RHIAN'S POV:
MABILIS naming nadala sa ospital si Papang. Buti na lang at naidrive agad ni Glaiza. Nasa emergency room si Papang at stable naman na. Muntik na siyang ma-mild stroke. Pinauwi ko na muna sina Ruru at Rona dahil walang taong dadatnan ang Mamang.
Nasa labas lang kami ng ER at nakaupo. Inaantay lang ang lab result ni Papang at kakatulog lang.
"Oh Rhi," abot ni Glaiza ng kape sa akin. "Wala pang laman ang tiyan mo mula pag-gising mo. May binili din akong mamon, o, kain na."
"Salamat."Hinagud-hagod ni Gee ang likod ko. "May dala ka bang panyo or kahit ano? Pawis na pawis ka na sa tense."
Humigop muna ako ng kape bago suamgot. "Hayaan mo na ang pawis ko, mabango pa rin naman ako diba?"
Kinurot niya ang pisngi ko. "Ha! Ha! Ikaw talaga! Sige nga paamoy," biro niya sabay inamoy ang balikat ko.
"Oo nga no love? Amoy downy!"
"Kidding aside Galiza, thank you. Kung wala ka, ewan kung ano na ang nangyari kay Papang. Naudlot tuloy ang bonding natin. Nakakahiya sa 'yo."
"Don’t worry much Rhian, ang mahalaga, ligtas ang Dad mo."
Humigop ulit ako ng kape. Binuksan niya ang mamon at di ako nakatanggi nang isubo niya sa akin ang dulo.
"Ang sweet-sweet mo talaga Glaiza. Minsan iniisip ko, bakit ang isang katulad mo ay hindi nakuhang pahalagahan ng mga ex mo. Maganda ka, sexy, mabait, sweet, thoughtful. Lahat nasa 'yo na nga eh. Ang dali-dali mong mahalin."
"Well, as you've said, hindi nila nakita 'yon kasi hindi sila nakontento. Kawalan naman nila diba? Just move on and let go."
"Pa'no mo nagagawang madali Gee?"
"Maikli lang ang buhay para magkulong sa mga bagay na ni hindi ka na masaya o sa mundong hindi ka na fit. Mula ng ibigay ko ang lahat kay Tim, natuto na ako. I have learned to love myself or mag-iwan para sa sarili.""Masasabi mo bang buo ka na para magmahal ulit?"
"I guess so."
"Ang suwerte-suwerte niya Gee…'yung taong mamahalin mo ulit."
"Dj is so lucky to have you too. I just hope he deserves you too."Tahimik kong naubos ang kape. Kinuha ko na ang mamon sa kamay niya. Maya-maya ay tinawag na kami ng nurse. Ready na kami to discharge. Hinatid na rin kami ni Glaiza pauwi.
Hindi ko na ginising ang mga kapatid ko. Wala pa rin ang Mamang, hindi macontact ang cp. Buti na 'yon at hindi siya nag panic. Glaiza helped me sa pag-higa kay Papang sa kama. Pinisil niya ang balikat ko.
"Do you want me to stay?"
"Naku huwag na. Alam kong kailangan ka rin ng ate mo. Tumawag kanina diba? Inaantay ka rin niya sa condo mo."
"I really wanted to stay. I'm worried about you. Malamang hindi ka na naman matutulog. Lalim na ng mata mo oh, mukha ka ng panda."
"Ikaw rin eh. Di ka pa nga puyat, medyo malaki na mata mo."
"Ah gano'n?!"Mag-aalas-onse na ng gabi ko hinatid si Gee sa may gate. Niyakap ko siya bago siya sumakay ng kotse.
"Thank you sweetie…Mag-iingat ka. Aantayin ko tawag mo ha."
"Huwag na, matulog ka kung kaya. Mamaya tulo laway ka na, nagko-call pa ako."
"Okay sige, kahit text na lang na naka-uwi ka na?"
"Okay sige na, hindi na ako nanalo sa 'yo."
"Sige ingat ka."
"Ingat lang?"
"Hmmm.. Goodnight?"
"Never mind na lang."Aktong bubuksan na niya ang pinto ng kotse ay hinawakan ko siya sa braso. Niyakap ko siya ulit at masuyong dinampian ng halik ang pisngi niya.
"Goodnight Glaiza, drive safely."
BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
FanfictionCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017