Wade's Pov
Kaming tatlo ang nagsama sama para kunin ang device na gagamitin sa mga bihag. Si Xander ay kinausap ang mga iba pang tauhan nila para dagdagan ang magbabantay dun at sinabi rin ang dapat nilang gawin. Naglakad na kami palapit ng basemwnt at nakita na namin si Xander na kinakausap ang head guard nila.
"Kapag tumakas,barilin niyo kahit patayin niyo kapag di niyo sila kaya. Konting galaw lang nila balaan mo na,kapag pumapalag padin,patamaan mo sa dalawang paa para di makalakad. Pinapaalala ko sayo si Kevin at Brandon,hindi sila basta basta lang, magaling sila,matinik,tuso,madiskarte at mapaglaro. Kaya mag iingat kayo,kaya kung maaari ay unahan niyo sila hindi ang nakikipagsatsatan pa kayo, mapanlinlang ang mga yan. Pag may nangyari itawag mo agad sakin. O kahit kanino samin, sabihin mo lahat ng sinabi ko sa mga tauhan mo." utos ni Xander
Kasama ang ilang tauhan ay binuksan nila ang kwarto kung nasaan sila Kevin at Brandon at dalawa pa nilang kasama. Bale apat sila dito.
"Simula na ang pagbagsak niyo Xynex." Tawa ni Kevin.
"Magbabayad kayo sa ginawa niyo saming lahat, dapat kayong mamatay"sigaw ni Brandon habang konakabit ni Kyle sa kanya ang device pati na rin kay Kevin. Nakatali sila sa upuan at magkakalayo sila,bawat sulok ang pwesto nila,naka kadena ang kamay at paa pati katawan, naglagay din si Kyle ng alarm device. Saka sumunod naman ang kabilang kwarto.
Pagkatapos namin dito ay lumabas na kami,at sumakay ng kotse.
Simula na.... Simula na ng laban,ang simula ng katapusan,maaring katapusan nila o katapusan namin.
Cassidy's Pov
Habang tinatahak ang daan papunta sa party ay sinuot na namin ang aming maskara. Tatlo kami dito sa kotse ni Kuya,bale si Kuya ang nagdrive tapos ang si Wade naman ang nakaupo sa fronseat at solo ko dito sa backseat,kasunod lang namin ang kotse nina Carl,sila lang dalawa sa kotse nila.
Pagdating namin sa venue. Inalis ko ang jacket iniwan ko sa kotse.
"Humanda na kayo"sabi ni Kuya through the device sa mga tenga namin kaya dinig namin lahat. Bumaba na kami ng kotse at nagkatinginan kaming lahat kina Carl at Kyle saka sabay sabay na pumasok sa hotel,marami na ang bisita,pero hindi crowded dahil malawak naman ang venue. Pinagtitinginan kami ng mga ibang bisita. Alam kong hindi nila kami nakikilala dahil sa mga maskara namin,yung iba nakatanggal ang maskara habang kausap ang mga kakilala nila,pero yung iba suot parin.
"Maghiwahiwalay tayo para mas madali natin silang mahanap."ani kuya.
Naghihiwalay na kami pero hinawakan ni Wade ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya,bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata.
"Babe,mag iingat ka."aniya.
"I will,ingat ka din. Wag mong kalilimutan mga tinuro nila Kuya sayo. I love you."
"Yeah, love you."sagot niya bago kami naghiwalay. Nag aalala ako sa kanila,sa kanilang lahat. Sana walang mangyari.
Makalipas ang 30 minutos,hindi parin namin nakikita sila,nakikipagusap din naman ako sa mga kumakausap sakin kahit di ko kilala,kumuha ako ng wine sa dumaang waiter.
"Dont drink the wine Cass."dinig kong sabi ni Wade. Kaya di ko na ininom,nilaro ko lang ang wineglass. Pinapakiramdaman ko parin ang paligid ko. Pumunta ako sa banyo para umiihi. Paglabas ko ng banyo may babaeng nagreretouch sa kanyang lipstick,nakasuot ang kanyang pulang maskara. Tumingin siya sakin at saka ngumisi,tinignan ko ang kanyang mga mata,isa siyang Sylerin, She's Lyra Cosson sister of Brandon.
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
Cerita PendekA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...