RHIAN'S POV:
Lumipas ang mga araw at buwan. Lumalabas pa rin kami ni Madz pero hindi na ako nagpakita pa sa Angel's Academy. Umalis muna ako panandalian sa lugar namin at tumuloy sa mga kinakapatid ko sa Bacolod. Naisipan ko na ring ituloy ang pagtuturo ko sa preschool pero sa ibang bansa na.
Tatlong buwan lang naman ang lumipas na pilit kong inaalis si Gee sa isipan ko. Minsan gusto ko ng ako ang gumawa ng paraan para hanapin siya at ako ang hihingi ng tsansang mahalin niyang muli.
Siya lang, tanging siya lang ang mahal ko at ang buhay ko. Kung siya sumuko na, panahon ko naman siguro na lumaban pa rin. Hindi ko siya dapat hinayaang umalis.
Isang umaga ay nagpapahinga lang ako sa may terrace ng may sumisigaw sa ibaba.
"Ano po yon?" sigaw ko.
"Delivery po para kay Ms. Rhian Ramos."
"Ha? Seryoso?"
"Dito ho ba siya nakatira?"
"O sige saglit lang po."Bumaba ako at nagtataka dahil wala naman akong kamga-anak ditong malapit. Wala akong kaibigan na pinagsabihan na nasa Bacolod ako.
Inabot ng delivery man ang kahon at pumirma ako sa received. Pumasok ako at sinara ang pinto. Naupo ako sa sofa at pinatong sa center table ang kahon. Tinanggal ko ang nakadikit na small envelope at binasa ang card.
Rhi ,
Meet me at Rob's 7 pm.G.
Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Andito siya? Hindi ako mapakali. Ang Bob's ang isa sa mga sikat na resto dito at gustung-gusto ko na 'yong puntahan.
Binuksan ko ang kahon. Napangiti ako ng ang laman nito ay isang dosenang dilaw na bulaklak.
May card ulit na nakadikit.
Rhi,
Gusto kong ako ang una at huling magbibigay nitong mga yellow roses sa 'yo.
Ito na ang simula ng pag-gapang ko papunta sa 'yo.Give me a chance.
Love,
G.-------
Halos hilahin ko ang oras sa maghapon. Pagdating ng alas sais ay ready na ako at pumara na ng taxi.
Wala akong inensayong mga salita. Basta makita ko lang siya at bumalik siya sa akin, sapat na. Nauna ako sa kanya sa resto at nababasa muna ako ng menu."Hi!" boses ni Glaiza. Tumambol ang puso ko. Nagsimula akong tumingin sa isang pares ng paa sa harap ko, paangat sa makinis niyang binti, perpektong hugis ng beywang, paangat sa maganda niyang mukha. Ngumiti ako. Hindi alam ang gagawin.
"Hi!" bati ko sabay tayo at yakap sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Sabay na kaming umupo magkatapat. Mas gusto ko ito kaysa magkatabi. Hindi ko siya mapagmamasdan. Umorder siya ng pagkain namin.
"Kumain ka muna, mas gusto ko ang Rhian na malaman kaysa patpatin."
Matapos kumain ay umorder siya ng desert. Ako na ang unang nagsalita.
"Paano mo nalamang nandito ako at kung saan ako nakatira."
"Maraming paraan para sa taong minamahal."
"Kay Mamang?"
"For all you know, your whole family knows where I am and what I am up to. Hindi ka nawala sa paningin ko. Updated ako sa 'yo."
"Baka puwede namang this time, ipaliwanag mo ang lahat?"
"Nag-panata ako na mabalik lang ang buhay mo ay aalis ako at iiwas. Pero hindi ko nakayanan. Rhian, pinahiram ko ang Mamang mo at mga kapatid mo. Noong una, ay ibinibigay ko pero ayaw nila. Utang daw. Ayaw kong isipin mo na tinapatan ko ng pera ang lahat, umayon lang sila sa relasyon natin. Huwag kang magalit sa pamilya mo. Desisyon ko 'yon. Ayaw ko ring magkaro'n sila ng pakiramdam na binili kita sa kanila.
Mahal ka nila at gusto ka naming protektahan sa lahat."
"Nasa'n ka kung gayon?"
"Sa States. May mga inayos akong mahalagang papeles."
"Tayo pa ba?"
"Kaya ako personal na nandito ay para humingi ng tawad. Naging marupok ako. Mahal po ba ako?"
"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko Gee."
"Halika, mag-aalas nuwebe na. Tara sa labas."
"Ha bakit? Babalik pa ba tayo dito?"
"Oo, saglit lang. May papakita ako sa 'yo."

BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017