Umagang umaga ay nagkasalubong ang magkapatid. Inaantok pa ang itsura ni Richard.
"Ang aga mong gumising?" tanong ni Marian pero hindi na siya pinansin ni Richard. Ihing ihi na kasi ito. "Tamad!!" pang asar pa nito bago lumakad para puntahan ang kwarto ng Ate niya.
Pagpasok niya'y, "Ano na naman ba Yanyan! Ginising mo pa si Richard para asarin?"
"Ate hindi ko ginising 'yun. May itatanong lang ako. Pwede na ba akong umalis pagkahatid ko kay Pat?"
"Huwag muna, hindi hintayin mo ang hudyat ng Teacher."
Matapos nun ay sabay nang lumabas ng bahay si Marian at Patricia. "Sana pala nag-aral akong magmotor para hindi tayo namamasahe." sabi ni Marian kay Patricia. She doesn't know how to drive but it doesn't mean she can't. Hindi lang niya hilig siguro. Takot siyang maaksidente after all. But he knows herself well. 'Di bali nang masabihang duwag o masigawan sa daan basta ligtas sa aksidente. Ang kaligtasan ang mahalaga sa kaniya at hindi sambutin at ibalik ang yabang ng iba. Simpleng pantalon lang ang gamit niya. Not fitted but relax. Siya kasi 'yung tipong, mukha pa lang, ulam na. 'Yung tipong pag sumilip sa bintana ay sisipol na ang lalaki. Pero kung pumorma siya ay daig pa ng 40 years old. Halos lahat ng tao sa panahon ngayon ay sumusunod na sa uso but she doesn't. Hindi naman makaluma ang kilos niya. May Facebook, Twitter at kung ano ano pang kailangan niya dahil may tropa siya nung higschool na tropa pa niya ngayon. Siya lang ang pinaka awkward dahil sexy ang mga babaeng tropa niya. Mababait naman dahil hindi siya pipili ng tropa na maglalapit sa kaniya sa ano mang kalandian. 'Di tulad ng Ate niya na may konting landi sa katawan pero hindi mahilig sa magagandang gadget at walang Twitter. May Facebook man, hindi naman mahilig. Sexy manamit ang Ate niya kaya lagi siya nitong kinagagalitan.
Pag pasok pa lang niya sa school ay nakaramdam na siya ng gulo. Nagsisigawan ang mga bata.
"Karyl!!" sigaw ni Patricia ng makita ang classmate niya. May kasama itong dalaga at isa pang bata na kamukha. Malalaman mong magkapatid sila dahil magkamukha.
"Hi Patricia!" balik nito.
Nagtaka ang dalagang babae nang makita si Marian. "Hi Ate! Nasaan si Ate Coleen?" tanong nito kay Marian habang sabay silang naglalakad.
"May sakit si Ate eh kaya ako muna ang naghatid kay Patricia." She smiled. Maganda ang dalagang kausap niya. Magaan agad ang loob niya ayon sa tono ng pananalita nito. Pareho lang naman sila ng dating ng pananalita.
"Ah ganun ba Ate?" Pumasok na ang tatlong bata sa room.
"Ano mo sila? Kambal ba sila?"
"Oo Ate, Yaya nila ako slash longkatuts." Tumawa ang dalaga. Napatawa din si Marian at hindi makapaniwala.
"Talaga? Alam mo, feeling ko pamangkin mo sila. Buti nilagay sila sa isang section lang."
"Ganun ba, Ate? Pamilya na ang turing ko sa kanila at malakas sa Teacher si Ma'am Carla kaya hindi sila pinaghiwalay."
"Ah request. Sabagay. Ano ba ang pangalan mo?"
"Nico, pero hindi ako sanay. Cheche na lang."
Marian smiled. Pang lalaki kasi ang name nito. Ito agad ang unang nakilala niya. Pansamantala lang naman na makakausap niya ito. Tantya niya ay hanggang bukas lang.
