Nuebe

32.9K 854 13
                                    

Tahimik akong kumakain sa mesa kasama sina mama,papa at Miranda. Ang tanging maririnig lang ay ang ingay likha ng kubiyertos at pinggan. I am chewing my food thoroughly. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko si Miranda. Nahuhuli ko syang sinusulyapan ako ng patago. Isinawalang bahala ko nalang iyon.

"So you're starting today at the resort hija?" Napalingon ako kay papa. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot

"Yes Pa."

"What's your plan?"

"Hmm. Magpapatawag ako ng meeting sa mga employees, I want to personally introduce myself as the general manager, of course with your help papa. Gusto ko ring ikutin ang buong Midnight's beach resort ngayon, bukas naman ang Inns natin sa town propper, I want to check on the facilities and equipment. Para makagawa agad ako ng recommendation before next week." Mahabang paliwanag ko. I look at Miranda. Nakanganga na tumingin sya sa akin.

"Sounds interesting, pero para saan ang pagche-check anak? I personally check on all falicities monthly."

"I know Papa. Gusto ko lang pong malaman kong ang mga pasilidad ba sa resort o di kaya sa Inns ay nakakasabay sa technology, trust me Papa, I've been through marketing for almost 3 years, and I can say that as a dynamic growth of technology ay dapat sumabay din tayo. For example wifi, meron ba ang resort noon?" Umiling si papa. Nagpatuloy ako. "Nowadays hindi na makakatulog ng matiwasay ang mga tao--especially the young ones nang hindi nakakapagpost sa fb,twitter,instagram at kung anu-ano pang social networking sites, dapat meron tayo nun, lalo na ang resort, naturingang tourist spot sa Valencia. That and a lot more papa. Gusto kong e check ang kahit kaliit-liitang impormasyon tungkol sa business natin. Nabasa ko na rin ang financial report kagabi, gusto kong e konsulta iyon sa isang accountant. I want everything pollish, I hope you dont mind pa." I look at my father using my formal look. Na para bang nasa isang executive meeting kami.

"I do not, my darling. Kung ano man ang sa tingin mong makakatulong sa pag-asenso ng negosyo gawin mo." He smiled at me, theres a hint of pride in his eyes.

"Thanks for your trust Papa, I need that. Really." Uminom ako ng tubig bago nagpatuloy."Lalo na ngayon na pinag-aaralan kong i upgrade into hotels ang inn business natin. Hindi tayo gaanong mahihirapan lalo na at lumalago ang pamumuhunan sa Salvacion, mas maganda iyong nakaugat na tayo bago pa man makapagtanim ang iba." Muli akong sumubo.

"I like that idea hija. Lets get into that."

"Asap papa. I'll just make some arrangements, kakalap din tayo ng mas maraming investors, pag-aaralan ko nalang kung paano ko gagawan ng proposal ang project, but we'll get there eventually." Ngiti-ngiting tumangi si Papa.

"London made you into a real brain hija." Mama commented.

"Im already a brain even before I left for London mama." I joke

"I strongly agree. And Im so proud of what you become now hija." Papa said.

"Excuse me. Mauna na po ako ma, pa." Napatingin kami kay Miranda na tumayo. I just shrug. Im used to this set-up. And it dont really bother me.

---

Mataman akong nakatitig sa dagat, Im enjoying the beautiful sunset. Isa ito saga dinarayo sa resort namin. In Midnight's, you get a glimpse of the undeniable beauty of nature.

Relaxing. Tamang-tama, dahil buong maghapon akong naglibot para iecheck ang kalagayan ng resort, nagsimula ako sa pinakaimoortante tulad ng lodging service, kitchen, function halls. Hanggang sa ventelation at stock room. Tulad ng sapanta koy narami nga akong dapat baguhin o idagdag.

RUTHLESSLY YOURS:de Lucca Brothers(COMPLETED)Where stories live. Discover now