Chapter 18: She saw it coming?

1.7K 93 4
                                    


RHIAN'S POV:

            SA totoo lang ay sobra akong nahiya sa inasta ko sa huling pagkikita namin ni Glaiza. Nagselos nga ba ako? Parang gusto ko ng aminin. Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Gee dahil bumalik siya ng Manila para magcelebrate ng bagong taon. Gayun din si DJ.

           Noong una ay nagtataka ako kumbakit napalitan na ni Glaiza ang nasa isip ko, na dating si DJ ang umuokopa. Ngayon ay sanay na akong si Glaiza na akong nasa isipan ko. Hindi nawala sa isip ko ang tagpong naglapat ng bahagya ang mga labi namin.

#########################

            Pagpasok ko ng opisina ni Dj ay umupo muna ako sa couch dahil may kausap pa siya sa telepono. Nasa conference kami dahil confidential daw ang kausap niya sa kabilang linya. Tahimik lang akong nag-hihintay na matapos ang usapan nila.

           Nakatingin lang ako sa kanya pero blangko ang expression ko. Bigla-bigla ay dumaan na naman ang imahe ni Glaiza sa isip ko.

             Nakita kong muli ang senaryo sa condo niya sa accidental lips to lips namin at nagsimulang nabuo ang isang eksenang nasa harap ko si Glaiza at hinahalikan ko siya ng magaan at marahan. Lumalim ang halik na 'yon sa isip ko at tumutugon siya sa paraan ng paghalik ko. Nakita ko na lang ang sarili kong dumukwang sa mesa, kinabig si Dj habang may kausap siya at sinisiil ko siya ng halik.

          "Wow!" Gulat na nasambit ni DJ. Pagdilat ng mata ko ay halatang na-amaze siya dahil una; unang beses sa dalawang taon na ako ang nag-inititate ng kiss sa 'ming dalawa.
I just smiled and went back to my chair. What had just happened?

          "Wow be, that kiss is so wonderful! Should I thank Glaiza for this?"
           "Ha?"
           "I mean, siya kasi ang lagi mong kasama at nafeel mong miss mo na ako? Sa tuwing malayo kasi ako, family mo ang kasama mo then when we see each other again, hindi mo ako gano'n namimiss."
             "Aaahh...o-oo, ganu'n nga."
            "Puwede ka ba ngayon be? Tagal ng wala eh. Miss na miss na kita."
           "Sige kung di ka na naman tatawagin ng tatay mo."

####### ##### ### ###

JANUARY 01

            Sa bahay kami nagcelebrate ng baong taon, kaming buong pamilya. Si DJ ay nasa ibang bansa na naman kasama ang family niya sa mother side. Handa na nga ba ako na maging bahagi ng isang pamilya sa alta-de-sosyedad? I am doubting now.

            "Happy New Year!!!" nagbatian ang bawat isa sa family ko. Sakto lang naman ang mga handa namin, basta sama-sama at walang sakit. Hinalikan ko ang ulo ng tatay ko. "Pang, Happy New year. Masaya ako na mag-kakasama pa tayo."

             Umungol lang si Papang at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa balikat ko. He is improving naman dahil sa mga therapy niya. Napadako ang tingin ko sa may halaman at sumikdo ang puso ko ng maalala ang nagbigay na si Glaiza. Nasa'n kaya siya ngayon?
Tumuloy kaya na sumama sa kanya si Tim? Parang may karayom na tumusok na naman sa puso ko sa isiping 'yon.

            After ng salu-salo at makapag-ligpit ay nagkulong na ako sa kuwarto ko. I want to hear Glaiza's voice, I missed her. Kinuha ko ang laptop ko at sinubukang tawagan siya sa skype. To my surprise, naka-log-in siya.

           "Hi!" bati ko. Parang mahina boses ko kasi parang tibok ng puso ko ang naririnig ko.

           "Hi Love! Happy New year!" bati niya niya todo smile. Bakit ba ang mga ngiting 'yon, napapagaan ang kalooban ko? Bakit ba sa mga ngiting 'yon, tila may naghahabulan lagi sa dibdib ko? Love? Hindi niya pa rin nalilimutan ang tawag niya sa akin.

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon