Cassidy's Pov
Lumipas ang isang linggo mula nung meeting namin sa conference room,naging busy kami sa nakaraang linggo. Busy sa pagpapalano sila Kuya,Carl at Kyle habang si Wade naman ang panay ang ensayo sa training room, ako? Nasa field nag shoshooting din at minsan ako ang sumisipot sa designer ng damit naming lahat para sa opening party, ako ang in-assign para gawin ito dahil ako daw amg babae.
Si Carl,Kyle,Kuya,Wade at Ako lang ang pupunta sa party inshort kami lang ang lalaban. May mga tauhan din naman kami pero for back up purposes lang dahil mahirap na baka may magtraudor o sagabal lang o di kaya ay mamatay.
Ang opening party ay isang masquerade. Natapos ko na ang paghahanda sa mga maskara at mga damit. Bukas na ang opening party ng isang company. Sa magbubukas na hotel ng kumpanya gaganapin ang masquerade party. Kaya ibig sabihin wala pang naka check in sa hotel,mga dadalo at servants lang ang dapat mailabas doon para hindi sila madamay.
Gabi na rin at nasa kama ko ang aking gagamitin para bukas pati rin ang mga damit ng mga boys.
"Xiana,kain na." Ani Kyle dinig ko ang mga yapak nila na pababa na sa hagdan kaya sumunod na ako,humabol ako sa kanila at inakbayan ako ni Carl habang nagtatawanan sila ni Kyle. Nadatnan na namin si Wade sa hapag kainan. Masamang nakatingin kay Carl.
"Woah,easy lang bro. Bunso na namin 'to okay? Kaya chill lang." Ani Carl at umupo na kami.
"Punta kayo mamaya sa kwarto nandun na ang mga damit at mask nating lahat." Sabi ko at napatingin naman silang apat sakin,kami lang din naman ang kumakain dito,nauna na daw si Lolo kanina.
"Okay." -kuya.
Pagkatapos naming kumain ay hinintay ko sula dito sa kwarto ko,in-on ko ang tv dito sa kwarto at nanood ng Percy Jackson. Maya't maya pa ay nagsidatingan na sila,nailagay ko na ang susuotin ko sa walk in closet ko. Nagtatawanan sina Kyle at Carl,nakapamulsa ding pumasok si Kuya at nahuli si Wade.
They act as if nothing's going to happen tomorrow night,as if it's going to be a normal night. But it's not. Natatakot ako na baka may mawala,may masaktan.
Nakalapag lang sa kama ang mga suit nila may pangalan naman ang mga yun.
"Pasok kayo sa bathroom para isukat kung gusto niyo."
"Isukat na lang namin mamaya sa kwarto namin." Sagot ni Xander.
"So,anong plano para bukas?" Tanong ko.
"Dapat mahanap natin ang mga miyembro ng Sylerin behind their mask,dapat wag tayong magpahalata,makikilala nila tayo kahit naka mask kapag nagpadalus dalos tayo. We have to be careful. Kyle will take charge sa mga weapons na ilalagay sa kotse. Yung mga handguns niyo,itago niyo kahit walang security doon matatakot padin ang mga bisita, Xiana,I know na wala kang paglalagyan sa baril,use your gunpocket ilagay mo sa iyong hita,para madali mong makuha,kung may hiwa sa gilid ng gown mo siguraduhin mong di makikita ang baril. Bahala kayo kung ilan ang dadalhin niyong baril basta komportable kayong gumalaw,but I suggest for us to bring two handguns para may reserba." Aniya at mas pinaliwanag pa ang plano.
"Wade,pwede bang ikaw ang bahalang magpalabas sa mga inosenta kapag nagkagulo na? Siguraduhin mong walang masasaktan."
"Yung walo sa basement,dun lang sila hanggang matapos ito saka natin sila ibigay sa FBI."
Nakinig lang kami sa mga paliwanag niya,pinakita niya rin ang blueprint ng hotel,tinuro kung saan kami papasok,lalabas pag emergency at pupwesto at mga exits. Pinakita din ang mga litrato ng mga Sylerin. Matapos ang ilang oras ay bumalik na rin sila sa kanilang kwarto pero nagpaiwan saglit si Wade.
BINABASA MO ANG
My Badgirl Bestfriend
ContoA lost princess who always gets into a fight. An organization that hunts her. A bestfriend turned into a lover. A mind that cannot remember. A girl was forgotten. A heart was shattered. I lost her. Is it too late? Hi. So this is my first story and...