Same day
6:55 pmSeungcheol calling...
Call Connected
"Jippoon! Bakit mo ako binabaan kanina?! Kinabahan ako..."
". . ."
"...akala ko ubos na 'yung load ko. Eh kakaload ko lang kanina. Hays."
"Nalowbat lang 'to. Ba't mo pa pala ako tinawagan ulit?"
"Ha?"
"'Di ba busy ka."
"Hindi ah! Bakit naman ako magiging busy?"
"Sa Tinder."
"Hin-"
"Sa paghahanap ng sisiw."
"Wa-"
"Doon sa babaeng maputi, sexy at matangkad."
"Sag-"
"'Di ba magde-date pa kayo?"
"Nag-"
"Doon ka na. Busy rin kasi ako ngayon. Istorbo ka."
"Ji-"
"Ibaba ko na 'to. Baka na-iistorbo ko na kayo nung babaeng maputi, sexy at MATANGKAD. Nakakahiya naman sa katangkaran niya."
"SAGLIT LANG JIPPOON!"
"Jihoon."
"Nag...Nagseselos ka ba?"
"Sino ka ba para pagselosan ko?"
"W-wala. Wala naman. Isang lalaking lagi kang kinakalimutan pagkatapos ng isang araw. Ayun lang naman."
"Alam mo?"
"Oo. Sinabi sa'kin ng nanay ko kaninang umaga 'yung sakit ko."
"Araw-araw niya na ba 'yang ginagawa?"
"Ewan. Siguro. Pero hindi ko maiwasang hindi ma-depress lagi. Kaninang umaga, bago ako umalis ng bahay para magpahangin, sinabihan ako ng kaibigan kong tawagan ko raw 'tong number na 'to. Makakatulong ka daw sa'kin."
"Nakatulong ba?"
"Sobra."
"N-nung tumawag ka ba, kilala mo na ako?"
"...Hindi."
". . ."
"Pero nung narinig ko 'yung boses mo, parang biglang may nag-click sa utak ko."
". . ."
"Alam ko na agad sa mga oras na 'yun na ang pangalan mo ay Jippoon."
"Jihoon."
"Alam mo, malakas talaga 'yung pakiramdam ko na matagal na tayong magkaibigan eh. Ilang taon mo na ba akong kilala?"
"Isang buwan."
"WEH?! Anong mga alam mo tungkol sa'kin?"
"Na isa kang tanga."
"Kaibigan ba talaga kita?"
"Malay ko. Kung ikaw, gugustuhin mo bang maging kaibigan ang isang tulad ko?"
"Oo."
". . ."
"Natahimik ka?"
"Wala."
"Na-touch ka no? Hehe."
"Tangina mo ba?"
"Biro lang. Huhu. Ganito nalang, since halata namang wala ka pang masiyadong alam tungkol sa kagwapuhan ko, magtanong ka nalang ng mga gusto mong malaman tungkol sa'kin. Game?"
"Okay. First question. Bakit ka tanga?"
"Eyy! 'Yung seryoso kasi."
"Seryoso ako. Kailan ba ako nagbiro?"
"Psh. Sige naaa."
"K. First question. Kailan birthday mo?"
"August 8, 1995!"
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Bakit?"
"Mas matanda ka talaga sa'kin? Seryoso?"
"HALA MAS MATANDA AKO SA'YO?! HYUNG MO AKO!"
"Hindi halata, what the actual fuck."
"Hoy! Tawagin mo akong hyung! Mas matanda pala ako sa'yo eh!"
"Act your age first, Dory."
"Harsh."
"Deal with it. Second question. Hm, full name?"
"Oh, thank you for that wonderful question, Mr. Jippoon. My full name is Choi Seungcheol, currently living in Seoul from South Korea!!! That's all, thank you."
"Choi Seungcheol?"
"Yep!"
"Choi... Seungcheol..."
"'Yun nga. Bakit?"
"A-ah. Wala wala. Sorry, nahilo lang ako bigla. Nasaan na ba tayo?"
"Pangatlong question na!"
"Ah, pwedeng mamaya nalang natin ituloy? Mga after 30 minutes. Biglang sumama pakiramdam ko eh."
"Hala. Ayos ka lang?"
"Kakasabi ko nga lang na sumama 'yung pakiramdam ko eh, tingin mo ayos lang ako?"
"Pft, sungit. Magpahinga ka na muna d'yan. Tawagan nalang kita ulit mamaya."
"Marami pa akong gustong itanong sa'yo, okay? Kapag nakalimutan mong tumawag manaya itatapon kita sa Jupiter."
"Masama na nga ang pakiramdam, nagawa pang maging sadista."
"Ano?!"
"Walaaa. Sabi ko opo, boss. Pahinga ka na, boss. Babye, boss."
Call Ended
ஐ≈
[findingjicheol]
Special mention to carrot-nim cinderELLEla & meotjin for their overwhelming votes and comments on the previous chapters. Thank you guys! ♡Happy 1K reads Retrograde!
(062416)
YOU ARE READING
Retrograde | Jicheol
أدب الهواة"I suffer from short-term memory loss. But look Jihoon, I can remember things better with you. You're my mnemonic drug." | Jicheol Fanfic COMPLETED ©vousmecheols June 2016