Disesiete

28.8K 841 13
                                    


"You mean, he kissed you again? In the middle of your meeting with Gianfranco? Wow hah, ano bang meron sa ladies' rooms?" Komento ni Rome habang kumakain ng mansanas. Andito kami ngayon sa flower shop ni Raccky, kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa amin ni Drace noong isang araw. Si Rome lang ang panay comment samantalang tahimik lang si Raccky. Na tunay namang kataka-taka.

"Pa-MOMOL na yung ginawa namin. Shit naman kasing katawan, traydor!!" I hissed. Halos sabunutan ko uli ang buhok ko.

Inis na inis talaga ako. I cried that same night. Umiyak ako dahil narealized kong kahit anong iwas at anong pigil ko sa sarili ko, magdikit lang kami o kahit maamoy ko lang sya, bibigay na naman ako. Marupok ako pagdating sa kanya, yun ang kinagagalit ko. "I should not feel this again, I mean, dapat itong puso ko nadala na sa ginawa nya dati. Pero letche lang talaga!! Hindi eh."

Tumulo na naman yung luha ko. Hinimas-himas ko ang dibdib ko para kahit papaano ay mabawasan yung puot, sakit at kung anu-ano pang pesteng damdaming meron dito.

"Tama na, wag ka nang umiyak. Naiiyak din ako, masama pa naman daw sa akin ang ma-stress sabi nong OBgyne ko. Ohh I hate my hormones, sobrang emotional ako lately and ohh horny too." Sabi ni Rome habang hinaplos-haplos ang buhok ko. Pinahid ko naman ang luha ko.

"Kaya nga eh, I should not cry over him, pero yung puso ko....shit!! Hindi ko maintindihan."

"Minsan ganoon talaga, tulak ng bibig kabig ng dibdib. Minsan kahit alam natin yung tama, ginagawa parin natin yung hindi dapat, kasi doon tayo sumasaya. Ironic eh!" Napalingon kami ni Rome sa direksyon ni Raccky. She was playing a lilac flower in her hands, nakapangalumbaba sya at tila malungkot.

Kunot na kunot ang noo namin ni Rome, ano bang problema ng isang ito? Inaagaw nya ang moment ko para magsenti.

"Hoyy hindi bagay sayo mag emote." Asar ni Rome. She gave us weak smile. Naalarma ako. Something is wrong with Raccky.

"Problema mo?" Tanong ko.


"He's back." Kunot noong nagkatinginan kami ni Rome? Sinong bumalik?

"Who?"


"Kennito." Halos ibulong nya nalang ang salitang iyon.

"Kennito? Yung ex driver mo slash hot body guard slash rapist?---oh well it wasn't real so erase tha R word." I said.


"Yeah, at pinaghihigantihan nya ako." Marahang tinanggal nya ang mga talulot ng hawak na bulaklak.


"What? Dahil sa ginawa mo sa kanya? I mean, ang childish noon." Rome said

"Childish? I accused him, for attempted rape for God's sake!! It wasn't childish!!" She exclaimed at us

"I mean the revenge thingy!!"

"How can you say he's up to revenge?"

Huminga ng malalim si Raccky. "Nalugi ang negosyo namin dahil sa kanya, he bought it, my father has to undergo medications for his heart condition, kaya kinailangan naming isangla ang villa, next week ang alis nila Daddy at Mommy sa States, doon muna sila kay ate. And guess what? Sa kanya nakasanla ang Villa, and he is pressuring me. Kailangan ko daw mabayaran lahat ng utang ng pamilya ko kung ayaw kong tuluyan nyang angkinin ang villa."

Malungkot nyang saad. I felt bad for her. Matagal nang lumulubog sa pagkakautang ang pamilya nya dahil sa sakit ng ama. I reach for her. Niyakap ko sya ng mahigpit, kung masama ang loob ko dahil sa nangyari sa amin ni Drace, mas masama ang loob ko ngayon para sa matalik kong kaibigan.


RUTHLESSLY YOURS:de Lucca Brothers(COMPLETED)Where stories live. Discover now