Chapter 1

22 1 2
                                    

(3years ago)

"Goodmorning Mom and Dad." Nakangiti kong bati sa mga magulang ko.

"Goodmorning din baby" sabi ni Daddy ng nakangisi.

Lumapit si mommy sa akin para halikan ako sa pisngi.

"Oh kumain ka na anak, halika na dito sa kusina. Hon kain na tayo tawagin mo na si Ian. Sabay na tayong kumain"

Pasigaw na sabi ni mommy pagkatapos ay pinaghain niya ako ng ulam at kanin. Ang swerte ko naman. ^_^

Kahit na wala akong kaibigan may mga magulang naman akong mapag alaga. Hihi

"Oh bunso ba't ang aga mo?" Si kuya na pakamot kamot pa sa ulo niya. Kakagising lang siguro nito.

"Eh kuya 1st day of school kaya ngayon. Excited na ako!" Kailangan maaga ako noh!

"Oh Ian buti pa kapatid mo ready na, hay naku talagang bata ka! Hala sige bilisan niyo ng kumain para makapasok na kayo" saad ni Daddy.

Mabilis akong natapos at niligpit agad ang pinagkainan bago lumabas. Ou nah! Ako na ang excited! ^_^

"Bilis na kuya, may orientation pa ngayon kaya kailangan nandun na tayo." Sabi ko habang pasakay sa kotse niya.

Opo! Tama kayo ng rinig! May kotse na po siya kahit 4th year High School pa lang siya. Regalo kasi yan nina mommy at daddy nung birthday niya.

"Wag masyadong excited bunso! Mag ingat ka dun ha. Malayo pa naman room namin sa inyo. Baka mabully ka dun. Marami pa namang mga gago sa paaralan na yun!" Seryosong sabi niya.

Tatawa pa sana ako eh. Akala ko kasi tinatakot niya lang ako pero mukhang seryoso nga siya sa mga sinasabi niya. Kaya tumahimik nalang ako.

"Goodmorning students especially to the freshmen! Palakpakan po natin sila."

Nagpalakpakan naman kaming lahat sa sinabi ng emcee. Andito ako ngayon sa Gym para sa Orientation namin. Ang daming tao, nahihiya tuloy ako. Kaya nasa may giliran lang ako pumwesto. Mahirap na, wala pa naman akong kakilala dito maliban kay kuya. Busy rin naman si kuya.

Habang nakikinig ako ay may tumulak sa akin na naging dahilan para matumba ako.

"Arayy! Ano ba yan miss! Mag ingat ka nga!" Nagulat ako sa biglang pag singhal ng lalaking nasa unahan ko.

"Pasensya na po" Hinging paumanhin ko sa kanya. Kasalanan ko rin naman kasi eh.

"HAHA! Mukhang ang aga mong nakakita ng mapagtripan Trisha ah" narinig kong usapan dun sa likod ko. Yumuko nalang ako kasi natatakot ako.

"Naman! bored ako eh! " sabay tawa na sabi nung tinawag na Trisha

"Mukhang malilibang ako nito ah." Sabi naman nung medyo curly ang buhok.

"Hey You!" Sabay hawak niya sa braso ko.

"Aaraay po, nasasaktan ako" ang higpit kasi ng hawak niya sa braso ko. Eh wala naman akong ginawang masama ah.

"OH masakit ba? Kawawa ka naman" nagtawanan sila ulit. Pati yung mga ibang studyante na nakakita ay pinagtatawanan na rin ako.

"Bitiwan niyo na po yung braso ko. Ang sakit na po. Wala naman po akong kasalan sa inyo." Naiiyak na ako dito pero pinagtatawanan lang nila ako.

"Sinabi ko ba sayong magsalita ka? Ha?!" Sabi niya na mas humigpit pa ang hawak niya sa braso ko.

"Aww.. Crying baby!" Pang aasar naman na sabi nila.

Hinablot ko na ang braso ko saka tumakbo palabas ng Gym. Di ko alam kung saan ako pupunta basta ang importante malayo na ako sa kanila. Ang pula na tuloy ng braso ko. Huhu!

Habang tumatakbo ay may nabangga ako.

"Naku! Sorry po" sabi ko sabay pulot ng ... Flowers? Pag angat ko ay nakakunot noo ang mukha ng lalaking nakabanggaan ko.

"Kung nagpapa pansin ka lang at sinadya mo talaga yung pagbangga sa akin ay wala akong Oras para dyan Miss kaya pasensya na."

Pagkatapos ng mahabang sinabi niya ay hinablot niya agad yung flowers na pinulot ko tsaka ako nilampasan.

Naiwan naman akong nakatulala dun. Nagpapa pansin? Ako ba? Eh hindi ko naman talaga sinasadya yung pagka bangga ko sa kanya ah.

Tinitingnan ko kasi yung braso kung namumula habang tumatakbo ako kaya di ko siya nakita.

Paglingon ko ay ang layo na niya. Bahala na nga yun! Nagulat ako nang lumingon siya ulit sa akin ng ... nakangiti.? Saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Namamalik mata lang naman ata ako. Ay ano ba yan! Kumain naman ako ng agahan ah.

___

AN: Haha pasensya na po kung pangit. Yan lang kinaya ng powers ko ngayon ^_^

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon