(A/NOTE:CONTINUATION 'TO NG FLASHBACK NI WADE BUT IN CASSIDY'S POV.)
Cassidy's Pov
Maraming linggo ang lumipas na walang pansinan samin ni Wade dahil sa mga nasabi ko nang gabing iyon.
*flashback
Kumuha ako ng juice at sandwich para sa meryenda naming tatlo,madilim na sa labas at umuulan pa, ewan ko ba sa panahon ngayon climate change na talaga.
Palabas na ako ng kusina papunta sa sala nang mapatigil ako sa paglalakad nakita kong nakaakbay si Wade kay Hannah. Ang sakit na makita ng harap harapan silang ganyan,sweet sa isat isa,parang maluluha na ako sa sakit,di paron ako makagalaw saking kinatatayuan. Nagkatitigan silang dalawa at dahan dahang nilapit ni Wade ang kanyang mukha kay Hannah,napapikit si Hannah at di ko magawang kumurap o pumikit man lang para di makita silang naghahalikan,parang...parang dinudurog ang puso ko sa eksenang nakikita ko ngayon,harap harapan yan o, gusto kongsumabunot,pero wala akong karapatan, wala akong magawa di ko na mapigilan ang mga luha ko at kusa na itong tumulo,nanghihina ako,nanghihina ang mga tuhod ko mag iisang minuto ko na silang pinapanood pero di parin sila tumitigil. Ang sakit,ang sakit sakit parang di ako makahinga na sumisikip ang aking dibdib sa sakit. Gusto kong tumalikod,gusto kong magtago,gusto kong tumakbo pero di ko magawa. Nanghina ang mga kamay at tuhod ko,panay ang tulo ng aking mga luha. Nabitawan ko ang tray na laman ng meryenda. Kumalampag ito sa sahig,parang slowmo ang pagkahulog nito at ang pagkabasag ng mga baso,parang puso ko,wasak na wasak parang mga baso na basag.
Napatigil sila sa kanilang ginagawa at tumingin sila sakin. Di ko na kaya Wade.
Nanlaki ang mga mata ni Wade nang makita niyang umiiyak ako,hindi ko parin magawang kumilos. Nagtama ang paningin namin ni Wade at lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang aking braso.
"Wag. Just....please leave me alone." Ani ko sabay takbo sa aking kwarto,aksidente kong natapakan ang isang bubog,masakit pero mas masakit ang mga nakita ko. Napaupo ako sa sahig at inalis ang bubog,malakas ang pagdugo nito. Tinulungan ako ni Wade na tumayo pero tinabig ko siya at iika ikang naglakad palapit sa hagdan. Kaya kong tiisin ang physical na sakit dahil sanay ako sa bugbugan,pero... Pero ang emotional pain ang di ko makaya. Hinawakan niya ako sa braso upang pigilan,di ko siya magawang alisin ang kanyang kamay saking braso dahil nanghihina talaga ako. Hindi parin tumitigil ang pagluha ko.
"Cass,ano bang nangyayari sayo!"sigaw niya. Matalim akong tumingin sa kanya.
"Anong nangyayari sakin?! Nasasaktan ako W-Wade! Ang s-sakit sakit na,di ko na kaya! Araw araw kang nagkwekwento sa mga nangyayari sa inyo, tinitiis ko l-lahat 'yon dahil m-mahal kita Wade,mahal na mahal kita. Pero tinitiis ko lahat 'yon dahil ayo-ayokong mawala ang f-friendship natin! Na baka kapag nalaman mong m-mahal kita mawala ka s-sakin!"humihikbing sigaw ko. Gulat lang siyang tumingin sakin,kumalas na ang kanyang braso.
"A-alam mo namang ikaw lang ang meron ako diba? Pwera sa nalaman kong pamilya. Lintik tong puso na to e,sa dinami dami ng m-mamahalin bakit i-ikaw pa. Bakit ang bestfriend ko pang may mahal na iba. Ang sakit na kasi W-wade e, nasasaktan ako ng wala akong mapagsabihan dahil nga di ko kayang sabihin sa bestfriend ko. Ngayon? Bakit ako nagkakaganito? Wala e,sumabog na ako napuno na ako,di ko na kaya e. Sorry Wade kung ba't ikaw pa." Sabi ko at naglakad na paakyat sa kwarto ko hindi ko iniinda ang sakit ng aking paa.
Dito ko sa kwarto nilabas ang lahat ng iyak ko. Parang di ako nauubusan ng luha. Hinampas hampas ko ang teddy bear na binigay niya sakin.
"Bakit ikaw pa! Bakit ikaw pa kasi!" Matapos kong hampasin ay niyakap ko ito ng mahigpit. At binanggit ang huling kataga bago ako makatulog sa iyak.
"Bakit ikaw pa ang minahal ng puso kong tanga"
Nagising ako kinaumagahan na namumugto ang aking mga mata. Naalala kong narinig pala lahat ni Hannah kagabe. Wala akong pakealam. Lumabas ako ng kwarto ko at sakto namang lumabas si Wade sa kanyang kwarto,nagtama ang aming paningin kaya umiwas ako,di ko siya kayang harapin. Bumaba ako ng hagdan at uminom lang ng freshmilk at bumalik na saking kwarto,nadaanan ko si Wade na nagpipindot sa remote.
*end of flashback
Simula nang araw na yon wala kaming pansinan,as if we dont we exist. Nasasaktan parin ako pero gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa wakas nailabas ko na. Patuloy parin sa pagkikita sina Wade at Hannah. Nag dedate sa labas, minsan gabi na ring umuuwi si Wade. Ngayon nandito lang ako sa kwarto ko nagbabasa ng libro.
Lumabas na naman si Wade, and Im sure she's with Hannah again. Hindi ako galit kay Hannah dahil nagmamahal din lang siya,and she's damn lucky,they love each other.
Sa paglipas ng mga linggo wala rin naman akong napapansing kakaiba,tulad ng may sumusunod sakin,wala. Kaya tahimik ang buhay ko ngayon. Pero pinaalalahanan ako ni Xander na mag iingat parin, pumupunta siya sito sa bahay minsan pero di siya pumapasok kaya sa labas ng gate lang kami nag uusap.
***continue??? Honestly,naluha ako habang sinusulat ang chapter na to. Huhu kawawa si Cass e. Parang ramdam ko yun sakit
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
Storie breviA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...