Chapter 12: Bakit nga ba?

1.6K 95 1
                                    

RHIAN'S POV:

         Pagdating sa bahay ay wala ang Mamang. Dumaan muna ako sa silid ni Papang at minasa-masahe ang likod niya. Hinaplos niya ang kamay ko.

         "Pang, masaya ako ngayon. May bagong akong nakilalang kaibigan. Actually, siya ang coordiantor sa kasal namin ni Dj. Sana, sa kasal namin ay maging maayos ka kahit papa'no. Kahit nasa wheelchair ka, gusto ko poging-pogi ka ha."

          Biglang bumukas ang pinto at nakasimangot ang Mamang na pumasok. "Oh Iyang, mabuti at umuwi ka pa?"

         "Nagtext po ako kagabi sa inyo."
          "Oo nga pero tanghali na. ‘San ka ba nagsu-susuot? Kung kailan ikakasal ka na, ay tsaka ka naglalakwatsa?"

          Inisa-isa niyang ilagay sa cabinet ang mga tuwalya at pundang nakatiklop. "Nakakahiya kay DJ, malamang ay nag-aalala na sa 'yo 'yun."

           "Mang, nakapag-usap na po kami."

          Hinalikan ko ang ulo ni Papang tsaka lumapit sa Mamang.

          "Huwag po kayong mag-alala, maayos po kami ni DJ. Magkikita kami bukas sabi niya, at isusuggest ko na ang papamamanhikan."
          "Hay ewan ko sa 'yo. Ang akin lang, huwag mong biguin si DJ at hindi biro ang pamilya nya sa lipunan."

        Hindi na ako kumibo. Bumalik na ako sa kuwarto at agad tiningnan ang cellphone ko. May dalawang texts mula kay DJ.

         "I'll see you tomorrow babe… I miss you so much! /  let's sleep together ;)"

         Dinaanan ko lang ang text ni DJ. Sex, sex lang ang ibig sabihin no’n. Sunod kong basahin ang text galing kay…. Glaiza. Sumipa agad ang dibdib ko sa pangalan pa lang niya sa screen ko. May kiliti akong inopen ang inbox ulit.

         "Hi :~) / Bakit parang namimiss kita?"

         Hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Lagi na akong nakangiti ngayon. Bumalik sa ala-ala ko ang senaryo kagabi ng napadagan ako sa kanya. Gusto ko siyang halikan no'n sa totoo lang, may puwersang tumutulak sa aking gawin 'yon. Naisip ko rin ang pagtulog naming magkayakap hanggang magising. Gusto kong maulit 'yon.

          Nag-reply ako. "Hi din. Ako hindi parang. Namimiss kita ngayon. :)"

         Ako nama'y kinilig sa ginawa ko. Naghintay ako ng reply pero wala ng dumating. Kung anuman ang pagbabagong nagaganap sa sarili ko mula ng makilala ko si Glaiza, noong una ay nakakabahala. May time na confuse ako, pero madalas ngayon na alam ko na kung bakit. Inaalis ko muna sa isip ko basta ang gusto ko lang ay lagi siyang makasama.

          Bago kumuha ng idlip ay kinuha ko ang journal ko at sumulat… na si Glaiza pa rin ang nasa isip ko. Natulog nga ako at ginising ako ng tuluy-tuloy na tawag sa cellphone. Oh, DJ is calling.

          "Hi Babe, tulog ka no?"
          "Aahh oo, ginising mo ako actually."
         "Oh sorry…"
         "Okay lang, pagising naman na talaga ako."
         "Eh pa'no? Maaga ako dyan bukas ha."
         “Be…sigurado na ba 'yan?"
         "Huwag ka na magtampo. Kapag naging Mrs. Mondejar ka na, we have all the time."
          "Oo nga. Ay be, aalis ako mamaya."
          "Sa'n?"
          "M-magkikita kami ni Glaiza. Aaahhmm…ano, dadalin niya ako sa mga kaibigan niyang nagpepersonalize ng cake sa wedding."
         "Ha? Is that needed? Hindi ba makakamura ka kung package na sa Golden Mansion ang cake? Para hindi ka na umalis pa. Masama ang panahon dyan ah."

          Tumingin ako sa labas ng bintana. Medyo madilim nga pero it wouldn’t stop me to meet Glaiza.

         "Ah hindi naman," sagot ko. And now I'm lying once again. Hay! "Pero coconsider ko na rin. Medyo magiging busy na kasi si Glaiza before year end kaya kung ano na lang kaya naming iiscout."
          “Okay sige, basta tawagan mo lang ako agad okay?"
           "Okay."

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon