RHIAN'S POV:
KINILIG ako sa note ni Glaiza sa bulaklak. Bakit nga ba niya ako binigyan ng bulaklak? Sabi sa card, namimiss niya lang ako at baka sobra lang sa flowershop niya 'yung pinadala niya?
Magkasama naman kami a while ago, namiss niya agad ako? Pareho lang sa nararamdaman ko, namimiss ko siya agad. Di ko nga maintindihan yun pakiramdam na masaya ako pag kasama siya, kahit hindi kami nag-uusap basta katabi ko siya, gano'n.
Buti na lang at nakahanap ako ng dahilan kay Mads pero parang hindi bumenta eh. Excited pa naman ako mamayang gabi na susunduin ako ni Glaiza pero bumaba ang energy ko ng malamang nasa labas ng school si DJ.
Hindi ko na lang pinansin 'yung pagsiko niya sa akin at sabihing kay DJ pa rin siya boto. Lumapit si Dj sa akin at humalik sa pisngi ko. Kinilig kunyari si Mads.
"Aaaay! Ang sweet naman. Hi Pogi! Bagay na bagay talaga kayo ng friend kong 'to no?"
"Oh hi Mads!"
"Pasok ka muna, mamaya pa na naman ang klase ni Rhian eh."
"Okay lang? Sige."Nauna si Mads pumasok ng gate. Bumaling ako kay Dj. "Bakit hindi ka man lang nagpasabi? Kailan ka pa dumating?"
"Ngayon lang. Tsaka, bawal bang sorpresahin ang mapapa-ngasawa ko?"
"Hindi naman. Nabigla lang. Kumain ka na ba?"
"Yah, drive thru. Puwede bang maki-CR muna?"
"Halika pasok," sabi ko. Naalala ko bigla 'yung bulaklak sa faculty. Naku!! Habang nasa banyo si DJ kinuha ko agad 'yung card sa flower at inipit sa journal na lagi kong dala sa bag ko. Naabutan na ako ni Dj na hawak ang bulaklak."Sa'n galing 'yan? Ang ganda naman," tanong niya sabay upo. Nilapag ko ang flowers sa tapat ng upuan ni Mads.
"Ah, oo nga eh! Kay M-Mads ito, pinadala kanina ng boyfriend niya."
"Oh cool, may nobyo pala siya."Biglang pumasok si Mads dala ang tatlong tinapay. "Oh kain muna tayo, thirty minutes na lang, trabaho na naman."
Umupo siya katapat namin. "Oh, Rhian, bakit hindi mo pa itabi ito?"
Pinandilatan ko siya ng mata. "Ha?"
"Oh kunin mo na 'tong bulaklak mo kako, kakain na tayo. Gagamitin natin 'yung mesa."Kinuha ko 'yung bulaklak at bumaling ako kay Dj. "Ah be, hiniram ko muna kay Mads 'to, sample sa wedding natin. Okay na kaya 'yung ganito?"
Tinimpla ko ang reaksiyon niya kung maniniwala. "Oh good sige. Kailan ba tayo makiki-pagmeet ulit kay Glaiza?"
Bigla akong nablangko pagkarinig ko ng name ni Gee. Ni hindi ko nga alam kung ano na ba ang natapos namin sa preparasyon. Wala pang tapos, nasimulan meron oo. Nasimulan ang confusion sa sarili ko kung gusto ko pa bang ituloy ang kasal.
"Be, natigilan ka? May sakit ka ba?"
"No hindi. Anyway, mag-start na 'yung klase namin, saan ka ngayon?"
"Sa munisipyo muna."
"M-magkikita ba tayo mamaya?"
"Yah I'll fetch you up. Buong araw ko sa 'yo be," at kinindatan na niya ako. Alam ko na ang ibig sabihin no'n - sex.Matapos ang klase ay bumalik ako ng faculty. Ngingisi-ngisi si Mads sa akin.
"Oy babae! Huwag mo na akong idawit sa mga kalokohan mo ah!"
"Ito naman! Di mo man lang ako sinalo kanina."
"Guilty ka kasi no?"
"Hindi 'yon, tsk! Ang hirap kasi eexplain."
"Teka nga girl, mag-usap nga tayo. Ano ba talaga kayo nung Glaiza na 'yon?"
"Ano'ng ano kami? Wala. Kliyente nya ako, tas uhm… nagstart ng friendship gano'n. Parang tayo."
"Hmmm….parang tayo pero hindi ako nagsasabi ng I miss you at hindi kita binibigyan ng bulaklak."
"Eh hindi ko nga alam bakit siya nagbigay."
"Lam mo Rhi, ingatan mo ang puso mo ha. Baka bandang huli, mas doble ang sakit na maramdaman mo. Hindi mo pa nakikita pero nakikita ko na."

BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017