Chapter 2

17 1 1
                                    

Room 1-A .

Ito na ata room ko. Bakit ang ingay sa loob? huhu

"Ohh! Guys Look who's here! Haha!"

Napalingon ako bigla sa likod ko. Sila na naman? Naku paano na to. Aalis na sana ako ng harangan naman ako nung Trisha.

"Where do you think you're going?" Nakangisi niyang sabi.

"Ahm, bibili lang po sa Canteen."naka yuko kong sabi.

"Sis hayaan mo na! Tingnan mo oh. Room 1-A, eh di siya nababagay sa section na to noh!" Sabi nung curly hair.

"HAHA! Baka naman nakikisilip lang? Ganyan talaga ang mga whore eh. HAHA!" Nagtawanan naman silang tatlo.

"Ang ingay talaga ng mga babae. Ts!" Napatigil naman sila sa pagtawa kaya tiningnan ko na rin yung nagsalita.

"Oh! Ikaw na naman! Stalker ba kita? Hanggang dito ba naman susundan mo pa rin ako?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Sa akin kasi siya nakatingin so it means ako yung ibig sabihin niya.

"Oh My Gosh! Ethan ikaw ba yan?" sabi nung Trisha na agad lumapit dun sa lalaking yun.

Kaya i grab the chance to escape. Tumakbo agad ako papuntang Cafeteria. Dito na nga lang muna ako.

"Hay naku! Kailan ba nag umpisang tumanggap ang skwelahang ito ng mga basura!" Sabay tingin ng isang grupo sa akin ng nakangisi.

Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Yumuko nalang ako dahil ayoko ng away. Lalabas nalang sana ako ng canteen ng may maramdaman akong tubig na tumutulo mula sa ulo ko.

"Welcome to Billory High" Naka smirk niyang sabi at saka ako tinapunan ng isang plato ng spaghetti ng kasama niya.

May bumato naman sa akin ng mga itlog. Tumama naman ito sa ulo ko. Napaiyak na lang ako.

Yumuko nalang ako para matago ko yung mukha ko para di matamaan ng mga itlog.

"HAHAHAHA! Ang sarap diba?"

"T-tama na po" pagmamakaawa ko sa kanila. Ganito ba mga tao dito? *sobs* sana nalang pala di ako dito nag-aral.

Napaluhod nalang ako dahil sa isang malakas na sampal. Hinawakan ko agad yung pisngi ko na sinampal niya. Ang sakit. tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Di ko na mapigilan.

Di ako makatingin sa kanila dahil ang dami nilang naka palibot sa akin. Natatakot ako. K-kuya asan ka ba? *sobs* kailangan ko ng tulong mo. Yumuko naman yung babae para makaharap ako.

"Isa ka nang ganap na Billory student. From now on, you'll gonna call me queen! Understand?!"

"O-opo! Opo!" takot na takot kong sagot. Sabay punas sa luha kong patuloy parin sa pagtulo.

"Good!" Saka sila nagtawanan at iniwan ako dun na umiiyak.

Tumakbo agad ako papuntang CR at inilock agad ang pinto. Napaiyak nalang ulit ako ng makita ko ang hitsura ko sa salamin.

Ang dumi dumi ng damit ko dahil sa mga pagkain na tinapon nila sa akin. Ang kaninang maayos na buhok ko ay ang gulo na. May mga tumutulo pa ngang kulay yellow sa buhok ko. Ang lagkit lagkit ko. Ang pula pula na ng pisngi ko.

Pinunasan ko yung luha ko. Ganun na ba ako kamalas?

Akala ko sa pagpasok ko sa paaralang ito ay magbabago na buhay ko. Wala ng mambubully sa akin at makakakita na rin ako ng mga bagong kaibigan. Pero nagkamali ako.

AN: Abangan ang Next chapter next month! ^_^ Haha joke lang! Sana nagustuhan niyo po. Enjoy reading! ^_^

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon