Chapter 12

10 0 1
                                    

Shanica POV

"Okay, What is the only 15- letter word that can be spelled without repeating a letter?" tanong ng English teacher namin.

"Uncopyrightable"

Sagot ni Trisha ng nakaupo lang habang nakatingin kay Andrea ng nakangiti. Tinaasan naman siya ng kilay ni Andrea. Haha! Ang tapang talaga ng babaeng to.

"Correct! Another question, What is the words that contain all the vowels in the correct Order?"

"Abstemious/Facetious/Arsenious"

Napalipat lipat naman kami ng tingin sa tatlo dahil nagkasabay silang sumagot. Nakita ko pang tinitigan ni Ethan si Andrea.

"Woa! haha! You're all correct! Those 3 words contain all the vowels in the correct order! Very good Miss Smith, Miss Muller and Mr Scott."

"Kung ang pangalawang tanong ay about the words that containing all the vowel then what is the longest English word without a Vowel?"

"Rhythms"

Diritsong sagot naman ni Andrea saka nginitian si Trisha ng pang-aasar. Nang lumingon naman si Ethan sa kanya ay Tinaasan lang niya ito ng kilay. Kami tuloy dito ay tahimik lang habang nakikinig sa kanila na sumasagot.

"Check! What is the shortest complete sentence in the English language?"

"I am" Andrea

"What do you mean by this *Hit the nail on the head* ?"

"State the truth exactly" Andrea

"Then what do you mean by *pull someone's leg* ?"

"Play a joke on" Andrea

Napanganga naman kami ng sunod sunod na sagutin ni Andrea ang mga tanong. Ang bilis niyang sumagot kaya di na makasingit ang dalawa. Ang galing na talaga niya.

"The last question is What is an actual unit of time equivalent to 1/100th of a second?"

"Jiffy"

Sagot ni Andrea at naghikab. Nginitian niya naman si Trisha ng pang-aasar. Galit na galit naman ito at nag walk out. Napapangiti nalang ako ng lihim.

"You're good huh. May makakatapat na pala kayo ni Miss Muller, Ethan." sabi ng guro namin.

"Dapat na ba kaming kabahan?"

Pang-aasar na tanong ni Ethan na nakapagpataas ng kilay ng bestfriend ko.

"Dapat lang. Baka kasi pag gising mo bukas, nakuha ko na pala trono mo as the Top 1 of this school." Sabay smirk niya at lumabas na rin dahil nagbell na. Recess time na pala kaya tumakbo na ako palabas para sundan si Andrea.

Andrea POV

Agad na akong dumiritso sa cafeteria kasama si Shanica. Umupo naman ako agad sa bakanteng table at umorder na rin si Shanica ng pagkain namin.

Bakit sila tumitingin? May tagos ba ako? Tumayo na ako at agad tinignan ang may bandang pwet ko. Wala naman ah. Ano kayang meron?

"Faye bakit sila nagbulungan? At nakatingin pa sila sa atin huh. May ginawa ka ba habang umorder ako ng pagkain?" Takang tanong niya.

"Wala naman akong ginawa."

Nilibot ko naman ng tingin ang buong cafeteria at tama nga si Shanica.Nagbubulong bulongan ang lahat ng andito habang naka tingin sa amin. Eh, Ano ngayon?

Nagsimula na akong kumain ng biglang tumahimik ang paligid namin. May mga yabag naman akong naririnig papunta sa pwesto namin.

"Alis!"

Sabi ng isang lalaki sa likod namin. Di ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagkain. Gutom na ako kaya wag kang istorbo!

"Hi Girls! Alam niyo ang ganda niyo. Pero kailangan niyo ng umalis sa table na to."

Nakangising sabi ng isa na namang lalaki tsaka umupo katabi ni shanica. Sa natatandaan ko, Jonathan ang pangalan niya. Ang womanizer ng Blaur. Yan yung nabasa ko sa isang envelope na laman lahat ng information ng Blaur.

"Excuse me? At bakit naman kami aalis?"

Tanong ni Shanica. Mananahimik nalang ako. Kapagod ang magsalita.

"Dahil pwesto namin to. Okay na ba?"

Sabi naman ni Jax ata to.

"Kami ang nauna dito kaya sa kabilang mesa nalang kayo puwesto." sabi ko ng di sila tinitignan.

Nabigla nalang ako ng may biglang humampas ng mesa namin. Parang nagulat rin ang lahat. Nilingon ko naman siya at walang emosyon niya naman akong tinitigan.

"Pagmamay-ari namin to. Diba matalino ka? Bakit di mo maintindihan?"

Pang-aasar na sabi ni Ethan sa akin habang nakatitig sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin.

"Talaga? Sa pagkakaalam ko eh pagmamay-ari to ng paaralan ang buong school eh."

Kinuha niya naman ang plato ko at-- Bakit may Blaur na nakaukit sa table nato?

"Kita mo na? Kaya lumipat na kayo sa ibang mesa .. Miss Smith?"

Inaasar mo ko huh.

"Paano kung ayaw ko?"

Panghahamon ko sa kanya Saka ko siya tinitigan sa mga mata niya. After ng ilang minuto ng titigan ay siya na mismo ang bumawi ng tingin saka naglakad na palabas.

Wala namang nagawa ang mga kagrupo niya at sumunod na rin sa leader nila palabas ng cafeteria.

"Bye Hon"

Nakangisibg sabi ni Jonathan kay shanica saka tumakbo ito. Ang dali mo namang mapikon Ethan. Napapangiti nalang ako ng biglang magsalita si Shanica kaya napatingin ako sa kanya.

"Bwiset!!"

"Oh ano nangyari sayo?" takang tanong ko.

"Isama mo nga sa target mo yung babaero na yun! Bwesit! Halikan ba naman ako sa pisngi! Kainiiiiiiiss!!!"

"Hahaha! Uy namumula"
Maasar nga! Haha

"H-ha? Anong namumula ka diyan? Hindi ah! "

"Ang defensive" napatawa nalang ako sa itsura niya XD "

"Oh my God! First time!" tili ng isang babae sa kabilang table.

"Ou nga, grabe! Kapal ng mukha para kalabanin ang Blaur! " Bitch

Napataas naman kilay ko dun.

"Bagay na bagay sila ni baby Ethan. OMG!"

"Ou nga! Ang ganda niya. Kainggit.."

"Naaawa ako sa kanila. First time of history na may gumawa ng ganun sa Blaur. Take note, babae pa siya!"

"Kakabago pa nga lang dito wala na agad respeto sa Blaur! Akala mo naman kung sino!"

"Kainis rin nga yang kasama niya eh. Ang landi !! Nahalikan pa talaga siya ni Jonathan ko."

"Hoy hinaan niyo nga tinig niyo! Naririnig nila tayo"

Ganyan lang naman ang mga naririnig namin dito. Sari saring komento. Grabe makapag bulungan. Maka alis na nga lang dito!

Bakit nga ba wala ang Pinchixs dito? Kainis! Di tuloy nila nakita ang palabas kanina. >;) 3years akong nawala dito.

My silence is not a weakness but the beginning of my Revenge.

Sapat na yun para ako naman magpapahirap sa kanila.

___
Pasensya kung ngayon lang nakapag'UD. Huhu Ang daming Homework namin. Di lang po pagsusulat ng story ang inaatupag ko kaya sana maintindihan niyo kung matatagalan pa bago ako makapag UD ulit. Nag aaral rin po kasi ako at the same time. Ge' Enjoy reading! ^_^ Mwuapx!

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon