// 38. A Visitor

2.1K 24 4
                                    

Hindi makuntento si Carla sa nangyayari. Kaya pinuntahan niya ang pwesto nila Coleen sa palengke. She's with Rony. Nakipagsiksikan sila sa mga tao hanggang matanaw nila ito.

"Carla!" Pagtataka ni Coleen ng makita ito.

"Pwede ka bang makausap sandali?"

Sinenyasan ni Coleen si Makoy para pumalit sa kaniya. Naghugas siya ng kamay at sumunod kay Carla sa lugar na hindi gaanong matao.

"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Coleen.

"Umamin ka nga, nagkikipagkita pa ba si Marian kay Kurt?"

"Carla, tapos na sila."

"Pero ramdam kong nagkikita pa sila."

"Hindi na Carla, sa katunayan nga nagresign na sa trabaho si Marian dahil sa kahihiyan. Hindi ko na sila pinayagan na magkita pa."

"Are you sure?"

"Duda ka?"

Pumagitna si Rony dahil sa tensyon na namamagitan sa dalawa. "Carla, she seems she's telling the truth. Stop it, Carla." Pagpigil ni Rony.

"Hindi!" Tumingin si Carla kay Coleen. "Paano mo nalaman na hindi na sila nagkikita?"

"Dahil hindi na lumalabas ng bahay si Marian!"

Nasa gitna parin si Rony.

"All the time magkasama ba kayo?"

"Sigurado ako, Carla!"

"Paano kung--"

"Sigurado ako! At kung nagkikita man sila, wala akong alam! Kaya si Kurt ang tanungin mo, huwag ako!"

"Carla please!" Awat ni Rony.

"Dapat sinasaway mo si Marian!" Lumapit na si Carla kay Coleen. Inawat ni Rony.

"Carla, huwag kang gagawa ng gulo." awat uli ni Rony at medyo inilayo na ito.

"Carla, huwag mo nang isipin si Marian. Sige na naman. Humihingi na ako ng dispensa sa ginawa niya. Ginagarantiya kong wala na sila."

"Umalis na tayo, Carla." yaya ni Rony.

"Mag-uusap pa kami." Ayaw mag-paawat ni Carla.

"Carla please!"

"At Carla, sinong tanga ang matapos mapahiya sa mga tao ay itutuloy parin ang kahangalan!"

"Kayang gawin 'yun ng kapatid mo!"

"Hindi, Carla."

Sinugod ni Carla si Coleen. Hinawakan nito ang buhok. "Carla, itigil mo 'yan!"

Biglang dumating si Makoy na nautusan pala ni Marie para sundan si Coleen. Inawat nila ang dalawa. Nagtitinginan na ang mga tao. Tinanggal niya ang kamay ni Carla na nakakapit sa buhok ni Coleen until they separated.

"Carla, hindi pa ba sapat ang paghingi ko ng pasensya sa'yo?!" sabi ni Coleen habang inaayos ang buhok.

"Coleen, anak!" Dumating si Marie. Niyakap ang anak.

"Oras na malaman ko lang na nagkikita pa sila, ipapakulong ko si Marian. Mark my words!"

Umalis na si Carla at Rony. Galit na galit si Coleen sa nangyari.

"TAPOS NA ANG SHOOTING! MAGSI-ALIS NA KAYO!" sigaw niya sa mga tao. "Bwisit na babaeng 'yan. Parang walang pinag-aralan."

"Hindi mo siya masisisi anak."

"Nay, ako na ang bahala ah. Huwag ka nang makialam para hindi ka na madamay."

Kinuha ni Coleen ang phone niya and she calls Kurt. "Hello Kurt."

Unfaithful Husband: Retaliation [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon