Chapter 3

9 0 2
                                    

5months..

5month's na ang lumipas pero andami ng nangyari na di ko inaasahan.

Nagka boyfriend ako, yung lalaking nakabanggan ko nung first day of school. Yung may dalang bulaklak. Niligawan niya nalang ako bigla nun, nagulat nga ako eh. Kasi isa po siya sa mga nambully sa akin nuon. Pero nahulog ako eh kaya sinagot ko na.

May mga kaibigan narin ako. Hihi Naging kaibigan ko na po sila Trisha, Mika at Ayesha. Yung tatlo pong nakaharap ko nung orientation namin. Di naman daw nila yun sinasadya kaya okay lang.

Nakahiga lang ako dito sa kwarto habang nakatitig sa kisame.

Nasasaktan ako. Ay naku ewan! Si Ethan kasi eh lagi nalang silang magkasama ni Trisha. Ako naman yung girlfriend niya diba? Ba't si Trisha ang palagi niyang sinusundo tuwing umaga?

Ang dumi naman ng isip ko. Ganyan naman talaga ginagawa ng magkaibigan diba? Mukhang ang close nga nila eh.

Nakita ko na kasi silang magkayakap sa parking lot. Aksidente lang yung pagkakita ko sa kanila kaya di nalang ako nagpakita pa.

"Bunso? Pwede bang pumasok?" Si kuya pala, baka nadatnan pa niya akong nakatulala. Patay ako nito.

"Umiiyak ka ba?" Seryosong tanong niya.

"H-Ha? Ano-" huli na para magpalusot ako. Siya na mismo pumunas ng basa kong pisngi. Yumuko na lang ako.

"Alam mo ba, nasasaktan akong nakikita kang umiiyak."

"Kung yung boyfriend mo ang dahilan please Andrea Faye hiwalayan mo na siya." seryoso nga siya kasi tinawag na niya ako sa buong pangalan ko.

"Pero di ko kaya kuya. Please wag mo naman kaming paghiwalayin." Naiiyak kong sabi.

Di ko kaya eh, sobrang mahal ko na siya na kahit paulit ulit niya pa akong saktan ay andito parin ako handang tanggapin ang sorry niya.

"Andrea niloloko ka lang niya! Kalat na nga sa paaralang yun na may relasyon yang boyfriend mo at yang nagbabait-baitan mong kaibigan!" napasigaw na si kuya.

Di ko siya masisisi. Minsan na kasi niyang nahuli na nagdate yung dalawa. Pero ayokong maniwala.

"Mahal niya ako kuya! Di totoo yan! Wag kang maniwala sa mga sinasabi nila. sinisiraan lang nila kami kuya."

Napahagulhul nalang ako ng yakapin ako ni kuya. Yung pinipigilan kong mga luha kanina ay kusa ng nag uunahang tumulo ngayon. Ang sakit eh.

"Shhh.. sige pagbibigyan kita ngayon bunso. Pero sa oras na makita ko yang Ethan na yan na niloloko ka ulit. Pasensya nalang bunso. Alam mo naman kung anong nagagawa ko diba? Dinadala natin ang apilyidong Smith kaya lumaban ka! Walang sinuman ang may karapatang tapakan ang mga angkan natin."

___
AN: Mahal nga ba siya ni Ethan? o niloloko lang siya katulad ng sinasabi ng kuya Ian niya. Abangan sa next chapter! ^_^

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon