Chapter 6

6 1 0
                                    

Napamulat ako dahil sa kamay na pumupunas sa mata ko.

"M-mom"

Nagulat ako ng makita ko siya. Tatanggapin ko kung pagagalitan man niya ako ngayon. Pero imbis na sermunan ay niyakap niya lang ako.

"Alam mo anak, di naman masama na ibigay lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Pero sa pagmamahal na yan ay masasaktan karin ng sobra."

Alam na kaya niya? Mukhang nabasa niya naman sa mukha ko ang tanong dahil tumango siya.

"Sinabi sa amin ng kuya mo ang lahat kagabi. Alam mo anak, napaiyak nga siya habang nagkukwento ng mga paghihirap mo sa lalaking yun at sa mga kaibigan mo."

Pinahid niya muna ang luhang tumulo sa mata niya saka nagpatuloy.

"Anak kung nasasaktan ka na ng sobra, di naman masamang bumitaw."

Napaluha nalang ako sa sinabi ni Mommy.

"Di ko kaya *sobs * May mali ba sa akin Mom? Sabihin mo naman dahil kaya kong baguhin kung ano man yun bumalik lang siya sa akin." Napahagulhul nalang ako. Bumabalik na naman ang lahat ng sakit.

"Bata ka pa anak, Marami ka pang makikilala." Sabay ngiti niya sa akin at pinunasan ang luha ko. Bata pa nga lang ako pero kung ano ang decisyon ko ay sinusopportahan nila ako.

"Ang sakit sakit po eh. Naging mabuti akong kaibigan at mapagmahal na Girlfriend pero nagawa parin nilang lokohin ako." Sunod sunod ng tumulo mga luha ko.

"Nakapag desisyon na kami ng Daddy mo anak. Ililipat ka na namin ng paaralan."

Napatingin ako bigla sa kanya. Mas mabuti na siguro ang ganun. Sa pagbalik ko, ipapangako kong pagsisihan nila ang lahat.

"Pwede na ba akong mag empake?" Tanong ko na nakapag pangiti ni mommy.

"You're given this life coz you are strong enough to deal with it. Remember that Andrea."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang mahinang tulad ko ay magiging matapang na at palaban sa pagbalik ko.

Maghihigante ako! Hintayin niyo lang ako. I'll be back..

To make you all suffer.


___
AN: Tanaaan! ^_^ Sa pagbabalik niya ay magiging matapang na ba kaya siya? ABANGAN!!

May klase na po kami mamaya. 4:30pm-9:00pm Kaya magiging slow na po ang pagU'UD ko. Hope you understand guys! Love yah! :-*

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon