Chapter 17

1 0 0
                                    

Matapos ng biglaang pagsulpot ni Ethan sa likod ko ay nagpasya akong pumunta nalang muna sa library kasama ni Shanica.

"Nagkaka mabutihan naba kayo ulit ni Ethan faye?" Biglaang tanong ni Shan ng nakangisi.

"Ha? Ano sa tingin mo? Di pa kami tapos."

Yun bang kahit anong gawin ko ay di ko parin maalis alis sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Ethan kanina. Nakakatanga na ha?!

Habang namimili ako ng libro ay may tumabi sa akin.

"Hi"

Nilingon ko lang siya saka nginitian.

"You're Andrea, right?" Tanong ng isang matangkad na lalaki sa tabi ko. Ang gwapo niya infairness.

"Yes, why?"

"Im luke by the way" Nakangiti niyang pagpapakilala.

Nginitian ko lang siya ulit saka umupo na ng makahanap na ako ng libro. Sumunod naman ito sa akin at may iniabot na white envelope.

"Ano to?" takang tanong ko.

"From blaur" sagot niya saka umalis. Si luke ay isang member ng blaur. Ano naman ba plano nila?

Binuksan ko to at binasa ang isang sulat na laman nito.

Habang binabasa laman nito ay di ako mapakali.

Yun bang ang sakit na naramdaman ko nuon ay parang bumabalik ngayon.

A-Ano bang ibig sabihin nito?

B-Bakit ganun?

"Andrea? You're crying! Are you okay?"

Napatingin ako bigla kay shanica saka pinahid ang luha.

"Let's go home" yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Parang ayokong magsalita. Nalilito na ako. Ano ba talaga ang totoo?!

*****
"Tulala ka? Thinking some thing?" Napalingon ako bigla sa nagsalita.

Tinitigan ko lang siya. At uminom ulit.

After what happened kanina sa library ay dumiritso na agad ako dito sa bar. Pinauna ko na ng uwi si Shanica, ayokong madamay pa siya sa katangahan ko. Gusto ko lang maglasing and unexpectedly, andito rin pala ang taong dahilan ng paglalasing ko.

Naalala ko na naman kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya nuon.

Nakatitig lang ako sa kabuohan ng mukha niya.

At Ito na naman. To tell you honestly, I am not still.. Fucking totally move on!

"Di mo ba talaga ako minahal kahit konti nuon?" Di ko napigilang mapabulalas.

I tried, tried, tried and tried but I failed. It just made me wasted!

I want to hear his answer. I want it so fucking badly!

I know im drunk right now but still I know what im doing.

Nilingon ko na siya. Di man lang niya masagot?

Kumuha ulit ako ng isang basong beer at tinungga ito.

"Alam ko naman talaga ang sagot. Ang tanga ko lang dahil nagtanong pa ako"

I looked at him pero sana hindi na lang.

Nasasaktan akong makita sa mga mata niya na walang emosyon na para bang baliwala lang ako sa kanya.

"I'm sorry" saad niya. Biglang tumulo ang luha ko. After all those years? sorry lang ang sasabihin niya?

"Ang sama sama mo. ANG SAMA SAMA MO!" Napasigaw nalang ako sa sakit.

Yun bang parang nuon mo palang yun tinatago at ngayon mo pa lang nailabas ang galit mo.

Akala ko kaya ko na. Pero ano to?! Nagpapakatanga na naman ba ako ulit sa maling tao?

Di ko napigilan mga luha ko at nagsibagsakan ito.

Nakatingin lang sa amin ang mga bartender na di alam ang gagawin.

Nagsisimula na muling kumanta ang isang grupo ng banda sa stage kaya nagsimula ng umingay ang paligid.

Nanatiling nakatitig lang siya sa kawalan ng magsalita siya.

Ethan POV

Dapat niya na bang malaman? Sana naman mapatawad pa niya ako.

Sana mapatawad mo pa ako eya..

"You know what naging inspiration kita nuon. Naging inspiration kita sa lahat, I adored you a lot dahil iba ka."

Nuong nangyari sa Orientation sa first day of school ay di naman talaga kami mababanga nun but she caught my attention kaya nanatili akong nakatayo nun at dahil sa busy siya sa pag tingin sa braso niya ay nabangga niya ako.

Ang cute niya eh. I suddenly smile when I remember that day.

"Hindi naman kasi madali ang buhay Andrea. Minsan kahit di mo gusto ay nagagawa mo dahil sa isang rason. Mahal mo naman siguro ang kapatid mo diba? Na kahit ikaw pa ang masaktan ay gagawin mo parin para lang sa kanya kasi magkapatid kayo eh."

Biglang may isang butil ng luha ko na tumulo sa pisngi ko ng maalala ko lahat, I sacrificed a lot... Jus for my sister..

Yumuko nalang ako kasi nahihiya ako sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin. Parang di ko pa nga ata kaya na sabihin sa kanya ang lahat.

"Im sorry Eya" tumalikod na ako at iniwan siyang nakatulala.

'Sana maintindihan mo ko pagdating ng tamang panahon.'

At tuluyan na akong lumabas ng bar.

Andrea POV

"Im sorry Eya" then he walk out.

Pinahid ko ang luha ko at uminom ulit ng isang basong beer.

Akala mo ba maloloko mo ko ulit Ethan? Nah! Im done with it but not with you.

Di pa ako tapos sayo.

Nung binabasa ko ang sulat na binigay ni luke kanina sa library ay may bigla akong napagtanto ngayon.

It's a letter from Ethan but I realized something. Ethan will never print his letter, he's more fun with writing because he's good on it.

I think I know someone who can did that to me.

You damn Trisha! Pinagloloko niyo ba ako? Ass****s!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon