// 13. Improving

1.8K 29 4
                                    

"Hatid na kita." Richard Asked Cheche even he knows that there's a car awaits.

Napakamot lang ng ulo si Cheche. Nakakahiya naman kasi kahit walang kotse na naghihintay.

"May maghahatid na." sagot lang nito at ngumiti saglit.

"Oo nga pala. Sayang." Pagkukunwari ni Richard. "Next time? Pwede?"

"Hindi ako sure eh."

"Ganito na lang, next time, sabihin mo sa driver niyo na mauna na siya para ihatid kita." Confidently says. He knows himself very well. Walang babaeng tatanggi sa kaniya.

"Bakit gusto mo akong ihatid?"

"Gusto ko lang." Hanggang makarating sila sa gate.

"Sige, mauuna na ako." Dahan dahang sumakay si Cheche sa kotse.

After that. Cheche was thinkin. Nag-aalala na siya pero ayaw niya talagang sabihin kay Richard na kasambahay siya. Siguro kung alam ni Richard, baka ni kausapin ay hindi niya gawin maliban kung siya ang kumausap. Alam din niyang hindi suplado si Richard kahit kanino pero hindi talaga ito ang tipo na magyayayang ihatid ang isang kasambahay.

Sa pagkakaalam niya.

Then si Marian naman ay kuntento na sa pakikipagtext kay Kurt. Text text lang. Walang malisya. Walang ibang topic. Walang magandang pag-uusapan pero ganado siya unlike sa ibang gusto siyang makatext na nahingi ng number niya. Ang iba ay mga costumers nila.

Kurt: Naiisingit ko talagang magtext. Alam mo bang ikaw lang ang gusto kong katext o kachat?

Kurt is smilling while he delivers the message. Feeling niya, nakakahiya na 'yung ginagawa niya. Bakit ba siya mangbobola sa babaeng hindi naman pwedeng maging kaniya. Wala pang palatandaan na willing itong pumatol sa kaniya at kung meron man, baka makunsensya lang siya. But he's still wanting Marian. 'Yung tipong, nanghihinayang siyang magkaroon ng boyfriend ito. 'Yung tipong, kahit may asawa na siya, gusto niyang masolo si Marian. He can't imagine Marian on a hand of the other guy.

She replied.

Marian: Kahit ako, walang katext o kachat. Ikaw lang.

Even Marian smiled after she sent the message. Katuwaan lang naman para sa kaniya dahil oras na pumatol siya sa may asawa, lagot siya sa Ate niya. She didn't want to stop though no one knows. Nasisita na nga siya ng Ate niya pero hindi naman siya kasi nagpapabaya.

Kurt: Hindi ako naniniwala. Kung totoo yang sinasabi mo, crush mo ako.

Marian: Crush agad?

Kurt: Kasi imposibleng walang magtext sayo. Naisipan mong ako ang itext? Crush mo ako.

Marian: Promise, wala talaga.

Kasi nagsasawang magtext ang mga lalaki. Nagsasabi siya ng totoo but deep inside her, totoo ang sinasabi ni Kurt.

Kurt: Ganun? Sige na nga. Actually, crush kita. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman kasi porket may asawa na ako, wala na akong karapatan na magkacrush.

Kada may chance, nagrereply si Marian.

Marian: Okay lang yun kuya.

Kurt: Akala ko, kung ano ano ang sasabihin mo eh.

Marian: Hindi naman ako magtetext sayo kung magagalit agad ako.

Kurt: Sabagay, yung ibang babae kasi feeling nila nililigawan sila. May ibang ayaw at may ibang gusto.

Marian: Parang sinabi mong marami kang crush o tinetext dati?

Kurt: Hindi sa ganon. Mahilig akong magbigay ng compliment sa babae lalo kung maganda. In person yun. Hindi sa pagyayabang, minsan inaakala ng babae na papatol ako. Crush din siguro ako.

Marian: Gwapo ka naman kasi kaya dapat wag mong bigyan ng compliment ang mga babae. Mag aassume talaga ang iba.

Kurt: Sana wag kang mag isip ng iba. Hindi ako yung klase na nakikipagflirt even it seemed I was doing it right now. Natuwa lang ako sayo.

Marian: Bakit naman?

Kurt: Mabait ka. May katulad mo na basta makitang may asawa na ang lalaki, hindi na pinapansin. Pano ba naman. You're like a goddess.

Marian: Tama na kuya haha!

Kurt: I was just saying direct to the point para lalo mo akong maunawaan.

Marian: Alam ko naman kuya. Pwede ko bang sabihin na nagbobola ka kung alam kong totoo ang sinasabi mo?

Kurt: May point ka dun kasi even yourself knows you. You're not just a tipycal girl compared to others. Maganda ka at mabait. Nakakaunawa diba?

Marian: Hindi naman pwedeng sungitan kita o sila.

Kurt: I mean, dapat hindi ka na nagtetext. I say it but it doesn't mean na ayaw kong ituloy mo nang itext ako. Natuwa lang ako.

Hanggang ganiyan ganiyan na sila. Nagiging topic na ang iba't ibang ugali at itsura. Medyo lumalim na kahit ilang araw pa lang silang nag-uusap sa text o sa chat.

"Pwede kong makuha number mo?" Meanwhile Richard asks another thing to Cheche. Then Cheche quickly gives her phone number. They are already Facebook friend kanina lang. Hindi active sa Facebook si Richard. Mas active siya sa text o tawag.

After he saved the number. "Text kita minsan. Okay lang?" He's the one who was a talker between them. Nahihiya kasi si Cheche na magsalita.

"Okay lang." She didn't smile but andoon ang pag payag na nababakas sa mukha na gusto niya.

"Baka hindi ka magreply?" Pagbibiro ni Richard.

"Magrereply ako." Cheche wasn't taking eye to eye contact with Richard. Sa ngayon kasi, hindi pa talaga sila totally close. Lagi kasing nakahiwalay si Cheche sa ibang Nanay maliban kay Coleen o Marian o Richard na laging kausap kasi ni Karyl si Patricia. Magkatabi kasi sa upuan.

"Sige, sabi mo 'yan ah."

Tumunog ang phone ni Cheche kaya sinilip niya. May text agad si Richard. "Bakit blangko lang?" Pinakita pa ni Cheche ang phone niya after niyang mabasa.

"Gusto mo meron?"

"Ewan." Inayos lang niya ang buhok niya ng may text na naman.

Richard: Ang ganda mo.

Tumawa lang si Cheche.

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon