'yun but I know why she did it. Cause she doesn't have any plan to tease you."
"Huwag na nating pag-usapan."
Natulala si Kurt. Alam niyang mabuting tao si Marian kaya naniniwala siyang hanggang mag-kaibigan lang sila pero hindi niya mabanggit ang salitang 'yun kay Carla. Bakit? Dahil ang totoo ay matagal na niyang gusto si Marian. Kahit imposible ay umaasa siya. Pero mukhang sira na ang plano niya kahit wala pa siyang plano.
Meanwhile, nasa breaktime sila Marian. "Ang ganda mo talaga?" sabi ni Adang sa kaniya habang kumakain sila.
Kumunot ang noo ni Marian. "Maganda ka din."
"Hindi sa ganun. Deserving kang sumaya talaga. Parang ang pangit nang tignan kung may lalaki pang loloko sa'yo. Ang ganda mo. Even hindi ka ganun ka-yaman, ang malas ng lalaki na ipagpapalit ka pa."
Napatingin sa kawalan si Marian kahit ang tanawin sa harap niya ay puro lamesa. Natulala siya saglit. 'Yun din ang gusto niya. Ang gusto niya ay 'yung katulad ni Kurt pero paano niya hahanapin 'yun? "Bakit tulala ka?" tanong uli ni Adang.
Napatingin siya dito. "Wa-wala naman. Iniisip ko lang 'yung sinabi mo."
"Affected much?"
"Hindi sa ganun. Alam mo naman na may kapatid ako na single mom. Maganda din naman siya pero iniwan siya ng asawa niya."
"Nakita ko nga siya sa facebook. Maganda nga siya kaso may lalaki lang talaga ang hindi makuntento sa isa."
"Kaya natatakot ako."
"Basta, ang malas ng lalaki na magloloko pa sa'yo. Sa dinami-dami ng lalaking matino na nakilala ko, hindi kagandahan ang asawa nila pero mahal na mahal nila. Kasi kahit tanggalin natin ang karma sa mga naglolokong lalaki, mahirap makahanap ng forever. Let say masaya sila sa pangalawa nila dahil walang karma, hindi ba nila naisip na meron silang pinakawalang tao? Sabagay, may lalaki na sex ang happiness. Hindi ang love kaya ang sarap pumatay ng tao."
Nakatingin lang si Marian kay Adang. "Alam mo, hindi ko pa nararanasan ang maging masaya sa feeling ng lalaki. Inaasahan kong lolokohin na lang ako para bawas sakit kung sakali."
"Nakakatawa ka, Marian. Hindi mo masasabi 'yan kasi hindi ka in love ngayon. Pero kung in love ka, sa tingin ko, aayaw kang maghiwalay na kayo. Kaya masasaktan ka ng sobra kahit umiwas ka."
"Paano ba makaiwas?"
"Malay ko. Mag-aadvice ako sa'yo tapos bukas o sa next month baka may lumoko sa'kin. Nakakahiya."
"Parang sinabi mong walang advice diyan."
"Kaya sa mga nagmamarunong sa paligid, huwag kang aasa na tama ang iaadvice nila. Nagbabago ang tao lalo kung tinutukso. Swertihan lang ang forever kaya hindi lahat ng tao may forever."
Natawa lang si Marian kay Adang. Umuwi siya ng hapon. Bakit pa ba siya maghahanap ng lalaki kung lolokohin lang siya. Maiging asahan na niya ang lahat. Kaya kung nakakatakot rin lang magmahal, pumatol na lang siya sa lalaking gusto niya. 'Yung kahit walang forever ay sasaya siya kahit papaano. Walang sisihan at walang sumpa.
Facebook time. Naisipan niyang ichat si Kurt.
Marian: Kamusta?
Wala na silang pormal na pag-uusap di gaya ng dati. Kaya bubuo at bubuo na lang sila ng panibagong usapan.
Kurt: I'm okay. Ikaw?
Huminga ng malalim si Marian. Naalala niya ang pag-uusap nila Adang.
Marian: Okay naman ako. Sorry sa nasabi ko ah.
Alam ni Marian na mali ang gustuhin si Kurt. Lumagay sa tama. Huwag lumagay sa alam mong mali. Hindi 'yun ang kasagutan sa gusto mong mangyari. Pero bakit ka aasa sa 'Na may tamang lalaki para sa'yo' kung lahat ng gwapo ay hindi kuntento sa isa? Bakit ka papatol sa hindi mo gusto para lang makuha ang forever dahil magugustuhan mo din naman siya pagtagal? Bakit hindi na lang magustuhan ang lalaki sa umpisa pa lang. Nakakabulag ang lalaking gwapo na mabait at mayaman pa. Kaya kung darating ang katulad ni Kurt sa buhay niya ay baka lokohin din lang siya. Isa pa, hindi siya sure kung hindi ba talaga nang bababae si Kurt dahil hindi naman niya alam ang iba pang ginagawa nito.
Kurt: Okay lang. Ayoko sanang malaman mo pero maniwala ka, wala na sakin yun.
Marian: Pumatol ka na ba sa iba?
Kurt: Hindi bakit?
Ayaw sabihin ni Kurt na 'Hindi ko gagawin 'yun dahil mahal ko ang asawa ko' dahil nagdadalawang isip parin siya kay Marian.
Marian: Naitanong lang. Ang gwapo mo kasi. Hindi malayong mangyari.
Kurt: Sa tingin mo, kung totoo man, sasabihin ko sayo? Baka isumbong mo pa ako sa asawa ko.
Marian: Iba ang friendship natin at samin ni Carla. Sayo parin ang loyalty ko kahit pareho kaming babae dahil nauna kitang nakilala. Umamin ka na. Hindi naman kita isusumbong.
Nakulitan si Kurt kay Marian kaya ito ang nagtulak para lumakas ang loob niya.
Kurt: Gusto ko sana kaso mukhang hindi mo ako papatulan.
Nagtaka si Marian. Plano niya talagang maging masaya sa lalaking gusto niya kahit mali. Plano niya kahit alam niyang hindi si Kurt ang tipo na mangbababae. Pero nabigla siya. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Isang biro lang 'yun sa pagkakaalam niya pero dahil marami na siyang nakausap na babae about sa lalaki. Ang lalaki ay mahilig sa birong totoo na pagsineryoso ng babae ay mananatiling biro na lang dahil maraming alam na lusot ang pangkaraniwang lalaki. Pero ang pagkagat ng babae sa biro ay magsisilbing totoo na. Kaya ang biro na ginawa ni Kurt ay alam niyang panliligaw at hindi lang basta biro.
