RHIAN'S POV:
ILANG minuto lang ay natapos na rin si DJ manalangin. Umupo siya sa tabi ko at masuyong hinawakan ang kamay ko. Sa puso ko mahal ko siya. Naibigay ko na sa kanya ang lahat ng sa akin.
Habang nagmimisa, hindi ko mawari pero parang hindi ako mapakali. Napatingin ako sa direksiyon ko bandang kanan kung saan may isang babaeng nakatinginan ko kanina. Nakataas lahat ng buhok niya at kitang kita ang aliwalas at ganda ng mukha niya.
Simple lang siyang manamit pero eleganteng elegante. Pero, nagtataka akong nagsisimba lang siyang mag-isa? Sa gandang niyang 'yon, ay hindi mo iisiping wala siyang nobyo.
Naramdaman niya siguro akong nakatingin sa kanya.Gosh! Sumikdo ang puso ko nang magtama muli ang mata namin. Biglang bawi ako ng tingin, napayuko at biglang napahigpit ang hawak ko sa kamay ni DJ.
Matapos ang misa ay napansin ko ang babaeng mabilis na tumayo at lumakad palabas. Bakit ba ganito ang feeling ko?
"Tara na?" mahinang sabi ni DJ. "Breakfast muna tayo?"
"S-sige tara na," sagot ko at inalalayan niya akong tumayo. Palabas na kami ng mapansin ko ang babaeng umaagaw ng atensiyon ko na nagtitirik ng kandila. Huminto ako bago lumabas."Ah hon, magtitirik lang ako diba?"
"Oo nga pala, hintayin kita sa labas kasi alanganin 'yung parking ko kanina."Paglabas ni Dj ay mabagal akong naglakad palapit sa babae. Nagsindi siya ng dalawang kandila. Para kaya kanino 'yon? Napaka feminine niyang kumilos at babaeng-babae. Naamoy ko pa ang tila mamahalin niyang pabango.
Kumuha ako ng isang kandila at sinindihan ang tatlong kandila. Una para sa Papang, sa recovery niya. Pangalawa para sa buo kong pamilya, at pangatlo para sa sarili ko. Pumikit ako saglit at mabilis na umusal ng hiling.
"Nawa'y ibigay sa akin kung si DJ nga ang nararapat."
Pagmulat ko ay nakita kong naghuhulog na sa donation box ang babae atsaka lumabas. Pinuntahan ko na si DJ at sumakay ng kotse.
"Sa'n tayo mag-aagahan?" tanong ko.
"Gusto ko ng mainit na sabaw," sagot niya ng may pilyong ngiti.
"Hoooney....." may halong saway ko. "Ang aga-aga ha, ikaw talaga," sabay mahinang tampal sa balikat niya.Dumukwang siya at hinalikan ako sa labi. "Namimiss na kasi kita hon, antagal na."
"I miss you too pero may panahon para dyan."
"Fertile ka ba hon? Gawa na tayo ng baby."
"Hon....please...diba napag-usapan na natin 'to?"Dj started the ignition. "Okay, okay."
"Be....." Be ang tawag ko sa kanya pag alam kong nagtatampo na siya.
"Okay I know. I just want to...be with you before ako maging busy sa campaign."Ako naman ang dumukwang sa kanya sa driver's seat at hinalikan ang pisngi niya. "Be....mahal kita okay? Mangyari't mangyari, iyo ako."
Dj smiled and it melts my heart.
Natapos kaming mag almusal sa bayan. Hindi maikakaila na andami na ngang nakakakilala sa kanya. Maya't-maya, may bumabati at nakikipagkamay. Hindi maitago minsan ang mga mapanuring mata ng taumbayan kapag tumitingin sa akin.Oo, kasi ako ang tipikal na probinsiyana. Manang manamit, simple, walang make up. Masasabing hindi bagay sa isang pulitikong may laban sa eleksiyon. Magmimistula akong alalay na tagapaypay. Kung papalarin siya sa eleksiyon, handa na ba akong baguhin ang sarili ko at tanggapin ang mga pagbabago?
BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017