Chapter 8: Xiana...

2K 102 6
                                    


Cassidy's Pov

Madali akong nakatulog kagabi, siguro sa pagod, pagod sa pag iisip sa mga nangyari kahapon, sa mga nalaman ko kahapon.

*Flashback*

May tumakip sa ilong at bibig ko ng panyo. Hindi ako huminga para di ko maamoy ang pampatulog na nilagay sa panyo. Malakas kong siniko ang dibdib nito at hinawakan ang kamay na tumakip sakin saka inikot ito sa likod. Nakita ko ang mukha ng lalake, siya yung naka cap ng nike noon bagk ako pumunta ng 7/11. Tinadyakan ko ang likod ng kanyang tuhod dahilan para mapaluhod ito sa sahig. Pinayuko ko ito at nilagay ang tuhod ko sa kanyang likod,doon ko nilagay ang bigat ko para di ito makatayo.

"Arrghh!" Sigaw niya sa sakit.

"Anong kailangan mo?" Matigas na tanong ko.

"B-bitiwan mo ako!" Sigaw nito.

"Anong kailangan mo!" Sigaw ko pabalik.

Gamit ang isa niyang kamay na hindi ko hawak ay hinawakan at hinila niya ang paa ko dahilan para matumba ako at mapaupo sa sahig. Malakas siya,tinakip niya ulit ang panyo saking ilong pero di parin ako huminga para di makatulog nagpumiglas ako,pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Malapit na akong mawalan ng hininga nang makita kong napahiga ang lalaki,tumingin ako sa sumipa sa kanya. Siya yung nagsabing mag ingat ako,yung nakita ko sa 7/11. Inabot nya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo at tinanggap ko naman ito. Bumangon ang lalaking 'yon at sumugod samin.

"Just stay there." Ani ng lalaking tumulong sakin. Nakinig ako sa kanya at pinanood ko ang paglaban niya sa lalake,napatumba niya ito at napatulog dahil sa bugbog at tinakip pa niya ang panyo sa ilong ng lalake bago dinala ito sa isang dark blue na ferrari. Bumalik siya sakin at tumingin ito saking mga mata.

"Can you come with me?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot, di ko nga sya kilala tapos sasama ako? At panu kung kasabwat niya pala yun?

"Please?" He pleaded.

"I dont even know you."mataray na sagot ko.

"I'm Xander. Ngayon kilala mo na ako,pwede ka bang sumama sakin,may dapat kang malaman,so please."

"Panu kung,kasabwat mo yun? Panu kung may gagawin kang masama sakin?"

"What?! Sa tingin mo ba sasaktan ko yun kung kasabwat ko? And what the ef? Ano namang gagawin kong masama sayo e kapatid kita,baliw." Aniya.

"Did you just say Im your sister? No way. Wala akong kapatid. Ikaw ata baliw e."

"Kaya nga kailangan mong sumama diba? Kung gusto mo magmotor ka na sundan mo nalang ang kotse ko." Aniya sabay talikod at pasok sa kanyang kotse.

Sumakay naman ako sa motor ko. Ewan ko ba kung bakit ako na-convince ng lalaking 'yon. Maybe because of curiosity, mukha namang mabait e, and kapatid ko ba talaga sya?

Sinundan ko ang kanyang kotse at pumasok kami sa isang private village. Huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Bumukas ang gate at pumasok kami sa garahe. Umalis ako sa motor at tinanggal ang aking helmet kasabay ng pagbaba ni Xander. May tatlong lalaking naka suit attire ang lumapit sa kanya,binuksan ni Xander ang pinto ng kanyang backseat kung nasaan ang lalaking pinatulog niya,di pa ito nagigising. Sumenyas naman siya na sumunod ako sa loob ng bahay. Ang mga nadadaanan kong maid ay nanlaki ang mga mata nang makita ako.

'Seriously? Whats wrong with them?'

Dumiretso kami sa isang room na parang office. May dalawang lalake na siguro ay kaedad ni Xander ang nakaupo sa mga sofa ng office. Sinenyas ni Xander ang isang bakanteng single sofa para upuan ko at sinunod ko naman ito.

"Bro, no doubt sya nga." Ani ng isang lalake na naka black tshirt at maong black pants. Medyo messy ang black niyang buhok.

"Yeah, kamukha niya si Tita. Akala ko nga kanina nabuhay at bumata si Tita Dainty.haha" sabi naman ng isa pang lalaki.

"Xiana. I mean Cassidy meet Kyle and Carl" kyle daw yung unang nagsalita at Carl yung nagsabing kamukha ko yung Tita Dainty. Who is she?

"She's here?" Bungad ng matandang lalaki pagpasok ng pinto.

"Opo lo." Sagot ni Xander. Ngumiti naman ang matanda sakin nang makaupo siya sa kanyang whivel chair.

"Cant you recognize me Iha?" Tanong ng matanda.

"Ah, nope."

Sinimulan nilang ikwento lahat lahat ng pangyayari.kung paano ko naging magulang ang tinuring kong magulang,kung sino ba talaga ako at tungkol sa organisasyon at pagkamatay ng tunay kong magulang.

Now I understand kung bakit ganun ang trato sakin ng mga tinuring kong magulang. Pinakita rin nila ang family picture namin,bata pa ako dun sa pic.Kamukha ko nga talaga ang tunay kong ina.

Naintindihan ko lahat ng sinabi nila.pero di parin ako makapaniwala na ang tinuring kong magulang ay hindi pala sila ang totoo.

(A/n:hindi ko na po dinetalye ang mga impormasyon na sinabi nila kay Cassidy. Yung mga impormasyon na sinabi jila sa kanya ay ang mga informations na nabanggit sa Pov ni Xander sa Chapter 4and5.)

Napag alaman ko ring hindi ako si Cassidy... ako si Xiana.

*end of flashback*

**********

My Badgirl BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon