CASSIDY'S Pov
Lumabas ako ng kwarto ni Wade, hindi pwede! Hindi pwedeng ako yung isa sa nakalimutan niya. Umiiyak akong nakaupo dito sa labas. Iniwan ko sila dun sila ni Kuya sa loob, bakit ganun? Mas una niya akong nakilala keysa kila Kuya. Dumating sila Carl at Kyle,nadatnan nila ako dito,gulat ang ekspresyon nilang nakatingin sakin.
"what happened Xiana?" hinagod ni Kyle ang likod ko at pinapatahan ako.
"Si Xander?" tanong naman ni Carl,tumango ako sa pinto at pumasok doon si Carl,naiwan sakin si Kyle.
"shh,tahan na Xiana, everything will be okay." Pagpapatahan ni Kyle. Sana nga maging okay ang lahat Kyle, sana nga. Gabi na rin,pagod na ako,pero mas lalo akong pinanghina ng mga sinabi ni Wade. Di na niya ako kilala,di niya ako kilala. Ibang iba na siya. Nag iba rin ang kanyang ugali,base sa kilos niya kanina hindi na siya yung gentle na Wade.
Lumabas si Kuya sa pinto at pumasok naman si Kyle dito, malungkot ang mukha ni Kuya.Alam kong nasasaktan din siya sa pagtrato sa akin ni Wade. Pumunta kami sa office ng doctor ni Wade.
"Oh,you're here,have a sit." Ani doctor Sawen.
"doc.bakit po ganun? Parang nag iba po yung ugali ni Wade, at yung mas nauna niyang nakilala kaysa samin ay siya pa yung nakalimutan niya?" tanong ni Kuya, siya na ang nagsalita,di ko kasi kaya baka mas lumala lang ang pag iyak ko.
"Naapektuhan ang kanyang ugali o personality, kung siya yung sweet,good boy, gentleman noon, na alter ang kanyang ugali kumbaga hindi na siya yung dati, kabaliktaran ng kung sino siya noon. In his case, pwedeng ang makalimutan niya ay dalawa lang yan, either Important events and person or yung mga walang halaga sa kanya. Sa tingin ko,sa sitwasyon niyo mukhang nakalimutan niya ang importante sa buhay niya. Mababalik mo naman ang alaala niya kung gugustuhin niya itong maalala pa,at kung papayagan niya kayong tulungan niyo siya o papapasukin niya kayo sa isip at buhay niya ulit."
"pero babalik din naman ang memory niya doc diba?"
"gaya ng sinabi ko Miss Zyner?or Miss Manesa?"
"Zyner"sagot ni kuya.
"gaya ng sabi ko miss zyner,nasa pasyente yun kung gugustuhin niya,just keep pursuing him to remember everything. Tandaan mo, ang utak pwedeng makalimot pero ang puso ay hinding hindi makakalimot ito. Siya mauna na ako." Sabi ni doc.
'Tandaan mo, ang utak pwedeng makalimot pero ang puso ay hinding hindi makakalimot ito.'
'Tandaan mo, ang utak pwedeng makalimot pero ang puso ay hinding hindi makakalimot ito.'
'Tandaan mo, ang utak pwedeng makalimot pero ang puso ay hinding hindi makakalimot ito.'
Nagpaulit ulit sa isipan ko ang kanyang sinabi.
SANA NGA...
Bumalik kami sa kwarto ni Wade, nadatnan naming nag uusap silang tatlo. Npatingin sila saming pagpasok. Tumingin ako kay Wade na kunot noong nakatingin sakin bago tumingin kay Xander.
"sino siya?" maangas na tanong ni Wade. Ang sakit,ang sakit sakit. Yung taong pinakamamahal mo,di ka na kilala o maalala man lang, parang pinipiga ang puso ko sa inaakto ni Wade,pero kailangan kong magtiis para din naman sa kanya 'to.
"Xiana Zyner, my sister. And.... Your bestfriend and girlfriend, di mo ba natatandaan?" ani Kuya,lumapit kami sa kama niya, nanonood lamang sila Carl at Kyle na nakaupo sa sofa sa tabi ng kama.
"my what?!" gulat na tanong ni Wade. Tumango lang si Kuya.
"no. wala akong girlfriend at si Hannah ang bestfriend ko. And hindi siya ang gusto ko si Hannah. Ilang taon na akong may gusto dun e. Mas maganda pa dyan sa kapatid mo bro,mas sexy at mabait pa yun. Teka, hindi ba niya ako dinalaw dito? Alam ba niyang nandito ako? Kelan ba ako lalabas? At ano ba itong bracelet na 'to, nakakairita ayaw matanggal!"
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
Cerita PendekA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...