Chapter 4

15 1 0
                                    

AN: Kanta po yung mga naka italic words. Yan lang, pacute muna si Author. :D

"Pasok na po kami."sabay halik ko sa pisngi ni Mommy.

"Ba't ang tamlay mo anak, May problema ba?" Bakas sa mukha ni mommy ang pag aalala.

"She's fine mom" saad naman ni Kuya habang sa ibang direksyon naka tingin. Hay.. Pasensya na talaga kuya.

"Oh sige mom alis na po kami." Nginitian lang niya ako tsaka tumango.

Ayaw ko pa nga sanang pumasok eh. Naaalala ko kasi yung usapan namin ni kuya.

"We're here! Wag mong kalimutan usapan natin kagabi. I'm watching you! Take care" sabay halik niya sa noo ko.

Ang swerte siguro ng magiging Girlfriend niya. Ang sweet niya eh. Tumango lang ako saka ngumiti ng tipid. Matutulog nalang muna ako pagdating sa room. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Paupo pa lang ako ng may tumakip sa mga mata ko. Napangiti nalang ako ng makilala ko kung sino to. Siya lang naman nagpapatibok ng puso ko ng ganito eh.

"Goodmorning babe" bulong niya sa may bandang tenga ko.

Dug! Dug! Dug! Dug! Dug!

Walangyang puso to.

"G-Goodmorning din b-babe" Nahihiya kong bati sa kanya.

"HAHAHA! Yeah! Kinilig ka noh? Haha wag ka mag alala babe nandito lang naman ako palagi para pasayahin ka" Ethan

Sabi ko na nga bang nagkamali lang si kuya. Napangiti nalang ako.

"Nah! Kinilig ka naman? Hay naku Fay ang ganda mo talaga. " Sambat ni Trisha. Nasa likuran lang pala siya na prenting nakaupo dun.

"Anong Fay sis? Haha FamayFAY?" Mika.

Nagtawanan naman sila. Ako naman ay tahimik lang dito na nakatayo. Tinignan ko si Ethan pero nakitawa rin pala siya.

"Exactly!" natatawang sabi naman ni Trisha.

"Hey FamayFAY! Haha nice one." Ayesha

Yumuko nalang ako. Sanay na naman kasi ako sa kanila eh. Pero Okay lang kaibigan ko naman sila eh. Alam mo naman yung mga pajoke joke ng barkada diba? Hihi tama!

"Ah excuse me girls! May pupuntahan pa kasi kami ng BABE ko." Singit naman ni Ethan na nakatingin lang kay Trisha.

Tumango naman ito kaya kinaladkad na niya ako papuntang likuran ng School.

May malaking puno kasi dito na mapagpapahingahan ng mga estudyante. Madalas rin kami tumambay dito.

Umupo na siya kaya umupo na rin ako. Tamihik lang kaming dalawa. Nakasandal lang siya sa puno habang nakapikit. Kakanta na nga lang ako.

(Song title: "Don't let me down" by; Chainsmokers)

~~ Crashing, hit a wall Right now I need a miracle Hurry up now, I need a miracle ~~

Tumigil muna ako kasi gumalaw si Ethan. Pagtingin ko naman ay naka pikit parin siya kaya nagpatuloy na ako.

~~ Stranded, reaching out I call your name but you're not around I say your name but you're not around ~~

"Bakit ? Kailan mo ba ako tinawag? Nandito lang naman ako ah"

Napahinto naman ako sa pagkanta dahil sa sinabi niya. Nakatitig na pala siya sa akin. Nakakahiya tuloy.

"Kanina ka pa ba nakikinig?"

"Hindi. Let's go" Walang emosyong saad niya. Ganyan naman siya eh. Bipolar!

Wala nga pala ang prof. namin ngayon. May ginagawa daw. Napatingin naman ako sa orasan ko. Recess time na pala.

Pagdating sa room ay sila Trisha nalang ang andun. Kasunod lang ako ni Ethan na pumasok sa room.

"Oh andyan na pala kayo!" Mika

"Hay salamat! Kanina pa ako gutom noh! Tagal niyo!" Galit naman na sabi ni Trisha.

"Diba kaibigan MO naman kami? Bilhan mo nalang kami ng pagkain sa cafeteria." sabi naman ni Ayesha

"Paki bilisan! Dalhin mo nalang dito sa tambayan natin Fay hap!"Trisha

"Ito lista oh" Mika. tinanggap ko yung listahan ng walang pag alinlangan. Bestfriend ko naman kasi sila eh, okay lang maubos allowance ko.

"Sige, hintayin niyo nalang ako dun." Nakangiti kong sabi.

Tiningnan ko lang si Ethan na nakisabay na pala kila Trisha na lumalabas ng room.

Baka tinatamad na siyang pumunta sa cafeteria. Ganito naman kami araw-araw eh.

Pero aaminin ko. Nasasaktan talaga ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami agad sa room namin. May klase pa kami.

Pero ako ang huli kasi nga ako ang pinalinis nina Trisha sa mga kalat namin dito. May nakausap pa nga akong babae dun.

(Flashback)

"Kawawa ka naman"

Nagulat naman ako nung may babaeng lumapit sa akin.

"You know what? Di naman masamang maging matapang" she paused.

"Alam ko namang niloloko ka lang nila lalo na nang boyfriend mo." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Revenge. Revenge ang pinaka saktong gawin sa ganyang mga sitwasyon." Lumakad na siya saka umalis.

Naiwan naman ako dung nakatulala at napaisip sa sinabi niya.

___
Ayan! Huhu! Tinatamad ako. :( Nagawa ko na tong story nato nuon kaya lang nagka problema. Kahit anong gawin kong pag update eh, blanko lang talaga siya. Kaya eto na naman. Sulat uli. Huhu!

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon