Chapter 7: Our first dance

2K 96 3
                                    

GLAIZA'S POV: 

          MAAGA akong nagising kinabukasan. Paglabas ko ng kuwarto ay nakahain na ng agahan. Naaamoy ko ang mabangong sinangag at bacon. 

         "Hmmmm….ambango niyan ate ah," sabi ko sabay upo. 

          "Hindi ka ba mag-mumumog man lang?" 
          "Carry na 'yan."
          "Ano nga palang gusto mong pananghalian?"
          "Ay te, hindi na muna ako kakain dito kasi may kliyente akog imi-meet. Punta kami sa Golden Mansion, suggest ko kung gusto niya."
         "Ah buti naman ng malibang ka. Kamusta ang puso mo?" 
          "Naks! Pumupuso ka na 'te ha. Ikaw kasi eh, nagkumbento ka pa. Hindi mo matikman ang luto ng langit," biro ko sa kanya sabay kindat. 

          "Ayos naman na 'te, may asawa na si Tim. Tantanan na natin," sagot ko pero ako ang parang binubuwisit niya ngayon.

         "Mag-asawa ka na rin kasi."
         "Hindi pa ngayon."
         "Oh siya, kung hindi ka magla-lunch dito, si Glyndale na lang ang aayain kong lumabas."
        "Buti pa nga at baka mabuwang na 'yon."

         Kakatapos ko lang maligo at di ako mapakali rito sa harap ng closet ko. Haaay! Ano ba isusuot ko? Aba siyempre naman kailangan maging presentable dahil kliyente ko haharapin ko, si Rhian.

         Oh shit, bakit tumalon puso ko pagka-alala ko na magkikita kami? Napailing na lang ako. Pinili kong magsuot ng white blouse at tinuck-in ko sa brown na slacks. Nagsuot ako ng simpleng sandals na may one and a half inches na heel.  Nilugay ko lang ang alon-alon kong buhok . Nag light press powder at lipstick. Nang makontento na ako sa hitsura ko ay nagmaneho na ako papuntang simbahan. 

         Bente minutos akong maaga sa usapan naming alas onse. Sinadya kong huwag siyang itext para hindi naman halatang excited akong makita siya. Bakit nga ba?

        Nag-stay pa ako sandali sa loob ng kotse at nakinig ng music. Maya-maya ay nakatanggap na nga ako ng text na malapit na siya. Inalis ko ang shades ko at inayos ko lang ng kamay ko ang buhok ko. Freestyle kumbaga. Pinatay ko na ang makina, kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas ng kotse. Nagulat pa ako ng panabay pa kaming uupo sana sa iisang bench. 

         "Uy!" Bineso ko siya otomatik. Naamoy ko ang pabango niya. Simple but refreshing. Pati amoy ng shampoo niya ay refreshing. 

         "Hi!" bati niya sa akin ni Rhian at ang ngiti niya ay abot tainga. Halos makita ang buong mga ipin niya  sa luwag ng ngiti niya. 

          "Ang saya natin ah!" tukso ko sa kanya. "Hindi ba sasama boyfriend mo?" 
          "No… ako lang eh."
          "Eh ba't parang ang saya mo? Ganda ng tulog at gising mo no?" 
         "Ewan ko, basta masaya ako…"

          Kinawit ko ang braso ko sa braso niya na para kaming teen-age bestfriend.

        "Tara na nga, ando'n kotse ko. Para maabutan natin 'yung friend ko." 

         Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. Sa pagkakalapit namin ay may nararamdaman akong iba na hindi ko mawari.

           "Sige pasok na," sabi ko.  Umikot na ako sa kabila at sumakay. Nilagay ko ang seatbelt ko at inistart ang ignition. Biglang may tumunog…

         "Ay ano ba' yon?!" gulat na tanong ni Rhian. 

          "Ay sorry! May sensor kasi 'yan pag walang seatbelt ang katabi ko. Kunin mo dyan sa gilid."

         Hinila niya ang seatbelt. "Ha! Ha! Ha! Sorry, hindi ako marunong. Sorry!!!" 

         Dumukwang ako sa kanya at kinuha sa kabilang  side ang seatbelt. Sobra kaming malapit at ito na naman ang dibdib kong nag-aalburoto. Nang makabit ko na sa kanya ay napalapit ang mukha ko sa kanya pag-angat ko ng ulo ko.

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon