8:12 am
Seungcheol calling...
Call Connected
"ANONG TAWAG SA PAGKAING MABILIS?!"
"Walakompake."
"EDI SOFAST! HAHAHAHAHA!"
". . ."
"HOO! ITO PA ITO PA! ANONG INSEKTO ANG WALANG GILAGID?!"
"Go fuck yoself."
"EDI LANG-GUM! BWAHAHAHAHA!"
". . ."
"Nahimatay ka siguro sa kakatawa, nuh? Hehe. Ako nga pala si Seungcheol."
"Alam ko."
"Ha?"
"Hatdog. Walang ulitan sa bingi."
"Daya amp."
"Bakit ba ang feeling close mo? Kilala mo ba ako?"
"Hindi. Pero kasi sabi n-"
"Nino?"
"Nino. Diba color 'yan? 'Yung sobrang bright. Ninon pink. Ninon blue. Ninon orange."
"Tsk. Who fucking told you to call me everyday?!"
"To call? 'Yan 'yung kumakapit sa kisame natin diba? 'Yung mas malaking butiki? Tocall."
". . ."
"Ay ay! 'Yan din 'yung ano! 'Yung maliit na cast sa Goin' Bulilit! Si Tocall!"
"Punyetangina mo. Dagul 'yun."
"Punyetangina mo. Diba 'yun 'yung-"
"ANSWER MY FUCKING QUESTION DORY. SINONG NAG-U-UTOS SA'YONG TAWAGAN AKO ARAW-ARAW?"
"Dory? Hindi ako si Dory."
"Tangina. Sagutin mo nalang, Seungcheol."
"Ngayon lang naman kita tinawagan, ah?"
"Jihoon."
"Ha?"
"My name's Jihoon. Wala ka bang naaalala? O nagmamaang-maangan ka lang?"
"Hindi kita ma-"
"Baka naman nagkukunwari ka lang at pinagti-trip-an niyo lang talaga ako ng mga katropa mo?"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Wala ka bang naaalala kahapon?"
"Meron."
"Ano?"
"Nasa mall ako buong araw kasi may binili ako."
"Anong binili mo?"
"Nye. Ba't ko sasabihin sa'yo? Close tayo? Close tayo?"
"Nakaka-tangina ka talaga. Anyway, buong araw? Wala kang tinawagan buong araw?"
"Meron. Nung tanghali tumawag ako sa nanay ko."
"Eh nung umaga? Mga bandang alas-diyes, may tinawagan ka?"
"Meron."
"Sino?"
"Grab taxi. Nagpahatid ako sa mall."
". . ."
"Teka nga teka nga! Bakit ka ba tanong nang tanong?"
"May saltik nga siguro 'yang utak mo."
"Grabe ka naman. Alam kong maloko ako minsan pero maayos naman ang pag-iisip ko. Actually mas maayos pa nga kaysa sa mas maayos. Above normal, ika nga. Oh diba?"
"Abnormal."
"Hehe. Pero Jihoon!"
"Oh?"
"Sino ka?"
"Anong sino ako?"
"Sino ka. Anong buong pangalan mo? Saan ka nakatira? Anong mga hobbies mo?"
"Ano 'to, autograph notebook?"
"Eh basta. Mag-kwento ka nalang tungkol sa sarili mo."
"Ba't ko naman gagawin 'yun?"
"Wala lang. Bigla lang akong na-curious tungkol sa'yo. Tsaka pinapatanong din nitong si-"
"Shhh!"
"Seungcheol? Sino 'yun?"
"Ah, itong katabi ko. Nakikinig kasi siya sa usapan natin."
"Sino 'yan?"
"Si-"
Call Ended
"Hello? Hello?"
YOU ARE READING
Retrograde | Jicheol
Fanfiction"I suffer from short-term memory loss. But look Jihoon, I can remember things better with you. You're my mnemonic drug." | Jicheol Fanfic COMPLETED ©vousmecheols June 2016