"Grabe ah. Ang ganda ng name mo. Siya nga pala, 'wag mong maliitin ang sarili mo, sana huling beses mo nang sabihin sa sarili mo na longk..."
"Longkatuts!"
"Longkatuts, ayun. Ang halay eh. Ang ganda ganda mo."
"Inuunahan ko lang ang taong kaharap ko. Ayoko kasing sinasabi ng tao na maarte ako, longkatuts lang pala. Pero maganda ka Ate. Tisay ka. Mas tisay pa kay Ate Coleen. Akala ko tuloy hindi ka mabait."
"Salamat, may kapatid akong lalaki na si Tisoy. Maganda ka din kaya naisip kong swerte ko dahil ikaw ang nakausap ko. Hangga't wala kang piniperwisyo, wala kang kasalanan. 'Wag mong maliitin ang sarili mo. Kasambahay ka. Hindi kung ano man."
"Sabagay, sayang nga eh."
"Bakit?"
"Ilang araw mo bang ihahatid si Pat?"
"Siguro hanggang bukas kasi malamang kaya na ni Ate sa susunod pa."
"Huling pagkikita na pala natin 'to ngayong araw."
"Bakit?"
"Kasi bukas, si Sir Kurt na ang maghahatid. Siguro hanggang Friday lang. Wish kasi ng Kambal 'yun eh. Sa hapon na kasi ang pasok niya sa office."
"Ah ganun ba? Pwede naman kitang makita pa ah. Alam mo, magaan na ang loob ko sa'yo."
"Talaga Ate? Nakakahiya naman. Alam mo naman na longkatuts ako."
"Tumigil ka. 'Yung mababait ang hanap ko. Kaibigan at hindi kaplasti-kan."
"Sige, kunin ko number mo." They gave their number each other and sumenyas na ang Teacher para umalis na ang mga Nanay.
"Ate Victoria!!" sigaw ni Cheche habang naglalakad sila ni Marian palabas ng school. Nakita ni Marian ang babaing sexy. "Ate? Ano nga ba name mo?" tanong ni Cheche kay Marian.
"Marian nga pala." she answered but one girl came. Obviously, she's Victoria.
"Ate Victoria, kapatid siya ni Ate Coleen." tinuro ni Cheche si Marian. "Ate Marian, siya ang sexytary namin dito." tumawa sila lahat. Ang sexy talaga kasi ni Victoria. She has a nice cleavage and wearing a fitted slax. Talagang bumabakat na ang pagkababae nito.
"Nasaan si Coleen?" pagtataka ni Victoria.
"May sakit."
"Oh sige mauna na ako." Umalis na si Victoria.
Lumabas sila ng school. "Oh sige Ate, nice meeting you."
"Nice meeting you din. May sundo ka ba?"
"Oo, kotse." Tinuro niya ang kotse. "Noon hindi naman ako ang tagahatid. May trabaho na kasi si Ma'am Carla. Oh sige Ate, text text na lang."
Ngumiti si Marian. Iba ang inakala niya sa mangyayari. Akala niya magiging OP siya dahil wala naman siyang kakilala but it was not. Then she's done. Siya na rin ang susundo mamayang tanghali. Kaya hindi pa pala 'yun ang huling makikita niya si Cheche.
Pagtapos ay dumiretso siya sa palengke. Wala ang Ate Coleen niya. Dating gawi hanggang sa magtanghali. Alam na niya ang gagawin. Maghihintay sa labas ng room hanggang matapos ang klase. Nakita niya uli si Cheche. Nagkwentuhan. Pinalabas na ang mga bata. Bago sila umuwi ay sumigaw si Karyl na kasama ni Cheche.
"Hoy Patricia!! Crush mo si Carlo no?" Tinuro ni Karyl ang kakambal niya.
"Hoy hindi ah." Tanggi ni Patricia.
"Mga bata pa kayo. Wala munang crush crush." saway ni Marian.
"Sorry, Ate." tatawa tawang sabi ni Cheche at hinila na si Karyl at Carlo para umuwi.
