Tahimik na nakaupo ako sa aking kama. Nilalaro ko sa aking kamay ang singsing na suot ko. In my mind is the face of Miranda. Muling nilukob ng kaibang takot ang aking dibdib mula kaninang dumating sya. I could say na walang alam ang mga magulang ni Drace sa history nila ni Miranda, they're very blind like my Father. But not his brothers and sister. I could still imagine in my mind Dara's face. Na para bang tulad ko'y kinakabahan sya. O ano man.
Kanina ay simpleng hi lang ang ginawa nya sa mga magulang ko. She looks furious behind her fake smile. I know Miranda better. Hindi lahat ng ipinapakita nya ay totoo.
Napaangat ako ng mukha ng bumukas ang pinto. Napasinghap ako nang makita si Drace.
Lahat ng alalahanin tungkol kay Miranda ay lumipad lahat.
"Drace! Anong ginagawa mo dito? Makita ka ni Papa! Nandito din si Miranda!" Napatayo ako bigla at hinatak sya papasok.
"First. I dont care about Miranda! Second, nasa kwarto na nila ang parents mo. At isa pa, ipinagpaalam na kita sa Mama."
"Wow! Nakikimama kana!"
"Doon din punta noon ano kaba?"
Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa aking mga labi.
"Ano ka ba!"
"Hmmp pakipot ito."
"Bakit andito kapa?"
"May papakita kasi ako sayo."
"Dis oras ng gabi? Sinasabi ko sayo Drace ahh. Ano na namang iniisip mo!"
"Iniisip ko talaga yun pero diko muna gagawin. Seryoso talagang may ipapakita ako sayo."
"Totoo nga?"
"Promise. Lets go."
Bigla akong hinila ni Drace palabas ng bahay at sinakay sa kotse nya.
Nasa kotse na kami ng nagsalita sya uli.
"I've been wanting to show you something."
Ngumuso ako.
"Ang ano?"
"Basta, surprise nga."
"Siguraduhin mong masusurprise ako ha?!"
Ngumiti lang sya sa akin. Maya-maya pa ay tumigil sa pag takbo ang kotse. He parked his car in front that high gate. I look at him.
"Anong ginagawa natin dito? This is a private place."
"Baba na tayo?"
Hindi na ako sinagot ni Drace. He went out of the car at pinagbuksan ako ng pinto.
Napatingala ako sa pader na bahagyang natatabunan ng mga puno.
Inilahad nya sa akin ang kamay nya. I look at him. Nagtatanong. But he just gave me a smile.
"Lets go, my dear. Ipapakita ko sayo ang palasyong itinayo ko. Palasyong pangarap mo."
My heart leap by what he said. Para akong kinakapos ng hininga.
I took his hand at magkatabing hinarap ang mataas ng gate.
May pinindot si Drace sa kabilang palad upang biglang bumukas ang gate. Napanganga ako nang makita ko ang pathway na may mumunting ilaw sa gilid patungo sa isang malaking bahay. Mansyon. O palasyo.
Napasinghap ako. I look at him only to find out he is also staring at me.
"Oh Drace!!"
"Wait until you get inside, my dear." Sabi nya at giniya ako papasok ng bakuran. Nakita ko ang isang mamahaling kotse sa magarang garahe ng bahay. Nilinga ko ang paligid ng bakuran only to see all the lights everywhere. Sa mga well--trimmed trees, sa mga flower boxes at maging sa mismong lawn.
YOU ARE READING
RUTHLESSLY YOURS:de Lucca Brothers(COMPLETED)
Random--de Lucca Brothers-- #2 Alexandrace de Lucca