Wade's Pov
"....third wheel ako sa inyo." Tinabig niya ang aking kamay at naglakad na paalis,pero hinabol ko siya at sinabayan siya sa paglalakad.
"Im not going on a date Cass. Tayo ang lalabas,matagal ng wala tayong bonding bestfriend. "Napatigil siya sa aking sinabi. Kaya tumigil rin ako,tumaas ang kanyang kaliwang kilay at naglakad na saka binato sakin ang susi ng kanyang motor.
Sumakay kami sa aking kotse at tahimik akong nag drive papuntang mall.
Dumiretso siya sa bookstore at bumili ng dalawang fiction books.
"Anong gagawin mo dito?"takhang tanong ko.
"Bibili." sagot niya.
"Obviously."
Obvious naman kasi na bibili siya e.
Pagkatapos namin sa bookstore,pumasok siya sa supermart,nandito lang ako sa likod niya nakasunod lang sa kanya. Kumuha siya ng pushing cart at dumiretso sa meat section kumuha siya ng karne ng manok at baboy,pagkatapos sa milk section naman,cereal,frozen,hygiene, at iba pa.
Dumiretso kami sa counter,sumusunod lang ako sa kanyang likod.
Nilabas ko ang wallet ko para bayaran ang mga pinamili pero mabilis niyang inabot ang credit card. Taka akong tumingin sa kanya.
Sa pagkaka alam ko wala siyang credit card at ang pera na lang niya sa bangko ay para sa pag aaral na lang niya. Di ko siya tinanong at hinihintay ko lang kung may sasabihin siya sakin,pero wala. Dahil sa dami ng pinamili namin ay nilagay ulit ang mga ito sa cart. Tinulak ito ni Cass hanggang sa makarating kami sa isang ice cream parlor. Linarada niya ang cart sa paradahan ng mga cart malapit ng parlor at pumasok ito deretso lang sa counter.
Umorder siya ng large size vanilla ice cream ,cookies n cream flavored at banana split large size lahat. Hinintay namin sa counter ang aming order,nang dumating na ito ay binuhat ni Cass ang tray saka tumingin sakin. Naka nganga akong tumingin sa kanya.
"O,bayaran mo na."nakangising aniya. Kaya dali ko ring kinuha ang wallet ko at binayaran ito. Naglakad si Cass patungo sa isang bakanteng table,at umupo doon.
'She's weird.'
Sinimulan niyang kainin ang vanilla ice cream na nasa tray pa,kinuha niya naman ang cookies n cream flavored at saka nilapag sa harapan ko.
'Alam niya talaga ang paborito ko.at alam rin niyang ayaw ko sa banana split.'
Hindi parin aiya nagsasalita,sinimulan ko ng kainin ang ice cream ko,sumusulyap parin ako sa kanya kaso,ni isang salita walang lumalabas sa kanyang bunganga.
"May dapat ka bang sabihin Cass?"tanong ko.
"Magtanong ka lang."sagot niya.
"Why are you acting weird?"
"Im not weird."
"Where did you get the credit card?"
"Sa lolo ko."tipid niyang sagot.
"Lolo? I dont remember you having a grandfather."
Cassidy's Pov
Nagkwento ako sa kanya na nagkita kami ni Xander at sinabing kapatid ko siya,sinabi ko lahat sa kanya, except sa tungkol sa organisasyon,sa paglaban ko sa lalaking tumakip ng ilong ko. Sinabi ko ring nakumpirma kong pamilya ko nga sila dahil sa nakita kong family pic. Sinabi ko ring patay na ang real parents ko but i didnt tell him who did it at kung pano ako napunta sa mga false parents ko ay sinabi ko rin na dahil nawala ako at sila ang nakakuha sakin.
Di na rin naman siya nagtanong na nang makwento ko lahat.
Pero napansin kong lumungkot ang kanyang mukha.
Back to Wade's Pov
So,may pamilya pala siya. Paano kung iwan na niya ako at dun na siya sa kanyang pamilya.
"Ya,ba't ganyan mukha mo,di naman kita iiwan e. Ikaw ang kumuha sakin nung walang wala ako. Kaya asahan mong nandito lang ako.tsk." aniya sabay subo sa isang scoop ng ice cream,pagkatapos niyang kainin ang vanilla niya ay sinimulan naman niya ang kanyang banana split di ko pa nauubos ang akin. Matakaw talaga 'tong si Cass e,lalo na sa ice cream at fries adik siya.
Kinuha ko ang tissue at dinikit iyon sa ice cream na nasa gilid ng kanyang bibig.
"Para ka talagang bata.haha"ani ko.
Nagpunas naman siya. Pagkatapos namin sa mall,dumiretso na kami sa parking lot. Nilagay ko sa backseat at sa compartment ang mga punamili namin.
"May pupuntahan ka pa ba? "Tanong ko.
"Wala na." Aniya at sinuot ang earphones niya. Tumingin ako sa relo ko 10:02am. Pupunta kaming subic ngayon plano kong ipasyal siya sa ocean park. Nakatingin lang si Cass sa bintana habang nagda drive ako.
Sakto namang pagdating namin sa subic ay lunch na kaya kumain muna kami sa isang seafood restaurant. Pagkatapos namin ay nanood kami ng mga dolphin na gumagawa ng mga tricks,hindi naman masyadong tirik ang araw,hindi masyadong mainit at makulimlim din naman. Pagkatapos naming manood sa mga dolphin ay pumasok naman kami sa ocean aquarium naglakad lakad lang kami habang pinapanood ang mga ibat ibang isda.
Namasyal pa kami,bumili ng souvenir. Bumili kami ng pareho naming dolphin keychain ilalagay namin sa susi namin. Binilhan ko rin siya ng malaking dolphin stuff,bumili rin ako ng magkapareha kaming anklet at sinuot namin iyon. Tawa lang kami ng tawa habang namamasyal, kita ko talaga sa mga mata ni Cass na masaya siya,i like her smile,her laugh and her beautiful eyes.Sa mga nakaraang araw mukha siyang stressed at depress,kaya naisipan ko siyang ipasyal,namis ko din itong bonding namin.
Ala singko na ng hapon nang matapos kami sa Subic at deretso na kami ngayon sa star city.
***********
VOTE. SHARE. FOLLOW
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
Short StoryA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...