Cassidy's Pov
Binaril ako ni Lyra sa braso,Tang*nang babaeng 'to! Palapit na sila Kuya,at sa likod ni Lyra palapit naman sila Neo at Janna, kasama na nila si Kevin. Shit! Dehado kami neto..
Nang mapansin nila Kuya silang lahat. Napatigil sila.
"Xiana pag sinabi kong yumuko ka,yuko." Sabi ni kuya. Humanda na ako sa kung ano mang plano ni Kuya.
Nagsimula na itong magbilang.
"Tatlo.yuko." aniya kaya napayuko ako,kasabay ng pagkabaril kay Brandon sa likuran. Umuubo na ito ng dugo,tinutukan ako ng baril ni Lyra at sa pagyuko ay binunot ko ang baril ko kaya naunahan kong pinaputukan si Lyra sa binti,kasabay ng pagbaril ko sa kanya ang pagbaril din niya sa kaliwa kong braso. Binaril ko pa ang isa niyang hita at napaluhod na ito sa sahig. Inabot ko ang baril king tumilapon kanina bago tumayo at sinipa ang kamay na may hawak na baril ni Lyra. Binaril ko siya sa braso,at hinampas ang kanyang ulo dahilan para mawalan ito ng malay.
May bumaril sakin at nadaplisan ang aking pisngi,si Janna. Pinaputukan ko siya pero nagtago siya sa pader,lumapit ako sa kanya,pero napapatigil at napapatago ako pag bumabaril siya.
Wade's pov
Pagkabaril ni Xander kay Brandon ay napahiga na ito sa sahig. Napansin kong hirap na tinutok ni Brandon ang baril kay Xiana at binaril ulit ni Xander ito. Wala na talaga siyang malay or worse patay na siya.
"Carl and Kyle kayo nang bahala sa dalawa pa,tulungan niyo na si Xiana, Wade hanapin mo si Mark alam kong nandito lang sa paligid,hahanapin ko si Van." Naghiwahiwalay na kami. Hinanap ko si Mark,nilibot ko ang hallway pero wala siya.
Umakyat ako sa ikalawang palapag,inikot ko ang hallway,sa huli nang hallway nakita ko si Mark na may kinakalikot sa kanyang laptop. Sa tingin ko may nilagay silang bomba dito sa hotel.
Tinutok ko ang baril sa kanyang ulo,at napatigil ito sa kanyang ginagawa. Tumingin siya sakin at nilapag sa upuan ang kandong niyang laptop. Ngumisi ito sakin.
"Ikaw yung pinakamamahal ng prinsesa ng Xynex? Hahaha. Tangang prinsesa,dinala ang kahinaan sa laban." Tumatawang sambit niya.
"Found him."sabi ko para mainform ang kasama namin.
Tumayo siya.
"Kaya mo bang pumatay? Hahaha. Hindi diba? Wag kang sasali sa laban kung di mo kayang pumatay, kung dika makapatay,ikaw ang mamamatay."sabi niya at bigla niyang sinipa ang aking kamay na hawak ang baril saka binunot ang kanyang baril sa likod at tinutok sakin.
"Kung pinatay mo na sana ako kanina,ligtas ka na. Haha. Pero di mo kaya, ako? Wala akong pag aalinlangan na pasabugin yang bungo mo" sabi niya.
Cassidy's Pov
Bumaril ulit siya sa pwesto ko,kaya napatago ako at paglabas ko sa pader nakita kong tumatakbo palayo si Janna,pinaputukan ko ang kanyang pwesto at nagtago ulit siya sa isang pader,palayo na kami sa hall.naglakad ako palapit sa kanyang kinaroroonan..
"Bang!" Nabaril niya ako pero daplis lang sa binti.
Paglabas ng kanyang kamay ay binaril ko ito pero ang mismong baril ang tinamaan at nabitawan niya ito. Mabilis akong lumapit sa kanya,nakatago parin siya sa pader,pagkalapit ko sa kanya ay agad kong tinutok ang isa kong baril sa kanya,nasa gunpocket ko na yung isa,pagtutok ko sa kanya ay nasipa niya ito kaya tumilapon ito sa sahig.
Pagtingin ko sa kanya ay sinapak niya ako sa mukha. Sinipa ko ang kanyang tiyan at napaatras ito. Shit,nahihirapan akong sumipa dahil sa suot ko pero,kaya ko rin naman dahil may slit ang gown.
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
Cerita PendekA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...