Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan ni Midnight na naka dungaw sa labas ng hospital. Kanina ay tinawagan nya ako at hiniling na bumalik agad sa Salvacion. She told me about what happened to her sister. And I feel bad. Nakaramdam din ako ng takot nang maringgan ko ang boses ni Midnight sa phone. She sounded so sad. Ayoko ng ganoon. Ayoko syang malungkot. Nasasaktan ako para sa kanya.
Nasa cafeteria sya ng hospital habang hininhintay ako. Kanina ay halos iwan ko na ang meeting dahil sa sobrang pag aalala sa kanya. I know she's not that close to her sister. But knowing her, alam kong nag aalala pa rin sya sa kapatid. The thought made me love her even more.
I sat in the chair infront of her and held her hands which is placed in the table. Bumaling sya sa akin at ngumiti. Biglang tila nilukob ng kaba ang buo kong pagkatao. Theres something in her smile that bothers me.
I shrug the thought.
"Hey.."
Usal ko. She looked at me intently.
"Hey.."
"You okay?" Tanong ko.
Tumango sya ng marahan at hinaplos ang pisngi ko ng kanang kamay.
"Im fine."
"You look.." I paused and look at her."You look tired. Have you slept? Kumain kana ba?"
Tanong ko ng sunod-sunod. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nya.
Lalo akong nag-alala sa kalagayan nya.
"Im fine. Nakita na kita eh."
She smiled. Muling tila kinabahan ako. Pero bakit naman? Ngumiti nalang din ako sa kanya.
"I missed you."
Hinaplos ko din ang pisngi nya.
"And I missed you too."
I took her both hands and brought it in my lips.
"Everythings gonna be okay, my dear."
"She's sick."
I saw pain in her eyes as she looks at me.
"Im sorry."
Umiling sya ng mariin.
"Don't be. It isn't your fault. Walang dapat sisihin sa nangyayari. Kapalaran ang may gawa nito."
Binawi nya ang mga kamay at umayos ng upo.
"I never thought, this would happen to her."
"She loves you."
Napako sa kanya ang mga mata ko. Walang mababanaag na bitterness sa titig at boses nya.
"I..." I search for something to say. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I knew it back then how Miranda feel for me. Ngunit hindi ko inaasahang hahantong sa mraming pangyayari ang damdamin nya. To the point of killing herself. "Im.."
Ginagap niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hinuli nya ang titig ko.
"Hindi mo kailangang magsorry sa akin. Hindi kailan man."
She squeezed my hand.
"Drace. Can you do me a favor?"
"Anything."
"Talk to her. For once. Please talk to her."
She beg. Tila kinurot ang puso ko dahil sa paghihirap na nararamdaman kong nagmumula sa mga mata at tinig nya. This is the look in her face that I never wanted to see.
YOU ARE READING
RUTHLESSLY YOURS:de Lucca Brothers(COMPLETED)
Random--de Lucca Brothers-- #2 Alexandrace de Lucca