Chapter 5

6 1 0
                                    

Tulala lang akong naglalakad pabalik sa room. Napatigil naman ako sa may bandang Comfort Room dito.

May naririnig kasi akong nag uusap. Familiar kasi mga boses nila kaya sumulip ako sa nakaawang pinto. B-bakit?

Biglang tumulo luha ko. Pinunasan ko agad ito pero di ko napigilan. Napahagulhul nalang ako dahilan para lumingon silang pareho sa akin.

I saw Ethan kissing Trisha torridly. Mas napaiyak pa ako sa sinabi niya.

Tumakbo na ako habang tumutulo luha ko. Di ko na kaya. Bakit ganito? Nadapa nalang ako dito sa may bandang ground ng campus. Ang labo na ng mata ko dahil sa mga luha ko.

"Faye"

Napatigil ako bigla. Liningon ko siya. Sumunod pala sila sa akin. Nandyan na din sina Mika at Ayesha na parang natutuwa pa sa mga nangyayari.

"E-ethan mahal mo naman ako d-diba?"

Di siya sumagot. Tumayo na ako at hinawakan siya sa kamay. Pero binawi lang niya agad. seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"E-etha--"

"Let's break-up"

Sa pagbigkas niya ng salitang yun ay parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko kasabay ng paghina ng tibok ng puso ko.

Nagkakamali lang ako nang rinig d-diba. Umagos ng sunod sunod ang luha ko.

"E-Ethan, pinapatawad na kita sa n-nakita ko kanina. W-wag mo namang gawin to sa akin p-please" Napaluhod nalang ako ulit.

"Nagm-mamakaawa ako E-Ethan. Di ko k-kaya"

Ayoko! Di ko kakayanin buhay ko kapag wala siya.

"Tumigil kana. Di kita minahal simula pa nung una. Si Trisha ang mahal ko."

Seryoso lang siya nung sinabi yun.

Napailing iling lang ako sa sinabi niya habang naguunahang tumulo ang mga luha ko.

"E-Ethan please.. this is just a prank d-diba?"

"Wag mo kong iwan Ethan. *Huk* please.."

Naka smirk lang si Trisha na tumitingin sa akin. akala ko ba kaibigan ko sila.

"Let's go guys! Iwan niyo na dyan ang basura" kasabay ng paghalakhak nila ay umalis na din sila.

"N-no no! Ethaaan! Wag mo kong iwan. Mahal na mahal kita" napahagulhul na naman ako.

Ang sakit pala sa pakiramdam na makita mo ang mahal mong naglalakad palayo saiyo. Ang sakit ng maiwan.

May bigla namang yumakap sa akin.

"Shhhh! Maawa ka sa sarili mo Andrea. Tama na" nahihirapang sabi niya

"K-kuya, Di ko kaya! H-hindi ko kaya" napahagulhul nalang ulit ako habang nakayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Dahan-dahan naman niya akong tinayo habang pinupunasan ang mga luha ko. Nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil sa nangyari.

Mahal na mahal ko siya. Kahit tanga ang mahalin siya ay handa akong magpakatanga. Tumulo na naman mga luha ko.

"Uuwi na tayo" tumango nalang ako. Ang labo labo pa rin ng mata ko.

Pagkapark ni kuya ng kotse niya ay agad akong lumabas saka tumakbo papasok ng kwarto ko. ang gusto ko lang ngayon ay ang umiyak ng umiyak.

Tinignan ko yung cellphone ko pero walang ring text galing sa kanya.

"Aaaahh!" Booogsh!

Walang kwentang cellphone. Akala ko ba mahal niya ako.

Naaalala ko pa ang sinabi niyang nndiyan lang siya palagi sa tabi ko. Pero anong ginawa niya.. Nag uunahan na namang tumulo ang mga luha ko.


___
Time Check: 2:37am Huhu! :(
Nagising kasi ako kanina, di naman ako makatulog ulit kaya ginawa ko na ang chapter nato.

Enjoy reading! ^_^ Don't forget to vote and comment. Be a fan also. :)

#MalenditaFe

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon