D E

995 87 59
                                    

"JIHOON! Anong gusto mong regalo?"

"Para saan?"

"Ha? N-nakalimutan mo?"

"Pft. Biro lang. Paano ko makalimutan 'yung friendsary natin sa susunod na linggo eh ilang linggo mo na ring pinapaalala 'yan sa'kin?"

"Hehe. Ano ngang gusto mong regalo?"

"Kahit ano basta galing sa puso."

"Aww~"

"'Yung mga veins at dugo ah? Gusto ko 'yung fresh pa galing sa puso mo para mas maappreciate ko."

"Jihoon naman eh!"

"'Di mabiro?!"

"Sige naaa. Pupunta kasi akong mall bukas. Hehe."

"'Di ba nga dapat surprise 'yung regalo? Tanga mo talaga."

"Natanga pa. Ako na nga 'tong nag-eeffort. Hays."

"Emo ka na niyan?"

"Hindi. Pft. Pero Jihoon, sa mismong araw ng friendsary na natin ako makakapunta d'yan sa inyo ah. May aasikasuhin kasi ako."

"K."

"Grabe, 'di mo man lang ako ke-kuwestiyunin?! O wala man lang 'mami-miss kita Cheollie'?"

"Wala."

"Pasalamat ka talaga napagtitiisan kita eh. Huhu. Durog na durog na ang puso ko sa'yo."

"Paki ko? Sino ba 'yung nagpumilit makipagkaibigan sa'kin dati?"

"Ako..."

"See?"

"Pero hindi ko naman pinagsisihan 'yun eh."

". . ."

"Yierieee, kinilig siya~"

"Muntanga ah. Ge, gotta go."

"A'yt. Bye Jihoonie! Sa July 19 ah?!"

"Oo nga. Paulit-ulit."

"Hehe. Anong date ulit 'yun?"

"July 19! Bwisit."

"Good!"

"Ibababa ko na 'to."

"Oka-ay wait, Jihoon!"

"Ano?!"

". . ."

". . ."

"Don't forget."

_____________________

yes.
the past four chapters were just flashbacks. :)

Retrograde | JicheolWhere stories live. Discover now