열여덟

865 72 41
                                    

8:23 am

Calling Woozi-chan...

Call Connected

"WOOZ-"

"Hello?"

"Uh...h-hello?"

"Hi! Ano pong kailangan nila kay Woozi?"

"Girlfriend niya po ba 'to?"

"Ay hihihi. Opo, charot. Tita niya 'to! Wait...ikaw ba si Coups?! THE COUPS?!"

"Ah, op-"

"Ikaw ba 'yung boyfriend nitong pamangkin ko?!"

". . ."

"HOY COUPS SUMAGOT KA."

"H-hindi po. Hehe. Magkaibigan lang po kami."

". . ."

"Hala! Wag niyo po sanang pagalitan si Jihoon. Magkaibigan lang po talaga kami!"

"Wait. How did you know his real name?"

"Sinabi niya po sa'kin?"

"Omg. Ikaw na nga. Hijo, favour naman."

"Po?"

"Pakiligawan naman ng pamangkin ko please."

"PO?! Hala. Hindi ko po tipo 'yung mga taong fun-sized eh. Hehe. At saka straight naman po yata si Jihoon? Hehe?"

"SUS. Sa panahon ngayon, ruler nalang ang straight. Actually may ruler na ngang nabe-bend diba? So basically, wala na talagang straight sa mundo. Therefore, hindi straight si Jihoonie ko. Hihi."

"Um..."

"Nasa coffee shop siya ngayon, naiwan niya 'tong cellphone niya dito. Gusto mo puntahan mo nalang siya kung urgent 'yang sasabihin mo."

"Ay hindi na po. Magso-sorry lang naman po ako."

"OMG. BAKIT?! BINASTED MO BA SIYA?!"

"Hin-"

"HOY KUTONG LUPA KA. Anong karapatan mo para basted-in ang walang kamuwang-muwang kong cutie na pamangkin?! Hindi mo ba alam na mas maliit pa sa kaniya ang puso nun?! Omg. Hindi ko man lang napansin ang pagkatamlay niya kagabi. Napakawalang-kwenta kong tita. Huhu. My Jihoonie's broken because of you. How dare yew!"

"H-hala! Hindi po hindi po! A-ano, hindi pa naman po siya nanli-I mean, hindi naman siya nanliligaw eh..."

"Hmm..."

"Um, okay, this is getting awkward. Ano, tatawag nalang po ako ulit mamaya."

"So, wala pang ligawang nangyayari?"

"Wala pa p-I mean, wala po!"

"So, may pag-asa pa?"

"Alin po?"

"Na manligaw ka. Hihi."

"Wa-"

"ASHUSH. I get it. Torpe ka noh? Hm, don't worry. Tutulungan kita. You know, mukha mang tiyanak 'tong pamangkin, may mabuti naman 'yang puso eh. Tamo, natiisan niya 'yung lalaking makakalimutin dati na kausapin gabi-gabi? Oha. Ano nga ba ulit pangalan nun? Soonchor? Eungshol? Seungsure? Jusme, nagiging makakalimutin na rin yata ako!"

"...S-Seungcheol?"

"AYUN! SEUNGCHEOL! Meged. Bukambibig niya 'yun dati nung unang tapak niya dito. Minsan tatawa-tawa siya pero madalang bigla-biglang lulungkot. Kawawa naman ang Jihoonie ko huhu~"

". . ."

"Pero paano mo pala nalaman? Kilala mo ba 'yun?"

"A-ah. Hindi po. Just...Just a lucky guess, perhaps."

"Ahh. Oh siya, maglalaba pa ako. Tawagan mo nalang ulit si Jihoon mamaya, okay?"

"Okay po."

"Sige. Babuuush."

". . ."

Call Ended

". . ."

". . ."

"Seungcheol..."

Retrograde | JicheolWhere stories live. Discover now