Chapter 8: Why jealous?

2K 99 3
                                    


GLAIZA'S POV: 

          "Huy!" sita ko kay Rhian.     

          "Manunò ka dyan! May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Para namang bumalik siya sa kamalayan niya.

          "H-hindi hindi. Naa-amaze lang ako sa 'yo kasi…"
          "Kasi…. kasi ano?" 
          "Ang ganda mo kasi atsaka ang ganda mo magdala ng damit. Simple pero elegante."

          "Ay grabe.." sabi ko na parang nagblush ako. "Ikaw ang unang babaeng nagsabing maganda ako, kakaiba ka talaga."

          Rhian smiled with her radiant eyes. Bakit ganito ang nakikita ko sa mga mata niya? Parang sobrang aliwalas, maliwanag? I reminded myself, oo nga pala, inlove siya at ikakasal na siya. Ng maisip ko 'yon ay bigla akong pumormal. 

          "Bakit masama bang sabihin  ang totoo?" tanong niya na napaka-natural. Honestly, ako ang naa-amaze sa kanya. 

          "Hindi naman, unusual lang for me. Ewan ko ha. Well anyway, here.... Napili kong ipatikim sa 'yo ang paborito ko rito. Hmmm….ito, 'yung Hungarian Stew. Pork siya. Kumakain ka ba ng pork?"
            "Yup." 

            "Okay….eto, 'yung Slovak Stuffed cabbage. Bale may rice siya sa loob, with beef or pork tas layered with bacon tas ibebake."
           "Wow! Pangalan pa lang, ang sarap na!"
          "Oo nga all in one na, tas mag hungarian mushroom soup tayo. That's for an Italian dish for lunch. My treat." 
           "Sige ikaw bahala. Ay 'yung caesar salad ha, 'yung classic na lang."

           Tiningnan ko siya na parang nagdududa. "Hmmmm….hindi ka naman buntis at naglilihi, ha Rhian?"
          "Ha! Ha! Ha! Hindi noh!" 

            Tinawag ko ang waiter at umorder. Habang nag-aantay ay umorder na lang ako ng four seasons na juice. Maya-maya ay may tumapik sa balikat ko. Tumayo ako ng makilala ko kung sino. 

           "Uy Felix!" bati ko sabay halik ko sa pisngi niya. Nakita kong nag-baba ng tingin si Rhian.

          "So how do you find the place?" tanong niya.

         "Oh well wait…. Felix this is Rhian," tumayo si Rhian at nakipag-kamay. "Rhian, Felix. Siya owner ng Golden Mansion. An old friend."
         "Glad to meet you Rhian, what a beautiful bride to be."

Rhian blushed. Ang cute niya. :)

           "Thank you Sir."
          "So, dito na ang reception?"
          "Definitely."
          "Napaka-suwerte mo Rhian at ikaw pala ang nakasungkit ng pihikang puso ni Congressman Mondejar."

           Rhian just smiled then we went back to our seat. "So pa'no? Tawagan mo na lang ako mamaya for your reservation. Any spot na mapili mo Rhian, I will make it available for you."
          "Thanks Sir."

           Bago nakatalikod si Felix ay dumating na ang salad. Binalingan niya ang waiter.

            "Oh, asikasuhin silang mabuti ha."
           "Yes Sir," sagot naman ng lalaki.

           Binalik ko ang tingin kay Rhian na nananakam na sa salad. Nangiti ako. Ilang beses na ba akong ngumiti dahil sa kanya ngayong araw? Haaay!!

           "Sige na Rhian, tumusok ka na ng dahon at nakikita kong nangigigil ka na sa tinidor mo."

          I was amazed again of how she pours the oil and cheese. She did it exactly how I wanted it to be poured and tossed. I can't believe it. 

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon