GLAIZA'S POV:I was enchanted by Rhian's voice. It was an angelic voice that can let put into sleep. Kaya hindi ko maisip ang tamang salita the way she reads her poem. Ang boses niyang naghahalina, ang mga mensahe ng tulang tumatagos hanggang kaluluwa.
Then her image flashed through my mind. She being beside me intimately. Ssssh.... inalis ko agad sa isip ko 'yon dahil ang babaeng ito sa harap ko ay ikakasal na.
Nang hindi sinasadyang ma-out of balance ako, hindi ko rin naman sinsadyang hilahin siya at mapadagan sa akin. I just wonder if she feels the tension between us or does she hear the erratic beat of my heart? When we're face to face and she nearly touched my lips, I was nervous.
The only thing in my mind is to kiss her. Shit! To kiss her? Why?!! All is new to me, I never felt this way before.Pumayag na akong matulog na bukas ang ilaw sa lampshade. Pinagbigyan ko na siya. Whe Rhian pouted her lips while complaining, she is so damn cute! Naaaliw ako sa kanya. Oo, naaliw lang ako. May naaaliw bang kinakabahan?
Talikuran kaming humiga at sa ilalin ng iisang kumot. As I closed my eyes, I saw her face, smiling and so lovely. Her words echoed..."Hindi naman kailangang romatically eh. I guess Glai, we're soulmates." Yes perhaps.
The next morning, medyo naalimpungatan ako. Kung gaano kami ka prim and proper nang matulog, sus! Pareho pala kaming malikot matulog. Wala na sa puwesto ang lahat. Unan, kumot, bedsheet, mga katawan namin. Daig pa namin ang nagmake-love.
Hinihila pa ako ng antok kaya napapikit ulit ko. Naramdaman ko na lang na medyo hinila niya ang braso ko at napunta sa tyan ang kamay ko.
Para na akong nakayakap sa kanya. Surprisingly, gusto ko. Gustung-gusto ko ang hatid na init ng malambot niyang likod sa dibdib ko.I felt her hand brushed my arms. Masarap sa pakiramdam. Wala sa loob kong lalo ko pang nilapit ang katawan ko sa kanya at isubsob ang ulo ko sa batok nya. Her sweet scent exuding from her skin and the freshness of her soft black hair, nakaka adik! I sniffed a bit against her nape.
"Uhhmmm... Glai, nakikiliti ako," sabi nya.
Lalo ko pang dinikit ang ilong ko sa batok niya at inamuy-amoy siyang muli. "Bakit ang bango mo Rhian? Umaga na, ambango mo pa rin?"
Inalis nya ang braso ko sa beywang niya. Humarap siya sa akin sabay pitik sa ilong ko.
"Goodmorniiing," bati niya. Dinilaan niya ang index finger niya at inalis ang muta sa magkabilang mata ko. Oh! I found it so intimate pero hindi ko na lang pinansin. This girl is killing me with her sweetness. My heart jumped again meeting her mysterious deep eyes.
Masyadong malapit ang mga mukha namin at napaka-ganda niya. Napaka-ganda ng umagang magising kaharap siyang nakangiti. I smiled back. "Mas maganda ka pa sa umaga."
I didn't expect she would blush. "Mas maganda ka," sagot niya.
"Ipagluluto kita ng lunch, ikaw sa breakfast?" sabi niya. Biniro ko naman ang sagot ko. "Puwede prinsesa ako ngayon, ikaw na lang lahat?"
"Hmmmm....okay sige. Since ang sarap ng tulog ko at maganda ang panaginip ko, ako na lahat, sige ako na."
"Peksman?"
"Peksman Glai? Serioulsy?"
"Yup why?"
"Parang bata lang."
"Hahahah!!! You make me laugh Rhian. Thank you."
"Masyado ka kasing seryoso."
"Peksman?"
"Ahahah!!! Tumayo na nga tayo."
"Mauna ka na."
"Don't tell me matutulog ka pa?"
"Hindi, mag-uunat lang, aaaarrrrgghhhhh......sarap!!" sabi ko habang nag-s-stretch. Nakataas ang dalawa kong kamay sa ere nang may maisip ako.
BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017