--
Tahimik akong sumunod kay Miranda sa baba. In my mind is the question thats been hunting me even before. Why does she hates me?
Nasa dulo na ako ng hagdan at tinitignan ko sina Mama at Papa na kinakausap si Miranda. Another question popped out. Why cant she smile at me the way she do to our parents?
Napansin ako ni Mama kaya agad syang ngumiti. I smiled back at her, "Darling come." Aya nya sa akin, lumingon sa akin si Miranda kaya kitang-kita ko ang pag asim ng mukha nya. Inirapan nya rin ako. Hindi ko nalang sya pinansin at lumapit kay mama at humalik, ganoon din ang ginawa ko kay papa. Inakbayan ako ni papa at hinaplos ang pisngi ko.
"Mrs. Castroverde went shopping today, darling." Napalingon ako kay mama na ngiti ngiti, si Miranda naman ay tila inis."we had a small talk, nabanggit nya ang tungkol sa Christmas ball, I think you should go." Ngumiti lang ako kay mama. Marietta Castroverde is my mom's friend at directress ng Santa Elena Universty. Hindi na ako nagtataka kung minsan mas updated pa sya sa mga kaganapan sa unibersidad kesa sa akin.
"I'll think about it ma.."
"What is it there to think about hija? Im sure Racckelita will be there, and so is Rome, you know what, I insist." Bumuntong hininga ako. Kaya ayoko nalang sana talaga sabihin ang tungkol don pero naunahan naman ako ni Maam Marietta.
"Baby, your mom is right, you should attend that party, dapat ngayon palang ay sinasanay mo na ang sarili mo sa mga pagtitipong ganoon, kakailanganin mo iyon oras na hawakan mo na ang mga negosyo natin, you should socialize, 90%chance na makakilala ka ng clients or investors sa mga parties." Udyok naman ni papa. Ano pang masasabi ko?
"Hindi na po kayo nasanay sa anak ninyo pa. Hindi sya party type, I doubt if she could handle herself in such event properly, she couldn't even dress herself without looking like probinsyana." Para akong sinapal nang sabihin iyon ni Miranda. Yumuko nalang ako.
"Why Miranda, whats wrong with her dress?" Napakapit ako sa braso ni papa. "I do not appreciate you talking to my daughter like that in front of me!!" Bigla namang natameme si Miranda.
Tiningnan ni mama si Miranda. Yumuko sya bahagya. "Im just trying to crack a joke, Im sorry po."
"Then next time, make sure that its funny." Binalingan ako ni papa." Lets go upstairs Babygirl, tulungan mo akong tanggalin ang sapatos ko." Tumango naman ako. We went upstairs, nagpaiwan si mama sandali. Pero hindi tumagal ay sumunod din sya sa kwarto nila ni papa.
Hinalikan ako ni mama sa noo. "Your ate is just joking okay?" Tumango ako at ngumiti ng tipid. Pero sinong niloko ko?
Kahit sina mama at papa ay batid ang cold war namin ni Miranda, they tried to make us get along, minsan ay nagma-mother and daughter bonding kami, pinagsa-shopping din nila kami ng sabay pero walang nangyari, minsan dinalaw namin si Miranda sa maynila college pa sya noon at kumukuha ng Political Science sa kilalang university, bata pa din ako. Pinilit kami ni mama na magshopping sa mall, sumunod naman kami kahit alam kong napipilitan lang si Miranda, I was so happy back then kasi lalabas kami together, pero habang nasa mall ay napansin kong wala na pala akong kasama. Kanda ligaw ligaw pa ako sa Mall of Asia, I was so scared back then what is a 13year old country girl could feel? Hindi ako sanay sa syudad. Umiiyak ako ng mga oras na iyon,magsasara nalang yung mall di pa ako nakalabas, buti nalang tinulungan ako ng may ari ng isang shoe brand na pumunta sa presinto kaya nakontak nila ang parents ko, wala pa akong cellphone noon,
Nasampal ni papa si Miranda noon, madaling araw na kasi nila ako nahanap, nagalit pa si Miranda sa akin dahil kung saan-saan daw ako nagsusuot kaya ako nawala. Simula noon narealized kong ayaw nya talaga sa akin, kaya hindi ko na din pinilit. Pati sina mama at papa, never na nilang pinilit na tawagin kong ate si Miranda, nagkasya nalang ako sa pagiging magkapatid namin, we are cold to each other,lalo na sya. Buong buhay namin ay may nakaharang na pader sa pagitan naming dalawa. Pader na itinayo nya ba sinubukan kong tibagin pero di maalis, kaya di ko nalang pinilit. Nagkakasakitan lang kami.
YOU ARE READING
RUTHLESSLY YOURS:de Lucca Brothers(COMPLETED)
Random--de Lucca Brothers-- #2 Alexandrace de Lucca