RHIAN'S POV:
ALAM kong kailangan kong harapin si Glaiza kaya nagpunta ako sa garden nila. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang kotse ni DJ at kinabahan ako. Hindi ko alam ang nasa isip niya.
Hindi ko inaasahan ang tagpong maaabutan ko. Bigla akong tumakbo at hindi ko alam kung paano akong naging mabilis na nakauwi sa inuupahan ko. Lahat ng bagay, sanga-sanga na ang nagaganap. Parang hindi ko na ito makaya.
Walang patid ang tawag ni Glaiza. Hindi ako maramot na tao para sa kanyang paliwanag.
"Hello! Thanks gad Rhian! Thanks ghad!"
"Hindi ako magpapatiwakal nang dahil lang sa nakita ko."
"Wala akong relasyon ni katiting kay Dj Rhian. Pinuwersa niya ako, malakas siya."
"Nakita ko naman 'yon Gee, huwag kang mag-alala. He's desperate."
"Nag-aalala ako Rhian. Jusko! Nasa'n ka ba?!"
"Babalik ako kung handa na ko para sa' yo. Magtiwala ka sa akin Glai, 'yun ang kailangan ko ngayon."Maaga akong natulog. Madaling araw ng bigla akong napabangon dahil napanaginipan ko ang Papang. Alas kuwatro pa lang at maka-kaabala ako kung tatawag ako sa landline. Hinintay kong mag-ala-sais dahil 'yun ang gising ni Ruru.
"Hello! Ruru, si Papang?"
"Te! Dinala sa ospital kagabe. Hindi ka na namin matawagan, asa'n ka ba?"
"Sa'ng ospital? Pupunta ako ngayon."
"Eh te.."
"Saang ospital?!!!" sigaw ko.
"St. Peter ate."Mabilis akong kumilos at isang oras din bago ako nakarating sa lugar. Pagbaba ko ng tricycle ay nasalubong ko si Raffy.
"Ate!"
"Raf!"
"Ang Papang?"Malungkot lang niya akong tiningnan. Kinabahan ako. "Ang Papang Raffy nasa'n?"
"Sinugod siya sa Emergency kagabe. Pag-uwi ko galing eskuwela ay dinala na namin dito kaya heto't hindi pa nga ako nakabihis."
Nagsindi siya ng sigarilyo. "Ang Mamang?"
"Nasa loob."Tinalikuran ko siya pero nahablot din nya agad ang braso ko. "Ate! Baka makasamâ kung papasok ka sa loob. Galit sa 'yo ang mamang, totoo ba?"
Alam kong patungkol yon sa relasyon ko kay Glaiza at hiwalayanan namin ni Dj. Hindi ako sumagot. Lumakad ako papasok ng emergency at hinila niya ulit ako.
"Ate…..inatake si Papang. Massive heart attack. Wala na si Papang at sinisisi ka ni Mamang."
Biglang sumikip ang dibdib ko at lumandas ang masaganang luha sa mata ko. Napaupo at nagpalahaw. Sumigaw ako ng sumigaw.
BINABASA MO ANG
Of Poems and Flowers (Completed)
ФанфикCredits to: Rome and Juliet My fave les movie July 2016 - Feb. 2017